Andito ako ngayon labas ng cottage at nakatingin sa tubig na nagmumula sa itaas.
Habang nakalubog ang dalawa kong paa sa tubig ay masaya kung binalikan ang mga ala-alang bumuo sa pagkatao ko.
Flashback start
"Tabi!" malakas na sigaw ang narinig ko .
Hindi ko na lamang iyon pinansin baka hindi ako ang sinisigawan ,mahirap maging assuming baka masaktan lang ako.
"Aray" sigaw ko ng bigla akong mapaupo dahil sa bike na tumama sa katawan ko.
"Sinabi na kasing tumabi! ang kulit mo" naiiritang wika ng lalaking nasa harapan ko.
"Ayos ka lang ba?" tanung nito sa akin na hindi ko kaagad na sagot dahil abala ako sa pagsuri ng mukha nito .Napakagwapo ng mukha niya habang ang katawan naman nito ay medyo payat na bumagay sa kanya.
"Ayos ka lang ba?" pag uulit nito sa akin habang nakalahad ang kamay nito sa harapan ko medyo naiilang na ako dahil sa pwesto namin medyo malapit kasi ang mukha nito sa akin .
"Oo ayos lang ako" sabi ko sa kanya habang inaabot ang kamay nito .Ang lambot.
"Ako nga pala si Denver ,pasensya ka na " sabi nito sa akin habang inaayos ang nagusot kung polo .
"Ako naman si Dexter bago lang kasi ako rito kaya medyo hindi ako aware sa paligid" nahihiya kong sabi sa kanya .
"Ganun ba?" Saad nito sa akin ,sabay tapon ng isang ngiti na siyang naglabas ng dalawang biloy nito sa kanyang pisngi .
"Pasensya kana but I have to go ,malalate na ako" sabi nito at hindi na ako hinintay pang makasagot dahil tuluyan na itong umalis sa harapan ko.
Lumakad na lamang ako na parang walang nagyari pero deep inside na tuwa naman ako dahil sa wakas magiging maayos na din ang Senior highschool ko.
Nakick out kasi ako sa dating pinapasukan ko dahil sa pang bubugbog ko sa baklang humawak ng ano ko.Medyo gwapo rin ako at build na rin ang katawan ko kung kaya maraming bakla ang gusto akong maikama pero no way ,i swear if they touch me , i kill them oppss mali yata ang grammar ko.pasensya na tao lang .
End of flashack
Malapit na palang gumabi mukhang napasarap ang pag gunit ko sa nakaraan ko.
Nagkukulay kahel na kasi ang sinag ng araw na tumatama sa tubig .tumayo na ako at pumunta sa loob ng cottage upang makapaghanda ng aming hapunan sumilip muna ako sa kwarto upang tingnan kong tulog pa rin ba ito at tulad ng dati ,antukin parin ito.
Dumeritso na ako ng kusina upang maghanda ng paborito nitong sinigang na baboy ,Oo nga pala hindi ko na nasabi na meron ditong taga rasyon ng aking panangangailangan .
Inayos ko na ang mga sangkap ng lulutuin ko ng may maramdaman akong parang may tao sa likuran ko .
"Oh ikaw pala yan denver" sabi ko sa kanya ng humarap ako .
"Anong oras na ?" tanung nito ,at halata sa boses nito ang bagong gising dahil sa pupungaspungas ito .
Sumilip muna ako sa relo bago ako tumingin sa kanya .
"Quarter to six " sabi ko sa kanya at tumango na lamang ito.
"You need a help" sabi nito sa akin .
"No ,Patapos na rin naman ako" sabi ko sa kanya habang hinahalo ko ang sinigang .
Matapos kung magluto ay inihanda ko na ang aming hapunan at masaya namin itong pinagsaluhan.
"Aaahhhmmmmm ang sarap ngayon lang uli ako na katikim nito " sabi nito na siyang nag pa ngiti sa akin .
"Bakit hindi ka ba pinagluluto ng asawa mo?" sabi ko aa kanya na medyo ikinatahimik nito .
"Wala kasi kaming parehong time kaya puro order na lang ang ginagawa namin" sabi nito habang humihigop ng sabaw .
One point !Dexter masaya kung papuri sa sarili ko .
"Balang araw magiging akin karin muli" masaya kung bulong sa sarili ko .
"Anong ngi-ngiti mo dyan?" sabi nito sa akin na siya naman lalong nagpalawak ng ngiti ko ng husto .
"Para kang baliw?" sabi nito sa akin .
Itinuloy ko na lamang ang pagkain ko habang naka ukit sa mukha ko ang isang ngiti.
"Kamusta nga pala ang naging buhay mo sa America ,balita ko doon kana nag tapos ng kolehiyo" sabi nito habang pinupunasan ang labi nito gamit ang likod ng kamay nito.
"Mahirap,sobrang hirap" sabi ko habang nakahawak sa baba ko .
"Bakit?"
"Kasi wala ka " sabi ko sa kanya at agad naman akong nataranta ng bigla itong mapaubo habang nainum ng tubig.
"Ayos ka lang " nag alala kung tanung sa kanya .
"O-o a-yos l-a-ng ak-o" nahihirapan nitong sabi dahil sa pagkakasigmok nito ,mabilis ko naman hinagod ang likod nito.
"Bakit naman AKO ang dahilan ng paghihirap mo sa Amerika" sahi nito habang itinuturo nito ang sarili .
"Maybe sometimes i will answer your question but from now i can't answer it" sabi ko sa kanya ,na nag pakunot ng noo nito.
"Eh ikaw ,ano naman nangyari nung gabing nakita kita sa bar na mag isang nag iiinum ?" segunda ko sa kanya pero mukhang mali yata ang naitanung ko .
"Ayos lang kahit hindi mo na sagutin yung tanung ko ,kukuha na lang ako sa Ref.ng dessert" sabi ko sa kanya at Aalis na sana ako ng bigla itong magsalita.
"Nag away kami ni Raven dahil sayo" casual nitong sabi sa akin na siyang ikinataka ko.
"Ba-bakit?" nauutal kong sabi sa kanya .
"Nalaman kasi nitong may relasyon tayong dalawa DATI ,tinatanung niya kung may nararamdaman pa ako sayo ang sabi ---
hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin nito ,agad akong tumakbo papunta sa kusina ,Hindi ko kayang marinig mismo sa bibig nito na hindi na ako nito mahal ,alam kung hindi na nito ako mahal pero gusto ko paring umasa na magiging kami parin sa huli na kahit papaano ay umaasa parin ako .hindi ko pa kaya! Not now ,not even tomorrow or maybe someday i can't here from him that he not love me.
Namalayan ko na lamang na pumapatak na ang ilang luha ko mula sa aking nga mata .
Kaya ko pa ba?