"Ate ipasa mo sa akin ang bola!"
Natigilan si Macky sa paglalakad papasok sana sa bahay nila ng marinig ang malakas na tinig ng pamangkin na si Russel.
Wala sa loob na lumiko sya at sinundan kung saan nanggagaling ang tinig. Sa basketball court! Habang papalapit na papalapit sya ay mas lalo nyang naririnig ang mga hagikhikan at tawanan ng mga bata at nabobosesan din nya si Annie.
Natatakpan kasi ng mayabong na bougainvilla ang basketball court nila kaya hindi nya agad makikita ang mga ito. At gumuhit ang ngiti sa kanyang labi ng makita ang mga bata na nakipag aagawan ng bola kay Annie at habang si Annie naman ay tawa ng tawa dahil hindi makuha kuha ng mga ito ang bola sa kanya. Hindi nya maiwasang mamangha sa dalaga dahil sa galing nitong humawak ng bola. Parang sanay na sanay talagang magdriball. Ang cute ng mga ito dahil nakasuot taga sila ng jersey. Pati ang anak nya ay nakaternong jersey din. Hindi nya alam kung saan nanggaling ang damit na iyon dahil ngayon nya lang nakitang nagsuot ng ganon ang anak. Pati din si Russel ay ganon din ang suot.
Tumikhim sya para kunin ang atensyon ng mga ito.
"Tatay!!!" Matinis na sigaw ng anak kaya napatigil din si Annie sa pagdridriball.
"Nag eenjoy yata kayo?" Tanong nya pero nasa dalaga ang kanyang mata. Samantalang ang dalaga naman ay agad na nag iwas ng tingin.
"Tatay. Come on join us. Ang galing galing po ni Nanay." Pagmamalaki ng anak nya na hinila pa ang kamay nya kaya napasunod sya dito.
"Kampihan po tayo tito. Kayo ang magkasama ni Angel at kami naman ni Ate Stephan." Sabi ni Russel.
Napangisi sya. "Hinahamon mo ba kami Russel." Kunwari ay tinaasan nya ng kilay ang pamangkin.
"Magaling kaya si Ate Annie tito. Pustahan pa tayo." Pagmamayabang ng pamangkin.
Napatingin naman sya sa dalagang nakikinig lang sa kanila. "Ano, pustahan daw?" Tanong nya sa dalaga na parang nanghahamon din.
Napatingin din ito sa kanya. "Huh? Ano naman ang ipupusta namin?"
"Ikaw kung ano ang kaya ninyong ipusta." Wika nya na may naglalaro ng ngiti sa kanyang mga labi.
"Ano ang ipupusta natin?" Tanong na baling uli nito sa pamangkin nya.
Parang nag isip naman si Russel. "Manlilibre nalang ng ice ang matalo." Wika naman ni Russel na parang matanda na kung magsalita.
"Ice cream lang? Kulang iyon." Hindi sya sumang ayon sa sinabi ng kanyang pamangkin.
Sinimangotan naman sya ni Annie. "Hoy Mackario. Pang Ice cream lang ang budget namin. Kung kayo ang matalo di dagdagan mo ang iyong ice cream kung gusto mo." Masungit na sabi ng dalaga sa kanya.
Tumingin sya dito at nginitian nya ito. Ngiting may laman. "Ganito na lang. Sa mga bata okey na ang ice cream na pustahan. Tapos sa atin may hiwalay tayo na pustahan."
Nakita nya ang pagsalubong ng kilay nito na parang nagtatanong kung papaano iyon.
"Pag kayo ang nanalo. Ang gusto mo ang masusunod for one week. Pero pag ako ang nanalo susunod ka sa lahat ng gusto ko." Nakangisi nyang hamon sa dalaga.
"Huh? Papaano iyon? Kunyari. Trip mo akong gawing aso for one week aakto akong aso ganon?!" Lalong nalukot ang kilay ng dalaga.
Napatawa sya. "Syempre hindi ganon. Kunyari, kayo ang nanalo tapos gusto mong pagsilbihan kita ng isang linggo. Gusto mong ipag luto kita, paligoan kita. Gusto mong gawin akong taga hilod ng likod mo o kaya taga masahe mo. Gagawin ko." Nakangisi nyang paliwanag.
Namula naman ang dalaga. "E papano kung hindi ko kaya ang ipapagawa mo." Nagdududang tanong nito.
"Huwag kang mag alala. Wala akong ipapagawa na hindi mo kaya." Paninigurado naman nya dito.
Napanguso naman ang dalaga habang pinag iisipan ang magiging sagot nito.
"Sige na tita. Mahina sa basketball si tito kaya sigurado akong mananalo tayo." Pamimilit ng kanyang pamangkin sa dalaga kaya lalo syang natawa.
Mahina daw! Magaling lang sa basketball ang ama nito kaya palagi siyang talo.
Tumingin uli ang dalaga sa kanya kaya nginisihan nya ito lalo at kininatan pa.
"O sige na nga. Basta huwag lang below the belt ang mga ipapagawa mo sa akin ha. Tatamaan ka sa akin kahit ikaw pa ang amo ko." Banta nito kaya tinawanan lang nya.
"Believe me honey walang below the belt." Paninigurado naman nya.
"Ano?! Ulitin mo nga ang sinabi mo?" Pinaningkitan sya ng mata kaya napakamot sya sa kanyang ulo.
"Sabi ko believe me ANNIE. Walang below the belt."
"Okey game na. Sa inyo na ang unang bola." Masayang wika na Macky na pinasa kay Russel ang bola.
"Baby ipasa mo kaagad kay Tatay ang bola pag kukunin sayo ni kuya Russel ha." Bilin nya sa anak.
"Yes tatay!" Pumapalakpak naman na sagot ni Angel kaya natawa sila.
Bolang pambata lang ang gamit nila kaya kayang kayang dalhin ng mga bata. Si Russel ang may hawak sa bola.
"Baby. Agawin mo kay kuya Russel ang bola." Utos nya sa anak at sya naman ay pumwesto malapit sa ring. Tawa sila ng tawa habang hinahabol naman ni Angel si Russel. Wala ng driball driball ang mga ito basta takbo nalang.
"Ipasa mo sa akin ang bola Russel. Sigaw naman ni Annie kay Russel ng makitang hinihingal na si Angel. Napangisi sya ng nakay Annie na ang bola.
It's play time baby anang kanyang isip. Linapitan nya ito para gwardyahan at maagaw ang bola dito. Pero masyado nyang minaliit ang kakayahan ng dalaga. Sa isang kislap mata lang ay nasalisihan na sya nito at kitang kita ng mga mata nya na nashot ang bola sa ring.
Shit! Ano yon? kidlat?! Laglag ang panga nya at parang pinako sya sa kanyang kinatatayoan.
"Yeeeeng 2 points!" Nagtatalong si Russel.
"Ang galing Nanay." Pumapalakpak din ang anak at umikot ikot pa.
Sinamaan nya ito ng tingin. "Anak. Kalaban natin si Nanay." Maktol nyang sita sa anak.
"Kampi nalang kami Nanay, tatay. Tatalo ka naman ni Nanay." Nakangusong sabi naman ng anak sa kanya.
"Abat-- Anak hindi maganda yan ha. Balingbing ka." Pinanlakiha nya ito ng mata.
"Oo Angel. Hindi magaling si Tito." Panggatong pa ng pamangkin.
Sa kanila naman ang bola. Yakap yakap ni Angel ang bola at hinaharang ito ni Russel. Buti nalang at marunong magbigay ang pamangkin. "Come on baby. Itakbo mo dito ang bola para hindi makuha ni kuya." Utos nya sa anak na bakabuka ang mga bisig para sa anak. Tumitili naman si Angel na halos madapa dapa na ito pero nakasunod naman si Annie dito na nakaalalay kung sakaling madadapa man ito papunta sa kanya.
Sa wakas nasa kanya na ang bola.
Driball, driball. In and out, in and out. Backward. s**t. Nasa likod na nya si Annie. Driball driball. Nasa side na nya ito kaya nginitian nya ito at kinindatan pa pero inirapan lang sya. Kaya natawa sya. Humahanap sya ng tiyempo para nakalusot dito. Pero biglang sulpot ni Angel kaya nabitawan nya ang bola at nakuha iyon ni Annie.
"Yeeeeng!!!! Another 2 points." Sigaw uli ni Russel.
"Galing galing Nanay ko." Palakpak uli ng anak.
Napasimangot sya. "Dapat hindi counted iyon." Reklamo nya pero sya naman ang nginisihan nito.
"At papanong hindi naging counted iyon?" Nakakalokong tanong naman ng dalaga.
"Akala ko kasi--- pumunta kasi sa harap si Angel akala ko mababangga ko sya" paliwanag nya.
Tinaasan naman sya ng kilay. "Natural na makikita mo syang pagala gala sa court dahil kasama sya sa laro. Tsk! Ang dami mong palusot e." Sinamaan sya nito ng mukha.
Hanggang sa naulit ng naulit at isang shot nalang ng mga ito talo na sila. Ang dalagang kanina ay nakairap sa kanya ngayon ay matamis na ngiti na ang nasa labi nito.
Tinawag na sila ni Ella para sa meryenda pero nagpaiwan pa sila ni Annie dahil hindi pa tapos ang laro nila.
Hawak ni Annie ang bola.
Tsk! Kailangan na nyang gamitin ang hokage move para makabawi sya ng score. Never syang magpapatalo dito.
Driball driball. Nasa likoran sya ng dalaga.
Dinikit nya ang katawan sa likoran nito at ang mukha ay inilapit nya sa may taynga ng dalaga. Ramdam nyang natigilan ito at pinakiramdaman sya. Iyon ang ginamit nyang pagkakataon para maagaw ang bola dito.
"Three points!" Nakangiti sya habang nakatingin sa bolang pasok sa ring saka sya tumingin sa dalaga.
Sinamaan lang sya ng tingin.
Hawak uli ni Annie ang bola. Magkaharap sila habang drinidriball nito ang bola. "You know what. I just found out that a woman who is good at basketball is sexier." Wika nya habang nakatingin dito na punong puno ng paghanga sa kanyang mga mata.
Ang mamulamulang mukha ng dalaga ay lalong namula pa.
And there she is. Parang nabigla sa sinabi nya kaya natigilan na naman.
Another three points for Mackario!
Masamang tingin ang pinukol nito sa kanya. "Sinasadya mo iyon ano!" Galit na sita nito sa kanya. Kung nakakamatay lang siguro ang tingin, kanina pa siguro sya nangingisay.
"What? Anong sinasadya. Wala naman akong ginagawa a." Painosenteng sabi namab nya.
"Sinadya mong edistract ako!" Pang aakusa pa nito.
"Wala akong ginagawa Annie." Giit naman naman nya.
"Errrrr..." inis na naikuyom nito ang mga palad.
Nginitian nya ito ng nakakaloko. "Papaano yan. Pag nakapagshot pa ako panalo na ako."
Tinignan sya nito ng pailalim na parang manunugod na. "Kung makakapgshot kapa." Palaban na sagot naman na hindi parin sumusuko sa laban. Hawak nito ang bola. At bawat lapit niya ay lumalayo ito na parang alam na alam na nito ang plano nya. Ginitgit nya ito sa gilid. Itinaas naman nito ang bola para hindi ito lumabas. Inabot nya iyon mula sa likoran. In short. Talagang niyakap nya ito mula sa likoran at bahagyan pang inamoy ang buhok nito pero mahinang siko ang natamo nya dito.
Napahawak sya sa tiyan pero tumatawa sya. "Bawal yon a." Reklamo nya.
"Mas bawal ang ginagawa mo." Giit nito na nakasimangot. Umayos sya uli ng tayo at gwenardyahan uli ang dalaga. Kung kanina ay layo ito ng layo sa kanya. Ngayon naman ay binabangga na sya nito gamit ang braso at balikat nito. Dahil sa pag agaw nya sa bolang hawak nito kasabay ng pagpihit naman ni Annie ng mukha paharap sa kanya ay tumama ang mukha nila sa isa't isa. Kasabay ng panlalaki ng mata ni Annie ang paglapat ng kanilang mga labi.
Booommmm!
Hawak na nya ang bola. Pero nanalaki din ang kanyang mga mata. Hindi nya plinano ang moves na iyon pero sure na sure ang kanyang panalo.
Napakalambot talaga ng labi nito.
Mabuti nalang at sya ang unang nakabawi. Nakuha nya ang bola sa dalagang tulala at iniwan nya ito.
Nakatalikod ito sa ring.
"Shawk na shawk walang mintis." Wika nya pero ang totoo ay hindi na nya pinasok ang bola. Duda syang malalaman pa iyon ng dalaga dahil hanggang ngayon ay tulala paring nakatalikod sa kanya.
Binalikan nya uli ito. Tumayo sya sa harapan nito at pinagpantay niya ang kanilang mukha. Nakita nyang napatingin ito sa mga mata nya at ang paglunok nito kaya mas lalo syang napangiti.
Pinitik nya ito sa noo para bumalik ito sa katinuan. "Papaano iyan. Ako ang panalo." Abot taynga ang kanyang ngiti.
"Huh?" Parang wala parin ito sa sarili.
"Talo ka. Ako ang panalo." Masaya nyang balita dito.
Doon na nanlaki ang mata nito na parang bumalik na sa normal ang isip. "Talo ako?!" Bulalas na tanong nito kaya nakakalokong tango ang sagot nya.
"Eeeee.... dinaya mo ako e." Nagpapadyak at mangiyak ngiyak na reklamo ng dalaga.
Natawa sya. "Papaano kitang dinaya. Sige nga?"
"Papaanong hindi ako matatalo Mackario kung hinalikan mo ako!" Singhal na bulalas nito pero napatakip din sa bunganga dahil parang mali ang nasabi.
Ang lakas ng tawa nya.
"Aksedente iyon. Hindi sinasadya. Ikaw nga ang biglang lumingon e. Ako dapat ang magreklamo. " Giit naman nya.
Lalong namula ang mukha ng dalaga. "A basta. Dinaya mo ako." Nagmamaktol na sabi parin nito kaya napapailing nalang sya.
"One week Annie. Sa akin ka ng isang linggo." Nadidiwang nyang pahayag na hindi na pinansin ang pagmamaktol ng dalaga.