"Ate, hindi ba ako pupulmonyahin dito sa damit ko. Parang hubad na hubad kasi ang likod ko e." Nakangiwi nyang tanong kay Ella habang papalabas sya sa dressing room ng mga ito dahil doon na sya nagbihis. Ramdam nyang kalahati yata ng likod nya ay litaw. Panay din ang hila nya sa laylayan ng damit para umabot man lang iyon sa kanyang tuhod.
Sa harapan ay medyo okey pa kasi bahagyang lumitaw lang ang cleavage nya. Pag hinila lang nyang pataas iyon ay matatakpan na iyon. Panay ang paghatak nya sa may baywang para hindi lang masyadong humakab iyon sa katawan nya pero bumabalik parin. May mahabang sleeve iyon pero see-through ang tela kaya kita parin ang maputi nyang balat. Idagdag pang kulay itim ang kulay ng damit kaya lalong tumingkad sa kaputian nya.
Napanganga si Ella. "Wow! Ikaw na iyan?" Hindi makapaniwalang bulalas nito ng makita na siya. Hindi akalain ni Ella na may itinatago palang alindog ito sa ilalim ng mga damit na palagi nitong suot suot. Lumabas ang malapad nitong balakang at bilogan nitong pwetan at maliit lang baywang nito. Hindi kalakihan ang dede pero hindi nya akalain na ganon iyon kalaki. Ang sexy nito pero panay ang batak sa damit na parang hindi mapakali.
"Ate. Wala kana bang ibang damit diyan? Iyong mas mahaba at mas maluwang ng dito." Halatang hindi talaga kumportable sa damit pero para sa kanya iyon ang pinaka tamang damit nito ngayong gabi.
At masasabi nyang may taste talaga ang bayaw nya.
Hinila nya si Stephan na hindi parin mabitawan ang laylayan ng damit. Hila pababa at hila pataas ang ginagawa nito. Pinatayo nya ito ng maayos sa harap ng vanity mirror.
Natatawa sya dahil parang naluging bakla ang itsura nito at laglag ang balikat habang nakatingin sa sarili nitong reflection.
Hinawakan nya ito sa balikat para makatayo ng ayos at medyo idiniin ang palad sa likod nito para maunat ang likod nitong halos nakayukod na para itago ang bundok nito sa harapan saka nya itinaas ang baba nito.
"Iyan. Dapat ganyang ang tayo mo hindi iyong nakakuba ka." Natutuwang nyang sabi dito. Hinawi nya ang buhok nitong nalaglag sa mukha nito. "My God Stephan. May hawig pala kayo ni Arci Monuz." Bulalas nya habang tinititigan ang dalagang ilang na ilang na.
"Ate. Please. Bigyan mo na ako ng ibang damit. Hindi ko kayang isuot ito." Pakiusap nito na parang mangiyak ngiyak na pero tinawanan lang nya ito.
"Okey naman ang damit sayo. Bagay na bagay nga. Ang sexy mo. At saka hinabilin din kasi ni Macky sa akin dahil part pala ito ng pustahan ninyo. Huwag kang mag alala dahil parang ganyan din ang suot ko. Mas revealing pa nga dyan. At akma lang iyan sa pupuntahan natin." Giit nya. Nakita nyang nakasuot pa ito ng b*a kaya kinalas nya iyon.
"Ate anong ginagawa mo?! Bakit mo tinatanggal?" Gulat na bulalas ni Stephan sabay takip sa dede na parang makikita iyon ni Ella pag natanggal nito ang b*a nya.
"Makikita kasi dito sa likod at hindi bagay sa damit. At saka iyang pantie mo palitan mo din." Wika nito.
"Huh? Pantie. Anong ipapalit ko e ganito lahat ng pantie ko. At saka anong isusuot kung b*a na hindi nakikita sa likod?" Naguguluhan nyang tanong. Bakit kasi ang dami daming arte ng mga babae e! Reklamo nya sa isip.
Napangisi naman si Ella. Umalis ito saglit pero bumalik din agad.
"Ito ang isusuot mo. Huwag kang mag alala hindi ko pa nagagamit iyan tapos iyang dibdib mo. Lalagyan nalang nating ng plaster para kahit wala kang b*a ay okey lang." Wika nito na inabot sa kanya ang underwear at isang parang plastick na nakapack. Silicone n****e pad. Papaano kaya gamitin ito?
Actually, inabot iyon ni Macky kanina dahil baka kailanganin daw nila. Ngayon naiintindihan na nya.
Binuklat ni Stephan iyon at nanlaki ang mata nya ng makita nag underwear na ipinapasuot nito sa kanya. "Ito ang isusuot ko?! Ate naman. Anong matatakpak nito?" Reklamo nya na binanat pa ang kaperanggot na tila.
Tawang tawa si Ella sa kanya. "Masyado bang malapad para hindi matakpan?." Biro nito sa kanya kaya napatawa na din sya.
"Ate naman. Baka kainin lang nya ito e." Hindi mapigilang humalakhak sa sinabi nya. Ganon din si Ella. Dinaan nalang nya sa biro ang pagkailang na nararamdaman. Nakakita na sya ng ganong underwear pero hindi nya akalaing makapagsusuot sya non. Kung T-back ang naiisip ninyo, tama kayo!
T-back na nga, masyado pang maliit ang pundya nito.
At saka hindi daw sya magsusuot ng b*a? My god! Kanina pa nya napatay si Macky sa isip nya sa sobrang inis.
Siguro pag nakita ng ama nya ang itsura niya ngayon. Kahit wala pa siguro syang boyfriend baka ipakatay na nito ang dalawang baka nito.
"Sige na. Bihis na ulit para maayosan na kita." Matapos syang turuan kung papano ilagay ang plaster sa n****e nya ay bahagyan sya nitong tinulak para makapagpalit na ng underwear nya.
Matapos syang magbihis ay lumabas na sya. Pakiramdam nya ay wala syang suot sa ilalim ng damit nya ngayon.
Inikotan sya ni Ella na parang hanggang hangga sa nakikita nito.
"Perfect!" Pumapalakpak pa na sabi nito.
Pinaupo sya sa harapan ng vanity mirror at kung ano ano ang binubutingting nito sa mukha nya. At inayosan nito ang buhok nya.
"Iyan, tapos na." Wika nito kaya napadilat sya at tumingin sa salamin.
Napaawang ang labi nya. Ako na ba ito? Tanong nya sa isipan habang nakatingin sa babaeng nasa salamin.
Wala ng bakas ni Stephan. Ang nakikita nalang nya ngayon ay isang magandang babae na napakaamo ng mukha.
Kumurap kurap sya at wala sa loob na napahaplos sya sa mukha. Ako nga! Bulalas nya sa isip.
"Ang ganda mo Stephan." Bulalas ni Ella.
Biglang tumunog ang cellphone nito kaya saglit syang naiwan doon na titig na titig parin sa salamin.
Maganda nga sya. Ngayon lang sya nakapag ayos ng ganito sa tanang buhay nya. Pero hindi sya ang nakikita niya. Parang hindi nya naiimagine ang sarili na ganon ang ayos.
Parang may mabigat na nakadagan sa dibdib nya. Ganito sigurong klaseng babae ang gusto ni Macky kaya siya pinag aayos ng ganon..
Mapait syang napangiti. Kaya ba nyang bagohin ang sarili para magustuhan din nito?
Oo, din. Dahil sa maiksing panahon na makasama nya ang lalaki ay natuklasan nya ang tunay nyang sexualedad. Pinaramdam nito sa kanya na tunay syang babae na naghahangad ng isang haplos ng isang lalaki.
Noong una. Hindi nya matanggap iyon sa sarili. Dahil sa bukod sa pagbilis ng t***k ng kanyang puso pag nakikita nya ito. Ang pakiramdam na palagi nya itong hinahanap. Ay may nabuhay pang pagnanasa sa kanyang katawan. Nakakahiyang aminin. Pero mula ng aksedente sya nitong mahalikan sa court ay palagi na nya iyong iniisip at palaging nyang napapanaginipan na inaangkin sya nito. Na inaangkin nila ang isa't isa. Sa isip at panaginip nya, hindi na sya virgin dahil ilang besis na syang naangkin ng binata doon.
