Chapter 20

1959 Words
"Anyway Sir, Mr Corpuz has already passed the contract you are asking for. I'll just send it to your email for further study before signing it." Sabi ni Helen habang lakad takbo ang ginagawa para makasunod lang sa kanya. "Good." Sagot nya pero wala doon ang isip. Pagkatapos ng meeting nila ay dumeretso sila sa mall para bumili ng regalo para sa kambal nila Jef but he suddenly stopped walking when they came across a boutique and he noticed different types of women's clothes worn on mannequins. And as he looked at the clothes, Annie's face appeared in his mind. he smirked because he thought of something. "Ano kaya ang itsura mo pag sinuot mo na sya." Mahina nyang bulong. Nakapapangiti syang pumasok doon. Bigla syang naexcite Sinalubong sila ng sales lady. "Akala ko ba pangregalo natin sa mga bata ang bibilhin natin boss?" Takang tanong ni Helen na nakasunod parin sa kanya. "Yes. Mayroon lang akong bibihisan." Nakangiti nyang sagot dito. "Miss. Can I have that dress?" Turo nya sa damit na kumuha kaagad sa atensyon nya. Habang hinihintay nyang maibaba iyon ay nilibot nya ang tingin sa loob saka tumingin pa sa iba. One week. So meaning kailangan pa nyang pumili ng ibang damit. Masusi syang pumili ng anim na bistida at bawat pili nya ay inaabot nya iyon kay Helen. "Para kanino ang mga ito?" Kanina pa ito tanong ng tanong pero hindi nya sinasagot. Umabot sila sa mga lingerie. May nakita syang pula. Kinuha nya iyon at tinaas. And he swear. Hindi nya gugustohin na malaman ni Annie ang nasa isip nya ngayon habang tinititigan ang kakaramot na tela na iyon dahil paniguradong mapapatay sya nito. Natawa sya sa naisip. Parang nakikita nyang umuusok ang ilong at taynga nito sa sobrang inis sa kanya. "Boss. Baka kailangan mo ding bumili nito?" Sabi ni Helen sabay taas ng isang pares ng underwear. Kunot noo syang tumingin dito. "Ganito dapat kasi ang pangloob doon sa binili mong dress kanina." Paliwanag naman nito. Shit! Parang hindi nya maimagine ang itsura ng dalaga wearing that tiny and ragged cloth. He shook his head to clear his mind "s**t! This is not good." Ungol nya sa isip. Parang madedemonyo yata ang isip nya. Nagtataka namang si Helen sa kinikilos nya. "Sandali nga Boss. May ibinabahay kaba?" Kulit na tanong uli nito kaya pahablot nalang nyang kinuha ang underwear at lingerie na dalawang pares at saka Ibinigay iyon sa sales lady na nakaantabay lang sa kanila. Binigay nya kay Helen ang card nya para mabayaran na ang pinamili nila saka na nya ito iniwan. **** Bitbi-bitbit nya ang mga shopping bags ng makasalubong nya ang gatlong maid nila na may dala dalang pitcher ng juice at tubig. "Saan nyo dadalhin iyan?" Takang tanong nya. "Ay. Magandang gabi po sir. Doon po sa court. Naglalaro po kasi sila Sir Keith ng basketball." Nakangiting sagot naman ni Grace. Kumunot ang noo nya. "Baka gusto nyo pong manood muna. Madami po sila doon at may pakain po mamaya. Kaya lang patapos na yata ang laban nila. Ako nalang po magpapasok nyan sa loob." Presenta nito na nakanguso sa pinamili nila. "Paki pasok nalang sa kwarto ko." Sabi naman nya kaya binaba nya ang mga iyon. Alanganing ngumiti ito sa kanya at tinaas ang hawak hawak na pitcher. "Pwede pong kayo nalang ang magdala nito doon. Hindi na po kasi mahawak nitong dalawa e." Wika nito kaya wala syang nagawa kundi kunin iyon at sumunod sa dalawang maid. Tsk! Ginawa pa talaga akong water boy reklamo nya sa isip. Rinig na rinig nga nya na parang nagkakasiyahan ang mga ito dahil sa ingay nila. "Boss. Gwardiyahan mo iyan." Rinig nyang wika ni Mario kay Ron. "Hindi na. Hindi sya makakalusot dito pag lumapit pa sya." Nakangising sagot naman ni Ron habang nakapamaywang na nakaharap kay Stephan. "Pero boss. Baka magsisi ka." Sabi uli ni Mario. "Swerte nalang nya pag