"Nanay. I want to sleep with tatay." Ungot ni Angel sa kanya habang magkatabi silang nakahiga sa bed nya nakayakap ito sa baywang nya. Halatang inaantok na din ito pero hindi lang makuhakuha ang tulog. Antok na antok na din syan pero kailangan pa nya itong patulogin muna bago sya matulog. Bahagyan pa nitong hinila ang braso ng damit nya.
Napabuntong hininga sya at patamad na bumangon. Hindi na sya nakipag argumento dito dahil hindi naman ito titigil.
"Okey baby. Tignan natin kung gising pa si tatay." Sabi nya saka tinulungan itong bumangon.
Hinagilap nya ang sapin sa paa at saka na kinarga si Angel. Hindi na sya nag abalang tignan ang sarili. Ayos naman ang suot nya dahil nakasuot sya ng cotton pajama na kulay black na may ternong white tshirt na may malaking picture ni Micky Mouse sa harapan. Hindi na sya nag abala pang magsuot ng b*a dahil hindi naman halata at saka ihahatid lang naman nya si Angel sa ama nito.
Tinungo nila ang pinto sa connecting door. Tatlong katok ang ginawa bago pinihit iyon.
Nagtama agad ang mata nila ng binata na mukhang inaabangan nito ang pagpasok nila. Nakasuot ito ng puting t-shirt at dark gray ang pajama. Nasa kandungan nito ang laptop.
"Pasinsya na. Gusto daw kasi nyang matulog dito." Paliwanag nya dahil parang nagtatanong ang mga mata nito sa kanya.
Nakita nyang sinara nito ang laptop at pinatong iyon sa side table.
"Dito ka matutulog baby?" Masuyong tanong nito sa anak.
Humikab pa muna si Angel bago sumagot. Parang natok na antok na talaga ang itsura. "Yes tatay. I want to sleep beside you and Nanay."
Kumunot ang noo nya sa sinabi nito. "Baby, ikaw nalang matulog dito sa kwarto ni tatay. Ako doon ako sa kwarto natin." Pinilit nyang pinasigla ang boses.
Nalukot naman ang mukha ni Angel. "No Nanay. Hindi tutulog si Angel." Wika nito na napanguso pa saka yumakap uli sa leeg nya.
Napapikit sya ng mariin at napabuga ng hangin. Napatingin sya kay Macky na seryoso ang mukha habang nakikinig sa kanilang dalawa ng anak nito. Nagpapasaklolo syang tumingin dito pero kinibitan lang ito ng balikat.
"Anong gagawin ko?" Frustrated nyang tanong dito dahil halos masakal na sya sa yakap ng anak nito.
Tumingin ito sa kabilang side nito. "I think the three of us can fit in my bed Annie and even five more people. so what are you worried about." Taas kilay nitong tanong sa kanya. "Come on. Hindi yan baba sayo hangga't hindi mo iyan pinagbibigyan." Dagdag pa nito.
Laglag ang balikat na bumuntong hininga sya tanda ng pagsuko. Ano pa nga ba ang magagawa nya kung kumapit ng parang tuko sa kanya ang bata.
Bantulot syang lumakad sa kabilang side ng kama. Binaba muna nya si Angel. "Sige na baby. Usog kana doon kay tatay." Wika nya kay Angel na parang hinihintay pa kung sasampa sya sa kama kaya sumampa na sya.
Mabilis naman itong gumapang sa tabi ng tatay nito.
Naiilang man pero pinilit nyang umakto ng normal. Ramdam nya ang mga mata ng binata na parang nakasunod lang sa bawat galaw nya.
Inayos nya ang kanyang unan. Bali apat na malalaking unan ang nasa kama ng binata kaya dalawa ang unan nya at dalawa din dito. Hindi naman nag uunan si Angel dahil palagi itong nakasiksik lang. Inayos muna nya ang kumot sa katawan nila ni Angel bago sya humiga. Agad na umunan sa braso nya si Angel at yumakap.
"Good night Nanay. Please don't leave me when I'm asleep." Inaantok nitong hiling.
Napailing sya."Promise. Baby, goodnight ka muna kay Tatay bago matulog." Utos nya kay Angel na halos papikit na ang mata pero walang reklamo itong bumangon uli para makahalik sa amang matamang nakatingin lang sa kanila.
"Goodnight tatay. I love you." Wika ni Angel saka hinalikan ang ama.
"Goodnight baby. I love you too." Masuyo ding hinalikan ito ni Macky. Bumalik uli ito sa bisig nya pero lumingon uli ito sa ama.
"Say goodnight to Nanay too, Tatay." Sabi ni Angel sa ama.
Nagkatinginan sila ni Macky.
Kumabog ang dibdib nya ng umusog ito sa banda nila habang nakatitig parin ito sa kanya. Parang biglang nagkaroon ng kislap ang mata nito.
"Goodnight honey." Halos pabulong lang na wika nito saka dumukwang ang ulo sa kanya. Mas naibaon nya ang ulo sa unan para hindi umabot ang mukha nito sa mukha nya pero tumama parin ang malambot na labi nito sa gilid ng kanyang labi. Akala nya ay aangat agad ang ulo nito pero nanatili lang ang labi nito doon. Parang tumigil din ang t***k ng kanyang puso kasabay ng pagpigil nya sa kanyang hininga.
God! Bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya? Impit na sigaw ng kanyang isipan.
"Tatay, I can't breath na po." Reklamo ni Angel na bahagyan pang itinulak ang ama na mukhang nakalimutan din ang anak nito na nasa ilalim lang nila.
Agad naman lumayo ang ulo nito sa kanya. "I'm sorry baby. Let's sleep na." Wika nito sa anak na ginulo pa ang buhok sa bunbunan nito. Mabilis itong dumukwang uli para halikan sa noo ang anak at nanlaki ang kanyang mata dahil hindi nya inaasahan ang sumunod na gagawin nito.
Hinalikan sya uli!
Hindi sa noo.
Hindi sa pisngi
At lalong hindi sa gilid lang ng kanyang labi.
Kundi mismong sa labi nya talaga. At hindi lang basta smack ang halik na iyon kundi may hagod pati dila nito sa kanyang bibig kaya ramdam nya ang bahagyang pagkabasa ng kanyang labi at sa dulo ng maiksing halik na iyon ay tunog dahil sa pagsipsip nito sa ibabang labi nya.
Para syang nagising dahil sa tunog na iyon.
Kung kanina ay parang nawawala sya sa sarili nyang mundo at sobrang kabog ng kanyang dibdib. Ngayon ay parang gusto na nyang pumatay dahil parang pinagtritripan lang sya ng lalaki.
"MACKARIO!!!!" Madiing nyang sambit sa pangalan nito dahil sa gigil.
Tang*na lang! Pang ilang lapat na ba ng labi nila iyon? Pangalawa? Pangatlo? s**t! Nakakarami kana sa akin Demonyo ka pero hindi ko alam kung matatawag bang halik ang mga iyon! Hindi nya tuloy alam kung kailan ang first kiss nya.
"Pssshhh." Nakangising saway naman nito sa kanya at itinuro ang anak na parang lasing na at nalapit ng bumigay ang talukap ng mata.
"Eeeee.... Nakakainis kana!" Nanggigigil nyang tinadyakan ito sa paa kaya nakaiking ito sa sakit.
Nakangiwi ito pero halatang pinipigil nito ang tawa dahil baka maistorbo ang tulog ng anak nito. "Ang bayolente mo talaga kahit kailan." Reklamo nito habang hinahaplos ang binti nitong sinipa nya.
Inirapan nya ito. "Pasalamat ka at nakayakap pa ang anak mo sa akin kundi mata mo lang ang walang latay."
Tumatawang umiiling ito. "Tsk! Dapat palang ihanda ko na ang sarili ko." Bumulong bulong ito habang sumusokob sa kumot.
"Goodnight honey." Ulit nito saka sya kinindatan.
"Tse! Honey'in mo mukha mo."
Tumawa ito ng nakakaloko. "Annie kaya ang sinabi ko."
Hindi nalang nya ito pinansin at pinikit nalang nya ang kanyang mga mata. Ramdam nya ang binti nitong pumatong sa kanyang mga binti.
"Mackario. Isa!" Banta nya.
"Hehe... akala ko unan." Palusot naman ni Macky tinanggal agad ang paa.
*****
Sarap na sarap na yumakap si Stephan sa kanyang unan at bahagyan pa nyang sininghot ang amoy nito. Parang napaka payapa ng pakiramdam nya hanggang sa hilain na naman sya ng tulog.
*****
Naiiling si Macky habang nakatingin sa dalawang katabi nya dahil sa likot ng mga itong matulog. Ang anak nya at pumaibabaw lang kanina sa kanya tapos ngayon ay nasa kabilang side na at ang dalawang paa nito ay nakapatong sa tiyan nya. Si Annie naman ay sumiksik sa may kili kili nya at nakayap ang mga braso sa baywang nya. Ang dalawang unan ni Stephan ay nasa baba na ng kama.
"Tsk! Mapa gising man o mapa tulog, malikot parin kayo." Bulong nya.
Napatingin sya kay Annie na payapang natutulog. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. "I never thought I would feel this way, Noon. Akala ko. Sa isang relasyon, basta napag iinit nyo ang isa't isa okey na iyon. Mali pala ako." Nausal nya.
He closed his eyes as he felt peace in his heart. Si Annie lang pala ang bubuo ng nawawalang parte sa buhay nilang mag ama at wala na syang balak pang pakawalan ito.
*****
Naalimpungatan si Stephan ng may dumagan sa kanya.
"Baby..." paungol nyang tawag sa batang katabi.
"Nanay. Milk." Ungot nito na patuloy sa paggulong gulong ng ulo nito sa tagiliran nya. Nakatagilid sya paharap dito at nakaupo naman ito na nakasandal na ang katawan nito sa kanya.
Napakunot ang noo nya dahil parang nakagapos ang katawan nya at ramdam na ramdam nya ang mainit na hangin na bumubuga sa kanyang batok dahil maiksi lang ang buhok nya.
Parang nagatayoan ang balahibo nya ng may biglang pumasok sa kanyang isipan.
Hindi kaya--- biglang naging abnormal ang t***k ng kanyang puso. Natigilan sya at pinakiramdaman nya ito. Lapat na lapat ang likod nya sa matigas nitong dibdib. Bumaba ang tingin nya sa mga braso nitong nakapulupot sa kanyang baywang. Naputi iyon at may manipis na balahibo. May mga ugat ugat at parang ang tigas ng mga muscle nito.
Ang binti nito ay nakadagan din sa kanyang mga binti. Kaya pala hindi sya makagalaw ng ayos at parang nangangalay ang katawan nya.
Nanlaki ang kanyang mga mata ng maramdaman ang matigas na bahagyang tumutusok banda sa kanyang pwetan.
Nag init ang kanyang mukha at lalong nanigas ang kanyang katawan.
Shit! Alam nya kung ano iyon.
Iyong mga kapatid nya ganon din pag umaga. Hilig kasi nyang iambush ang mga ito sa higaan lalo na sa umaga.
Pero bakit iba ang epekto ng binata sa kanya. Bakit lalong kumakabog ang dibdib nya at parang may mga paru parung nagliliparan sa tiyan nya. At pakiramdam nya ay pinagpapawisan sya.
Inilayo nya ang pwetan doon pero mas hinapit nito ang baywang nya kaya lumapat uli iyon sa pwetan nya at mas naramdaman nya ang katigasan nito doon.
Shit! s**t! s**t! Sigaw ng kanyang isip.
"M-Mackario." Nanginginig ang boses nyang tawag dito na pilit nilalayo ang katawan sa katawan nito.
"Emmm." Ungol nito at siniksik pa ang mukha sa batok nya kaya napakislot sya.
"M-Macky!" Mas nilakasan na nya ang boses at hinawakan nya ang braso nito para makalas nya iyon.
"Tulog muna tayo honey." Paungol nitong sabi na hinigpitan pa lalo ang pagkakayakap nito sa baywang nya.
"Mackario bitaw na. Iyong baton mo nakatusok na sa likod ko!" Gigil nyang saway sa lalaki.
Ramdam nya ang pag ngisi nito dahil halos nakalapat yata ang bibig nito sa batok nya.
"It's normal honey. Just ignore it. Baka lalong magalit pag pinansin mo." Bulong pa nito. Diyos ko! Linisin mo po ang isipan ko... usal nya sa isip dahil parang ang lambing ng boses nito at parang inaakit sya.
Napalunok sya at pilit na ibinababalik ang katinuan ng kanyang isip. "Anong ignore it ignore it ka d'yan! Bitawan mo ako kung ayaw mong matapos ang lahi mo ngayon." Banta nya dito habang pilit na kinakalas ang braso nito at ang mga binti nya ay nagsimula na ding kumawala sa mga binti nito. Pinagtatadyakan pa nya ang mga iyon.
"Tatay I want milk. You're fighting na naman." Reklamo ng anak nito sa ama.
Ngumisi naman si Macky sa anak. "No baby. Nanay and tatay just make loving loving. So we can gave you a baby sis--- ouchhhh honey!!!" Daing nito.
"Makakalbo kita! Ang aga aga mong mambwesit!" Gigil nyang pinag sasabunotan ang buhok ng binata.