Matapos nakipag usap si Ella sa phone ay mabilis na itong nagbihis. Pinagpili nalang sya nito ng flat shoes dahil hindi talaga nya kayang ilakad ang binili ni Macky na pares ng damit nya.
Hangang hanga din sya kay Ella ng matapos itong mag ayos. At kagaya nga ng sinabi nito ay mas revealing ang damit nito dahil mas malalim ng neckline ng damit kaya kitang kita ang cleveage nito. At expose na expose ang mapuputi nitong balikat. Kitang kita din ang tattoo nito sa likod kaya lalong nagin kaakit akit itong tignan. Sinong magsasabibg piklat iyon? Naekwento kasi nito ang kuntikan nitong pagkamatay noon at doon nito nakuha ang mga piklat nito sa likod na ngayon ay natatakpan na ng tatto.
Ang asawa daw nito ang tumawag kanina ay nasabi nito na hindi na daw sila masusundo kaya ang driver nalang ang maghahatid sa kanila. Napag alaman din nya na sa bar pala na pag aari ni Macky ang tungo nila.
Nginitian sila ng guard na mukhang kilala na ng mga ito si Ella.
"Nandiyan na sila kuya?" Nakangiting tanong ni Ella dito.
"Oo Ma'am. Kayo nalang po ang kulang." Sagot din nito. "Ihahatid ko na po kayo sa loob."
"Ay huwag na po. Kaya na po namin." Pigil naman ni Ella dito.
Tahimik lang syang nakasunod kay Ella habang kipkikipkip nya ang clutch bag. Sumakay sila sa Elevator. Habang paakyat sila ay lalong lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib at parang pinagpapawisan na sya ng malapot dahil sa sobrang nerbyos.
"Stephan okey ka lang?" Tanong ni Ella sa kanya pero parang hindi nya ito naririnig.
"Stephan?" Ulit na tanong na hinawakan pa ang kamay nya.
"Huh?"takang nagtaas sya ng tingin dito.
"Nanlalamig ka." Nag aalalang sabi nito.
"Kinakabahan ako ate." Hindi nya maitago ang panginginig ng kanyang mga palad.
"Ano kaba. Okey lang iyan. Kasama mo naman ako. At saka mamaya, kasama natin sila Macky." Sabi nito na lalong nagpakabog sa dibdib nya. Marinig lang nya ang pangalan ng binata ay para na syang hihimatayin. Papaano pa kaya pag nakita na sya nito.
Baka hindi nito magustohan ang ayos nya.
Ting! Hudyat na narating na sila ang floor. Pero imbis na malakas na tugtog ang bumungad sa kanila ay parang opisina.
"Actually nandito tayo ngayon sa pinakaopisina ng bar. At tanging si Macky at mga ibang staff lang ni nya ang may access sa elevator na iyan. Diyan lang tayo dumaan dahil baka kung sa harap tayo dumaan mamatay ka na sa nerbyos." Natatawang buska nito sa kanya.
Napanguso sya. "Hindi naman ako nenerbyosin ng ganito kung hindi nya ako pinagbihis ng ganitong damit. Okey naman ang mga damit ko doon." Reklamo nya.
Sabay silang napatingin sa pintuan ng bumukas iyon at niluwa si Ron.
Kitang kita nya ang paghanga sa mata ng lalaki na nakatingin sa asawa. Para ngang hindi sya nito napanasin.
"Hello gorgeous." Bati nito ng makalapit na ito sa kanila at parang wala sya sa paligid ng halikan nito ang asawa kaya agad syang napatalikod sa mga ito.
"Ano ba love. Inubos mo na iyong lipstick ko" Reklamo naman ni Ella.
Tumawa si Ron. "And who is the beautiful young lady with you?" Baling nito sa kanya kaya napakunot sya ng noo.
Tumawa si Ella. "Oh... Ipinapakilala ko sayo si Miss Stephanie Santaana. Annie. Baka hindi mo din nakilala ang asawa ko. Siya si Ronald Aragon." Wika ni Ella na humagikhik pa?
Kumunot ang noo ni Ron na parang inisip pa kung kilala sya nito at bigla nalang namilog ang mata at sa labi nito. "What the--- si Stephan? Tol ikaw iyan?" Hindi makapaniwalang bulalas nito.