naipaabot nya ang bola sa ring." Kampanteng sagot naman ni Ron habang si Stephan naman ay seryosong drinidriball ang bola habang tinatanya ang layo nya sa ring. Lalong napangisi si Ron ng makitang parang nagtatangkang ishot ang bola. Sa layo nito sa ring. Alanganin ito. Hindi naman nito maipasa kay Keith dahil gwuardyado naman ito ni Mario. At ganon din ang isa pa nilang kasama. "Come on Stephan. Sinasayang mo lang ang lakas mo." Nakangising buska nito sa dalaga. Huminga ng malalim si Stephan. "Love. Pag natalo kayo dyan hindi ka tatabi sa akin a." Sigaw ni Ella sa asawa. "Hindi pwede iyon mahal. Mananalo kami." Tiwalang wika naman ni Ron saka kinindatan ang asawa. "Go Stephan. Hind mo maeenjoy ang pizza pag natalo kayo." Sigaw din ng mga kasambahay. Halos lahat yata ng mga kasambahay nila nandito sa court. Isang malalim uling hugot ng hininga ang pinakawalan ni Stephan bago binato ang bola. At halos silang lahat ay natahimik at pigil pigil ang hininga habang sinusondan ng tingin ang bola. Shawk! Ni hindi man tumama sa ring ang bola. Hindi parin nya maiwasang mapanganga dahil sa galing nitong humawak ng bola. Kung hindi lang siguro nya dinaya ito sa pustahan nila. Nungkang manalo sya. "Tang*na! Pumasok? Sigurado kayong pumasok?" Paninigurado tanong ni Ron sa mga kasama. "Sabi ko kasi sayo boss bantayan mo e." Paninisi naman ni Mario kay Ron. "Magandang gabi po sir. Nandito na po iyong food delivery." Sabi ng isang guard na may kasamang delivery boy. "Guy's nandito na order ninyo." Sigaw nya sa mga ito. Bayaran mo muna." Sigaw naman ni Ron na parang hindi parin makapaniwala. "Hindi naman ako ang nag order a." Sabi naman nya. "Wala nga kaming dalang pera dito." Sagot uli nito kaya no choice sya. Alam nyang budol na naman sya nito. Nungkang babayaran sya ng kapatid. "Magkano kuya?" Tanong nya sa delivery boy. "5750 po." "What? Ano bang pinag oorder ninyo at ang mahal naman nito." Rekalamo nya. Sya naman ang paglapit ng mga ito. Tapos na ang laro at mukhang talo ang kupunan nila Ron. Napatawa sila ng inirapan ni Ella si Ron. "Masyado kasing mayabang. Ayan natalo tuloy." Paninisi pa nito sa asawa habang sinisimulan na itong punasan ng pawis pero bawat dampi ng towel sa mukha nito ay may diin. Natatawang napakamot sa ulo si Ron. "Malay ko bang may pagka Lebron James pala itong si Stephan." Wika nito Kita nyabg inabotan din ng mga maid ng towel si Annie pero dahil nagpakarga agad ang anak ay isinampay lang nito iyon sa balikat nito. At saka basta nalang umupo sa damohan. May mga bench naman pero mas pinili pa nitong umupo sa damo. Tahimik syang lumapit sa mga ito. Kinuha nya ang towel sa balikat nito saka sya umupo din sa bandang likoran ng dalaga. Napalingon ito sa kanya at mukhang lalayo. "Stay still." Pigil nya sa braso nito.. Isinuksok nya ang towel sa laylayan ng damit nito pataas sa likod nito. Parang nanigas naman ang dalaga. "Anong ginagawa mo?" Gulat na tanong nito na pilit syang nililingon pero pinigilan nya. "Tsk! Baka matuyoan ka ng pawis." STEPHAN "Tsk! Baka matuyoan ka ng pawis." Wika ng binata ng pinagpatuloy ang pag punas nito sa likod nya. Parang napapaso ang balat nya na nadadampian ng towel na hawak hawak nito kaya napapakislot sya. At parang nagrarambolan na ang t***k ng kanyang puso. "Okey na. Ako na. Hindi---" Pigil nya dito na halos panginigan sya ng laman. Parang mas lalo syang pagpapawisan pag pinagpatuloy nito ang ginagawang pagpunas sa likod nya. "Remember, you lost. You have no right to refuse." Palala nito kaya alumpihit uli syang tumalikod dito. "Pero---" "No buts Annie. This is for you own good. Pag natuyoan ka ng pawis maaari kang magkasakit and that’s what we don’t want to happen right. At saka pwede ba, iwasan mo ang makipaglaro ng basketball sa kanila." Parang inis na sermon pa nito habang patuloy ang pagpupunas sa likod nya. Nagtaka sya dahil parang sila nalang ang taong nandoon kaya naibaling nya ang tingin kung nasaan ang mga kasamahan nila kanina at parang umakyat lahat ng dugo nya sa mukha ng makitang nakatingin ang mga ito sa kanila na nakanganga pa ang iba at ang iba naman ay nanlalaki ang mata na parang nabigla din. Nagkanda uga-ugaga sya sa pagtayo. "Ouch Nanay!" Daing ni Angel na nasa kandungan pala nya. Kaya natataranta nya itong tinayo. "Sorry baby. Nabigla lang ako." Wika nya na parang hindi alam ang gagawin. "Baby Ella. Punasan mo din ang pawis ko baka matuyoan din ako ng pawis." Rinig nyang wika ni Keith kaya mariin nyang kinagat ang labi. Alam nyang pinaparinggan sila nito. "f**k tol. Humanap ka ng ibang magpupunas ng pawis mo." Reklamo naman ni Ron sa kapatid pero may ngisi sa labi nito. "Ang damot mo naman. Ikaw nalang Stephan." Nakakalokong baling nito sa kanya at kinindatan pa sya. "Huh? E---" Hindi sya makatingin ng deretso dito dahil naiilang sya at alam nyang sobrang pula na ng kanyang mukha. Kasalanan mo 'to e!!! Pipi nyang paninisi kay Macky. Ano ba kasi ang naisip nito at bigla nalang nitong ginawa iyon. Sa harap pa talaga ng ibang tao. "Bakekang. Punasan mo ng pawis ang Sir Keith mo baka magkasakit iyan." Utos naman ni Macky sa isang kasambahay. Nanlaki ang mata ng katulong at parang kumislap pa ang mga mata nito. "Ay nanginginig pa." Tuwang tuwa naman na sagot ng maid na kumuha agad ng towel. Natatawa sila ng lumapit ito kay Keith. Pinabayaan lang naman ito ni Keith kaya tuwang tuwang ang pobre. May panakaw pa itong amoy. "Ang bango ng pawis mo Sir." Bulalas pa nito. "Baka maubos ako nyan Bakekang ha." Natatawang wika naman ni Keith sa katulong. "Ay kahit hindi ako kasali sa pustahan panalong panalo na ako." Masayang wika nito na panay ang tsansing sa binata kaya natatawa at naiiling nalang sila dito. Ang popogi kasi ng magkakapatid. Ang babait pa. Hindi ka maaalangang makipagbiroan sa kanila kahit sila pa ang amo. Pinagpasalamat nya na nabaling sa iba ang atensyon ng mga ito. Iniiwasan nyang mapatingin kay Macky dahil hindi parin mawala wala ang pagkailang na kanyang nararamdaman. "Tirahin na natin ito bago pa tirahin ng iba." Masayang yaya ni Ron ng maiayos na nila ang mga pagkain. Ilang box ng pizza ang inorder ng mga ito. May hamburger, potato fries. mayroon nakabucket ng fried chicken na agad nilantakan ng mga bata. "Grace. Ipagbukod mo sila Manang at Mang Anton ha. Pati na din iyong mga guard." Utos nito kay Grace kaya mabilis namang tumalina si Grace. "Kahit mamaya nyo na ibigay pagkatapos nyong kumain." Dagdag pa nito. "Lagot na naman tayo nito kay Manang. Wala na namang kakain ng niluto nya." Nag aalalang wika naman ni Ella. "Hoy, kainin nyo iyong niluto ni Manang ha." Baling ni Keith kila Bakekang. "Masisira ang diet namin sir." Sagot naman nito pero punong puno ang bibig. "Ito oh. Nilagyan ko na ng sauce." Abot ni Macky sa kanya ng isang slice ng pizza. Tumingin sya doon saka tumingin sa mga kasama nila. Lahat ng mga ito ay natigilan uli at parang hinihintay kung ano ang magiging reaction nya. Eee... ito na naman sya! Parang gusto na nya itong dukdokan. Wala ba itong pakiramdam! Hindi ba nito nararamdamang naiilang na sya sa pinaggagawa nito?! Ngumiti sya pero alam nyang nagmukha syang nakangiwi. Dahil sa ayaw nyang mapahiya ang binata ay tinanggap nya iyon. "S-salamat." Halos pabulong lang iyon. "Ayon oh!" Halos sabay sabay na sabi ng mga kalalakihan at ang mga kababaihan naman ay impit na tumili. Parang gusto nyang lumubog nalang at kainin na sya ng lupa dahil sa sobrang kahihiyan. "M-mauuna na pala ako." Paalam nya dahil hindi na nya kayang tumayo pa doon habang sinasalang sya ni Macky sa kahihiyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD