Chapter 18

2088 Words
"Aruy.... nagdadalaga na si utoy.. Nagdadalaga na si utoy... Si utoy toy toy..." parang sirang plaka na umaalingaw parin sa pandinig ni Stephan ang sinigaw ng matanda kanina habang pumapalakpak na parang tuwang tuwa sa nasaksihan na eksena kaya napatakip sya sa kanyang taynga. Nasa loob na sila ng jollibee at nakaupo narin sila sa table nila pero hindi nya alam kung papaano sya nakarating doon at hanggang ngayon ay wala parin sya sa sarili. "Okey lang kayo? Kanina ko pa napapansin na parang wala kayo sa sarili ninyo at sobrang pula ng mga mukha ninyo, may nangyari ba?" Dinig nyang tanong ni Alex pero parang hindi pumasok iyon sa kanyang isip dahil ukupado ito. "Hoy! Ano na?! Baka naman may gustong sumagot sa inyo." Napakislot sya ng bahagyan nitong kinalampag ang ibabaw ng kanilang mesa pero wrong move dahil pag angat nya ng kanyang mukha ay mukha agad ni Macky ang bumungad sa kanya na matiim din palang nakatingin sa kanya. Natataranta uli syang ibaling sa iba ang tingin. Papaanong nasa harapan na nya ito e si Paula ang nakaupo doon kanina. Napakislot uli sya ng may mabungo ang kanyang binti sa ilalim ng mesa kaya napaangat uli sya ng tingin dito. Pero kung kanina ay matiim lang itong nakatitig sa kanya ngayon naman ay may naglalarong ngiti sa mga labi nito na parang nanunukso kaya lalong nag init ang kanyang mukha. Para tuloy syang hindi mapaanak na pusa. "Magtitigan nalang ba kayo?" Puna uli ni Alex sa kanila na parang nawewerduhan lalo sa mga kinikilos nila. "Kumain kana nga lang babe, ang dami dami mong napupuna e. Asikasohin mo na lang kaya si Xander." Sita ni Nickz sa asawa kaya medyo nakahinga sya ng maluwag. "I want fried chicken nanay." Napakislot uli sya ng hilain ni Angel ang kanyang damit. Pati batang katabi nya ay nakalimotan na nya. Natatarantan nyang inabot dito ang isang buong fried chicken. "Okey lang na hindi ipaghimay si Angel?" Gulat na tanong ni Nickz sa kanya. Gulat syang napatingin uli kay Angel na parang galit na galit na sa pagkain nito. "Ay baby sandali. Himayin muna ni Nanay." Taranta uli nyang kinuha ang manok sa alaga. Pinagpagitnaan kasi nila ni Nickz si Angel bali ang nasa harapan nila ay si Macky, katabi nito si Paula na parang walang pakialam sa paligid dahil tutok na tutok ito sa pagkain. Tapos si Alex, katapat nito ang asawa pero maya't maya ay napapasulyap sa kanya na parang pinag aaralan ang bawat galaw nya katabi nito ang anak na si Xander. Iniwasan nyang mapasulyap kay Macky pero ramdam na ramdam nya na parang nakamasid lang ito sa kanya. "Ehem! Baka may matunaw." Wika ni Nickz kaya napasulyap sya dito. Tumingin naman ito sa kanya na may nakaguhit na ngiti sa mga labi nito at ang kislap ng mga mata nito ay parang nanunukso. Hindi nya alam pero parang para sa kanya ang panunukso nito kahit wala naman syang ginagawa kaya ang bilis mamula ng mukha nya. Natapos na silang kumain at naghiwahiwalay na sila dahil tapos naman na silang mamili samantalang ang mga ito ay magsisimula palang kaya nauna na silang umuwi. Kasalukuyan silang nasa loob ng sasakyan at tanging ang masiglang boses lang ni Angel ang naririg nilang ingay. Kalung kalong nya ito at magkakatabi silang nakaupo sa harapan. Sa back seat sana sila pero gusto ng batang maupo sa harapan kaya doon sila naupo. Maraming kwento ito pero hindi nya naiintindihan ang mga ibang sinasabi nito. Pagkuway iniba nito ang upo sa kandungan nya. Umupo ito paharap sa kanya. Bumaba ang tingin nito sa tiyan nya. "Nanay. Do you also have a baby here in your tummy?" Inosenteng tanong nito na hinaplos pa nito ang tiyan nya. "Huh?" Gulat nyang tanong na parang hindi naintindihan ang sinabi nito. "Ninong Alex said that There is a baby inside Ninang Nickz tummy. It's that true Nanay?" Tanong ng bata kaya wala sa loob na napatingin sya kay Macky. Wala naman syang alam kung buntis ba si Nickz o hindi dahil kanina lang nya nakilala ang mga ito at hindi din nya napansin kung may umbok ba ang tiyan nito. Nagtatanong ang mga matang napatingin sya kay Macky. "Yes baby. May baby na sa loob ng tummy ni Ninang Nickz kaya magkakaroon na ng baby sister si Kuya Xander." Si Macky ang sumagot sa anak. "Really Tatay. I want baby sister too Tatay." Tuwang tuwa na bulalas ni Angel. Napangisi ang binata at bahagyan pa syang sinulyapan bago ang anak. "Ask Nanay Annie baby if she want it too." Wika ni Macky sa anak kaya parang sinilaban naman ang kanyang mukha. "Gusto mo din diba Nanay?" Tanong ni Angel sa kanya na parang nagmamakaawa pa ang itsura. Napatingin sya kay Macky na parang hinihintay din ang isasagot nya. Pinandilatan nya ito ng mata. "Pinagsasabi mo sa anak mo." Halos hindi naghiwalay ang ngipin nya sa sobrang gigil dito. "Bakit? Pinapatanong ko lang naman kung gusto mo ng baby a." Painosenteng sagot naman ng lalaki kaya katakot takot na irap ang binigay nya dito. Bumaba sa kandungan nya si Angel. Tsk! Ang likot. Kaya sinasabing pinaglihi ang mga ito sa energy drink e. Parang kiti kiti na hindi mapakali. Nanlaki ang mata nya ng sumuot ito sa loob ng tshirt nya at pinaghahalikan nito ang tiyan nya. "Anong ginagawa mo baby?" Saway nya dito. "Ikikiss ko lang si Baby Nanay." Wika naman nito na patuloy sa pagpopog sa kanyang tiyan. Tawang tawa naman si Macky sa anak na nakukuluban ng damit nya. Pilit nyang binababa ang laylayan ng damit para hindi tumaas iyon. "Baby labas na diyan. Wala namang baby dyan e." Pilit nyang inilalabas ang bata na nasa loob ng kanyang damit. Lumabas naman ito ng marinig ang sinabi nya. "Bakit wala kang baby sa loob ng tummy mo?" Parang naiiyak na tanong nito sa kanya. Shit! Papaano ba magpaliwanag? Pinaupo nya uli ito sa kandungan nya. Pero hindi nagbago ang itsura ng bata. "Bakit ayaw mo ng baby?" Parang nagtatampong tanong nito. Hinaplos nya ang buhok nito. Napatingin uli sya kay Macky para magpasaklolo sana. Napansin din nya ang pagbabago ng itsura nito. Ano ba naman ang mag amang ito. Reklamo nya sa isip. "Hindi naman sa ayaw ko ng baby, Baby. Kasi si Ninong Alex at Ninang Nickz mag asawa sila kaya nagkaroon ng baby sa tummy ni Ninang." Hindi nya alam kung tama ba ang paliwanag nya sa bata. "Magsawa?" Naguguluhang tanong uli nito. Napatango sya dito at masuyong hinaplos haplos ang kulot kulot nitong buhok. "Yup! Mag-asawa. Love nila ang isa't isa kaya nabuo ang baby nila." Kwento pa nya. Napatingin ito sa ama na parang may naisip. "Tatay. Love love mo na din si Nanay para magkaroon na din ng baby sa tummy nya." Sabi ni Angel sa ama. Biglang napapreno ni Macky dahil sa sinabi ng anak kaya umani sila ng mura at busina mula sa likoran ng sasakyan nila. Buti nalang at nahawakan pa nyang mabuti si Angel pero muntik parin itong nalaglag sa upuan at buti nalang at naicover pa nya ang kamay sa ulo nito. Kung hindi nauntog sana ito sa dashboard. "Ano ba! Bat ka ba bigla nalang magprepreno?" Reklamo nya sa binata. Si Angel naman ay umiyak dahil sa gulat. "Sorry sorry. Nasaktan ba kayo?" Nag-aalalang tanong naman agad ng binata. Sunod sunod na busina uli ang narinig nila dahil nakakaabala na sila sa daloy ng trapiko. Rinig nya ang pagmumura uli ni Macky pero hindi nalang nya pinansin ito. Pinatahan nalang nya si Angel. "Okey ka lang baby. Sorry ha. Huwag mo kasing ginugulat ng ganon si tatay." Sabi nito sa anak na inabot pa ang kamay nito. Pero sa huling sinabi nito ay parang naninisi naman. "Pero gusto ni Angel ng baby tatay." Bulalas ni Angel sa ama na patuloy parin sa pag iyak. Napatampal sya sa kanyang noo. Ano ba naman ito. Muntik na nga silang maaksidente pero hindi parin nakakalimot bulalas nya sa kanya isipan. "O sige ganito nalang. Pag tumahan ka tapos magbebehave ka lang parati gagawa kami ng baby ni Na---" "Utang na loob Mackario! Huwag mo ng gatungan ang anak mo." Hindi nya mapigilang bulalas sa lalaki dahil hindi na nya kinakaya ang mga sinasabi nito. Lalong lumakas ang iyak ni Angel at parang napokpok naman ng martilyo si Macky na bigla natahimik. "Shhhh... tahan na baby. Ang baby, binibigay ni God iyon. Kaya ipagpray mo na bigyan ka ng baby sister ni God. Pray muna tayo. Tapos magpakabait ka para ibigay ni God ang wish mo." Pagpapatahan nya sa bata. "Talaga Nanay? Bibigyan ako ni God ng baby sister?" Sumisinok na tanong uli nito pero ang mga mata ay parang inaantok na. "Yup. Kaya magpakabait ka palagi ha." Hindi na ito nakasagot dahil unti unti ng pumipikit ang mga mata nito. Napabuntong hininga sya ng tuluyan ng makatulog ito sa kandungan nya. Naging tahimik uli ang loob ng sasakyan dahil tulog na ang kasama nilang bata. Kung kanina ay parang naririndi na ang taynga nya sa daming salitang lumalabas sa bibig nito ngayon naman ay parang nabibingi naman sya sa sobrang katahimikan. Parang gusto tuloy nya gising uli ang bata. "Ann." Sambit ni Macky sa pangalan nya na sakto lang na nakaabot sa pandinig nya kaya napatingin sya dito. Tumingin ito sa kanya pero binaling uli ang tingin sa kalsada. "I know my gratitude is not enough for what you did for my daughter Annie. But thank you. Thank you for everything. Napakalaking bagay sa akin na makita ang anak ko na masaya at kuntento na sa kung ano ang mayroon sya ngayon. Unlike before na palagi syang mayroong hinahanap." Hindi sya makapaniwala sa mga nakikita nyang emosyon sa mukha ngayon ang lalaki o hindi lang sya sanay na ganito ang mood nito ngayon. "Alam kung marami ka ng alam tungkol sa amin ni Angel kung ano ang nangyari sa amin. Bakit hindi namin kasama ang ina nya, at nagpapasalamat ako dahil hindi ka nagtatanong. Hindi dahil sa ayaw kong maungkat iyon kundi dahil sa hindi pa siguro ako handa para ako ang magbahagi non. Kalabisan mang hilingin ko sayo, pero sana huwag mo kaming iwan. Kailangan ka namin." Nagsusumamong wika ni Macky. Sobrang kabog ng kanyang dibdib. Iyong kabog na madalang lang ang pitik pero malakas at damang dama ang bigat nito. "Sorry kung naging hadlang kami sa mga pangarap mo at kung naging makasarili ako para maibigay lang ang gusto ng anak ko." Nanatili lang syang tahimik habang pinapakinggan ang nga sinasabi nito. Parang na ooverwhelm sya. Hindi nya alam kung anong tamang salita para ipaliwanag ang kanyang nararamdaman ngayon. "Wala ka man lang bang sasabihin?" Takang tanong nito dahil hindi na sya umimik. "Huh?" Naguguluhan nyang tinignan ito. Ano ba ang dapat nyang sabihin? "Hindi mo man lang ba ako babarahin. O kaya pagtatawanan. Or-- any violent reaction?" Tanong nito na parang inaarok ang laman ng kanyang isipan. "Violent reaction talaga?" Aniya "Yes! Dahil hindi ako sanay na wala kang ibang reaction sa mga pinagsasabi ko. Hindi ako sanay na hindi ka palaging nakairap sa akin o kaya nakasimangot---" "Hoy Mackario! Kung hindi ka sanay hindi din ako sanay sa kadramahan mo! Malay ko ba kung jinojoke lang ako!" Inirapan nya ito. Natawa naman si Macky. "So hindi ka naniniwala sa sinasabi ko?!" Dudang tanong nito sa kanya. "At saka saan mo nakuha ang tawag mong Mackario sa akin? Macky ang pangalan ko at wala ng dugtong iyon." Tinaasan naman nya ng kilay ito. "E bakit ikaw. Saan mo pinagkukuha ang pangalang tinatawag mo sa akin?" Masungit din nyang balik dito. "Sa Stepahanie. O diba. Annie. Pinaganda ko pa nga. Samantalang ikaw, pinabantot mo ang pangalan ko. Nasaan ang hustisya doon." Patuloy na reklamo nito. Napanguso sya. "Bakit noong tinawag mo ba akong Annie, nagreklamo ba ako? Diba hindi. Kahit nga pakiramdam ko hindi ako iyon dahil walang ibang tumatawag sa akin non." "At ano ang gusto mong itawag ko sayo. "Stephan, bro, utol? f**k! Never! I've never see you as a man like they think of you Annie. because For me, you are a woman who needs to be loved and taken care of." Banat nito kaya napaawang labi nya sa sinabi nito. "At magiging Nanay pa ng mga anak ko. I promise you that." Dagdag pa na sabi nito pero pabulong lang kaya hindi nya masyadong naiintindihan pero parang nagwala ang kanyang puso. Ano daw? Ano? Gusto nyang isatinig pero natatakot na sya dahil baka pag inolit nito ay hindi nya makayanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD