Chapter 22

1620 Words
"Ano ang mga ito?" Kunot noong tanong ni Stephan habang nakatingin sa mga shopping bags na inabot ni Macky. Sumandal ito sa amba ng pintuan habang nakahalukipkip ang braso. Nakabihis na ito at parang idinaan lang talaga ang mga iyon sa kwarto nila ni Angel. "Those are the clothes you will wear for a week." Simpleng sabi nito. Kumunot ang noo nya. "Pero marami naman akong damit. Kaya bakit kailangan mo pa akong bilhan." Tanong nya na hindi man lang nag aksaya ng panahon para matignan ang laman ng mga bags. "Annie, If you just check what inside those bags you will see that they are different from your clothes." Patamad na wika nito. Nagtataka man ay sinimulan nyang tignan kung ano ang laman ng mga iyon. Mga dress?! "Kanino ang mga ito?" Tanong nya uli habang tinitignan ang mga iyon. Para namang nakukulitan na ito sa kanya. "Tsk! Those are for you, sayo nga binigay diba." Masungit na sagot naman nito sa kanya. Lalong nagsalubong ang kilay nya. "Pero bakit mo ako binilhan nito. Hindi naman ako nagsusuot nito. Ano ako bakla?" Tinaasan nya ito ng kilay. Kung mga polo shirt. T-shirt pa siguro ang binili nito baka magpasalamat pa sya. May inis na gumuhit sa mukha nito. "No. Remember. Talo ka sa pustahan at iyan ang magiging parusa mo. So whether you like it or not you're going to wear those clothes." Sabi nito na parang wala talaga syang choice kundi isuot ang mga iyon. "Pero hindi ako nagsusuot ng mga ito. Ano nalang ang magiging itsura ko na naka duster!" Reklamo nya na napapadyak pa ng paa. Ang hawak nyang bistida ay pabagsak na binaba sa kama. Nangisi naman si Macky. "We won’t know until you try." Sabi nito na parang nang iinis pa. "Ano ba kasing nakain mo at bigla mong naisipan na iyan ang ipagawa sa akin. Madami ka namang pwedeng ipagawa na hindi iyan. Ang usapan natin walang kang ipapagawa ng hindi ko kaya. Tang*na. Dress talaga." Mangiyak ngiyak nyang sumbat sa binata na parang aliw na aliw naman ang itsura habang nakatingin sa kanya. "Huwag kang magmura naririnig ni Angel." Saway nito na parang balewala lang dito ang pagmamaktol nya. "Huwag ka ng magreklamo. Damit nga lang iyan. At saka desente kaya ang mga iyan." Giit pa nito kaya lalo syang nanlumo. "And prepare yourself dahil ikaw ang isasama kong date ko mamaya. Iyong nasa black na bag ang isuot mo. Putulong ka nalang kay Ella mag ayos kung hindi ka marunong." Final na wika nito saka na sya iniwan. Nagpupuyos ang loob nya habang nakatingin sa likod nito. Parang gusto nyang alisin ang tsinelas para ibato dito. Ano kasi iyong huling sinabi nya. Date? Date daw? Sya date?! Dali dali syang humabol dito. "Sandali lang Mackario!" Sigaw nya na umalingawngaw sa loob ng mansyon. Naabotan nya ito sa may hagdan. Huminto ito at humarap sa kanya. "What?" Salubong ang kilay nitong tanong sa kanya. "Anong date? Linawin mo nga!" Inis nyang tanong sa binata. "Date? You will be my date later." Nasamid sya sa sarili nyang laway. "Nagbibiro ka lang diba?" Pinipilit nyang maging mahinahon. "Annie mukha ba akong nagbibiro?" Tinaasan sya ng kilay nito. Pinaningkitan nya ito ng mata "Tang*na naman oh! Bakit mo ba ako pinagtritripan?!" Inis nyang tanong dahil napupuno na sya. Nababaliw na ba ito. "Isang mura mo pa Annie hahalikan na kita. Hindi kita binibiro at hindi din kita pinagtritripan. Huwag kang mag alala dahil hindi lang tayong dalawa dahil kasama lahat ng kaibigan ko at mga asawa nila. Ako lang ang wala kaya ikaw ang isasama ko." Paliwanag nito na nagsimula ng bumaba sa hagdan pero sumunod parin sya. "Sandali nga lang. bakit nga ako?" Pigil nyang kulit dito. Ayaw parin nyang sumama kung sakali. "Bakit hindi ikaw?" Bakit tanong din nito. "Tang*na naman oh! Sagotin mo kasi ako ng maayos-" ang lahat ng sasabihin nya ay kinain lang nya dahil biglang natakpan na ng labi nito ang mga labi nya. Hindi nya alam kung papaano ang nangyari. Basta ang isang kamay nito ay nakahawak na sa batok nya. Medyo nakatingala ito sa kanya dahil mas nauna ito ng isang baitang. Dahil siguro sa nabigla sya at normal lang naman na pag hinalikan ka ay pipikit ka diba. Iyon ang alam nya dahil parang may sarili isip ang kanyang mga mata na kusang pumikit ang mga iyon at humigpit ang kapit nya sa balustre. Parang nawala na naman sya sa sarili nyang mundo. Nagsimulang gumalaw ang mga labi nito pero nanatiling awang ang labi nya. Ano ang gagawin nya. E sa hindi sya marunong humalik. Masuyo ang galaw ng labi nito na para syang dinuduyan "Emmm" ungol nya ng maramdaman ang dila nito. Shit! Umungol sya. Wala sa loob na naipiling nya ang ulo kaya naghiwalay ang kanilang labi. Matiim na tumitig sa kanya ang binata kaya naibaling nya ang tingin. At ganon nalang ang panlalaki ng mata nya ng nakatingala pala ang mga magulang at kapatid nitong nasa living room. Parang gusto nalang nyang mawala nalang bigla. Dali dali syang pumuhit at tumakbo pabalik sa loob ng kwarto. Halos magkanda dapa dapa na sya sa pagkataranta. Rinig nya ang pagtawag sa kanya ni Macky pero hindi na nya ito pinansin. **** Alumpihit si Stephan sa loob ng kwarto. Lakad dito, lakad doon. Halos maubos na nya ang kuko nya sa daliri sa kangangatngat nya. Hindi nya alam kung papano syang lalabas matapos ang nangyari. Shit! Mismong mga magulang pa nito ang nakakita sa kanila sa ganong tagpo. Hindi nya alam na dumating na pala ang mga ito galing Davao. "Tok! Tok! Tok! Stephan." Nabosesan nya si Ella. Kinakabahan nyang tinungo ang pintoan. Naka ilang hinga pa sya ng malalim bago nya iyon binuksan. Nakayuko ang ulo. "Ikaw pala ate." Bati nya dito na hindi tumitingin. "Baba kana. Kumain na tayo." Nakangiting yaya nito sa kanya. Napakamot sya sa kanya ulo. "H-hindi pa ako gutom ate. K-kayo nalang ang kumain." Hinawakan nito ang kamay nyang kanina pa naglalaban. "Hindi pwede. At saka pinapatawag ka din nila Mommy." Wika nito kaya mas lalo syang kinabahan. Para syang naiihi bigla. "Hahaha.... kung makikita mo lang ang itsura mo ngayon para kang mansanas sa sobrang pula Stephan." Tukso ni Ella sa kanya kaya napatakip sya sa kanyang mukha. "Ate naman eh. Hindi ka nakakatulong." Reklamo nya na halos maiyak na sya. Pero tinatawanan lang sya nito. "Huwag kang mag alala Stephan. Mababait naman ang mga biyanan natin kaya okey lang iyan." Tukso lalo nito sa kanya. "Ate!!!!" Ang ganda nito pero ang galing mambully. Akala mo lang anghel! "Baba na kasi tayo. Hinahanap kana ni Angel. May sinabi pala sa akin si Macky kanina. Tulungan nalang kita mag ayos mamaya." Pang iiba nito sa usapan nila. Napasimangot sya. "Hindi ako pupunta. Bahala ang Draculang iyon." "Pero gusto ka din naming makasama. Nakilala kana pala ni Nickz e. Hayaan mo. Hindi naman natin makakasama ang mga lalaki. May iba kaming plano para sa atin." "Saan ba kasi iyon?" "Parang bonding lang ang grupo nila. Anim kasi silang magkakaibigan. Higit pa sa magkakapatid ang turingan nila at subok na ng panahon ang pagsasama nila. Hanggat maari ay gusto nilang panatilihin at patibayin ang pagsasama nila kahit may sari sarili na silang pamilya." Kwento nito. "E bakit ako nga ang isasama nya. Ano ang alam ko doon. Yaya lang ako ng anak nya." Hindi parin nya gets kung bakit kailangang sya ang isama nito doon. Nakangiting umiling si Ella. "Ang hina mo naman. Hindi ka naman isasama non kung yaya lang ang tingin nya sayo. Idagdag pa ang halikang naganap kanina." "Ateee..." Bulalas nyang saway dito dahil naalala na naman nya ang halik na iyon. "Alam mo bang first time din nyang magdala ng date sa lakad ng grupo nila." "Imposible." Usal nya. "Maniwala ka. Sa kanilang magkakaibigan. Si Macky ang pinakaplayful sa kanila pero never itong may pinakilalang babae sa grupo nila." "Ang ina Angel? Imposibleng hindi ninyo kilala iyon" Nagdududa nyang tanong. "Stephan. Maniwala ka sa akin." Sabi nito na parang iniwasan ang tanong nya. "Anyway. Tara na. Naghihintay na sila sa baba. Mamaya magbebeauty rest tayo para magandang maganda tayo mamaya." Kinindatan pa sya nito. Hinila na nito ang kanyang kamay ng hindi parin sya kumilos. At habang pababa sila ay para na syang matatae. At bawat malagpasan nilang kasambahay ay may kislap ng panunukso ang mga mata ng mga ito. Pag dating nila sa dining area ay nakayuko na ang kanyang ulo. "Stephan. Upo na doon." Untag ni Ella sa kanya. "Huh? Napakislot sya ng bahagyang bunggoin nito ang siko nya. "Hija halika na at kumain na tayo. Hindi kapa nag aagahan." Nakangiting yaya ni tita Inna sa kanya. Alanganin syang ngumiti dito. "Sasabay nalang po ako kila Grace mamaya Ma'am." Nahihiya nyang tanggi dito. Para kasing hindi nya malulunok ang pagkain lalo na at nakasunod lang ang tingin ng matandang Aragon sa kanya. "Stephan. Nasaan na iyong Tita bakit naging Ma'am na ang tawag mo sa akin. Sa amin ka sumabay. Halika kana. At huwag ka ng mahiya dahil magiging parte kana ng pamilya namin." Maging parte ng pamilya namin Maging parte ng pamilya namin Shit! Pakiramdam nya ay ginigisa sya sa sarili nyang mantika. Walang imik syang umupo sa upuang nakalaan sa kanya. "Kumain ka ng madami. Kanina pa tawag ng tawag si Macky at tinatanong kung lumabas kana daw ba." Wala pa man syang naisusubo pero parang may nagbabara na sa lalamunan nya. Tumikhim sya. "A. T-tita. Sir. Gusto ko po sanang humingi ng paumanhin sa n-nakita nyo kaninang umaga pero huwag po sana ninyong bigyan ng ano mang kulay iyon. W-wala pong namamagitan sa amin ni M-- ng anak nyo po." "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD