Chapter 17

1957 Words
"Seriously Annie! that's the only reason I canceled a very important meeting! modess and feminine wash?!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Macky ng makita kung ano ang pinag aabot ng dalaga na nilalagay sa cart nito. Actually hindi nito alam na sumunod sila sa loob ng grocery store. Naiwan silang mag ama sa loob ng kotse. And knowing his daughter, hindi mapakali sa iisang lugar at ayaw na ayaw malayo sa yaya nito. Or should he say NANAY nito. Minsan hindi nya maiwasang magselos dahil mas malambing pa ito sa dalagang siga kaysa sa kanya na totoong ama nito. Napaka unfair lang kasi. Wala naman itong ambag noong ginagawa nila ang anak nya. Sya ang nagpagod. Sya ang nagpaputok. Pero bakit napadali dito na makuha ang loob ng anak nya. Binaling nito ang tingin sa kanila and he wants to laugh hard because of her reaction. She looked so surprised as if they were look like a ghost in her eyes. And suddenly her face turned red while her lips parting. "Tsk! Earth on Annie!" He tried to snapped his finger on her face. Para namang nakabawi ito at dali daling itinago ang Feminine wash na hawak hawak nito. "Anong ginawa ninyo dito. Diba sabi ko hintayin nyo nalang ako sa sasakyan." Inis na tanong nito. He can't believe it! He is the boss but she commanded him like she is even higher than him! "Ipaalala ko lang ha. Pwede kaming pumunta kahit saan naming gusto. And you have no right to dictate what we do and where we go." Inis nyang turan dito. Pero imbis na matakot ito sa kanya ay inirapan pa sya pabalik. "At huwag mo ng itago iyan dahil kanina ko pa nakita." Sabi nya at nilapitan ang cart nito. "Tatay. Nanay said she will buy me an ice cream." Sabi ng anak na karga karga nya kaya napatingin sya sa dalaga na hawak hawak parin ang PHcare na nakatago sa likoran nito. Napatingin uli sya sa laman ng cart nito. Malaking pack ng modess. May maliit din na pack at kung ano ano pa na gamit ng mga babae. Hindi nya maiwasang mapangisi. Kung titignan ito ay napakaastig nitong kumilos pero ang laman ng cart nito ay naghuhumiyaw na isa talagang babae ang nag mamay-ari ng cart. Idagdag pa ang nasa likoran nito na nakatago. "Kailangan ba talagang suriin mo ang laman ng cart ko?!" Inis na sita nito sa kanya ng makita nitong nakangisi syang nakatunghay sa loob ng push cart at pahablot na kinuha sa kanya ito. Napatawa sya ng mahina. "Bakit wala namang nakalagay na bawal tignan a. And don't act as if pagnakita ko ang mga iyan I seem to be able to see where you will use them as well. But I'm pretty sure know what the use of that thing and where you put that ---" Sabi nya na nakanguso pa sa loob ng cart nito pero gigil na pinatigil sya nito. "Eeee stop! Magtigil ka kung ayaw mong magkaroon ng salamin sa mata." Gigil na angil nito sa kanya at halos magpapadyak na ang paa nito sa inis. Ang mukha nito ay pulang pula na. "Are you two fighting?" Inosenteng tanong ng kanyang anak kaya tinawanan nya ito. "No baby. May period lang si Nanay kaya nagsusungit. Kaya behave tayo ha. Baka mapalo pa tayo." Malakas nyang bulong sa anak kaya lalo syang natawa ng nagdadabog na si Annie palayo sa kanila. Ang cute nyang inisin. Madalas parin silang nag away pero hindi na kagaya noon na nasa kanya ang huling halakhak. Palaging sya ang panalo. Pero ngayon. Natuto syang pagpasinsyahan ito. At unti unti ay nasasanay na sya na sa bawat away nila ay sya palagi ang talo. Pero sya ang palaging nagsisimula. Ang sarap kasing galitin. Hindi nya nakikita si Annie na kagaya ng nakikita ng mga kasambahay nila na pag nakita ito nasa mga mukha nito ang panghihinayang. Kahit ang mga kapatid nya. Utol ang tawag ng mga ito sa dalaga na minsan ay binabara nya. Tsk! Gwapo daw kasi ito. Gwapo?! f**k them! Paano naging gwapo ang isang babaeng may maamong mukha? Napakafragile nito para sa kanya. Isang bagay na kailangan nyang ingatan para hindi mabasag. Ang mga mata nito na pag tumingin sa kanya ay parang nangungusap. Ang mga labi nitong napakalambot na inaasam nyang matikman nya ulit. Mula noong binigyan nya ito ng mouth to mouth ng malunod ito ay palagi nalang iyon sumasagi sa isip nya. Paniguradong sapak ang abot nya dito pag nalaman nito ang bagay na iyon. Tsk! Nababakla na yata sya. Dahil sa nagkaroon sya ng interes sa isang babae na asal lalaki. Sinundan nila si Annie na pumipili ng snack. "Nanay, where's my ice cream?" Ungot ng anak sa dalaga. Humarap ito sa kanila. Pairap itong tumingin sa kanya pero ng bumaling ito sa anak ay malambing na nginitiaan nito ang bata. "Okey baby. Bibili si nanay pero pangako mong bukas mo na kakainin ha." Wika nito sa anak. Parang may humaplos sa kanyang puso sa sinabi nito. How he wish na ito nalang talaga ang nanay ng anak. Nakita nya kung papaano nag adjust ito sa pag aalaga sa anak. Na kahit wala itong alam sa pag aalalaga ng bata ay handa itong matuto. Dahil wala ang mga magulang nya bago sya umalis ay inihahabilin nya ang mga ito sa mga kasambahay nila. Tama ang kuya Shawn nito. Hindi lang ang anak nya ang kailangan ng bantay pati din ito. Ilan na ba ang nabasag nito sa loob ng masyon habang nakipaglalaro sa mga bata. Bilib nga sya sa energy nito e. Kasi ang mga batang kalaro nito ang unang sumusuko. "Bro.. nandito din kayo? Hello Angel." Si Alex kasama ang mag iina nito. Hawak hawak ni Nickz si Paula samantalang nakasakay naman sa push cart si Xander. Ang busno ng mga ito. Ang taba taba ng mga anak nito. "Kayo pala. Hello Nickz." Bati nya sa mga ito habang ginugulo ang buhok ni Xander. "Tatay. Kiss kuya Xander." Wika ng anak kaya binaba nya din ito sa loob ng cart. Wala pa kasing laman ang cart ng mga ito. Kararating lang siguro nila. Natawa nalang sila habang pinapanood ang mga ito. Umupo ng maayos si Xander at kumandong naman ang anak. "Wala pa tayong nabibili pero puno na ang cart natin." Nakangiting wika ni Alex habang nakatingin sa dalawa. "Sya ba ang kapatid ni Pareng Shawn?" Baling nito kay Annie. "Ah yeah. Her name is Stephanie. Annie. Mga kaibigan ko. Si Alex at ang asawa nyang si Nickoline." Pagpapakilala nya sa dalaga. "Kumusta bro. Tama nga si pareng Shawn. Pogi ka din tulad nya." Masayang bati ni Alex sa dalaga. "Pogi ka dyan. Mas lamang kaya ang maganda." Wika naman Nickz. "Hello Annie." "Hello po sa inyo." Inabot nya ang palad sa mga ito. "Nanay yan Angel Ninong." Pagmamalaki ng anak ng makita nagkakamayan ang mga ito. Napabilog naman ang bibig ng mag asawa. "Talaga?!" Parang hindi naman makapaniwalang tanong ni Alex sa kanyang anak. "Yes. She's my Nanay. We sleep together right tatay?" Kwento pa ng anak na parang gustong patotohanan nya ang sinasabi nito. . "She sings to me before going to sleep." Napatawa ang mag asawa sa anak. "Maganda ba ang boses ni Nanay mo baby?" Masuyong tanong ni Nickz sa kanyang anak. Kita nya na may pilit itong tinatagao na imosyon sa mga mata nito. "No... She's not good. But I love her voice." Bimbong sagot ng anak. Halos sabay sabay silang natawa. "Tignan mo itong batang ito. Not good pala ha. Sa tatay mo ka magpakanta ha." Reklamo naman ni Annie sa alaga kaya lalo silang natawa. "Mom. I'm hungry." Singit ni Paula kaya nabaling ang tingin nila dito. "Tsk! Puro nalang kayo gutom. Kakain nyo lang kanina." Wika naman ni Nickz sa anak. "Diba sabi ko mag diet kayo." Baling ni Alex kay Paula. Napasimangot naman si Paula sa ama. "Pa. Pwedeng pag dalaga na ako. I'm still a kid. Papano ako magrogrow kong hindi mo ako pakakainin." Giig naman nito sa ama. "Hindi ko sinabing hindi ka kakain." "Just feed me dad and were good." Wika nito na inirapan pa ang ama kaya napatawa nalang sila. Naiiling nalang sila habang nakatingin sa dalawa. "Okey. Tutal hapon naman na. What if kumain na muna tayo dyan sa may Jollibee saka natin ituloy ang pamimili?" Suggest naman nya. Hindi na kasi nila kailangang lumayo. "Ano pa nga ba. Hindi titigil ang mga iyan hanggat hindi napapakain." Sukong wika naman ni Alex. "Pwedeng ipacounter ko na ito." Tanong naman ni Annie sa mga pinamili. "Okey bro. Mauna na kayo doon at samahan ko lang si Annie na---" "Hindi. Ako nalang." Pigil nito sa kanya pero sinamaan nya lang ito ng tingin. Parang nabasa naman ng kaibigan ang kanyang nais. "Sige. Mauuna na kami doon para makahanap na kami ng table natin. Dadalhin na din namin itong si Angel." Paalam naman ni Alex. "Okey bro salamat. Sunod nalang kami." "Pwede ka naman na kasing sumama sa kanila. Kaya ko naman na." Reklamo parin nito. Walang sabi sabi na tinulak nya ang cart nito. "Wala ka na bang idadagdag dito?" Tanong nya na hindi pinansin ang pagtanggi nito. Humabol ito sa kanya dahil nauna na syang lumakad. "Wala na." Maiksi nitong sagot. Buti nalang at wala pang pila. "Hintayin mo nalang ako doon." Wika nito na bahagyan syang itinulak palabas ng tumapat na sila sa counter pero hindi sya tuminag. "Tsk!" Sinamaan nya ito ng tingin. Nakita nya ang pera nitong nakahanda na. "685 po sir." Magalang na sabi cashier. Inaabot ni Annie ang pera nito pero hinuli lang nya ang kamay nito at hinawakan iyon. Pinakita nya ang kanyang card. "Paswipe nalang po sir." Nakangiting wika ng cashier. "Ako na nga." Giit parin ni Annie pero hindi na parin nya ito pinansin at hindi parin nya binibitawan ang kamay nitong may hawak hawak na pera. Binitbit nya ang brown bag na pinagsilidan ng kanilang binili saka hinila ang dalaga na pilit namang umaagapay sa kanya. "Sandali. Bitawan mo na ako." Reklamo nito na pilit hinihila ang kamay pero mahigpit nya iyong hinawakan at wala syang balak na bitawan. "Oy saglit lang. Bakit ka ba nanghihila." "Bilisan mong maglakad." Baliwala nyang sabi na hindi parin binabagalan ang kanyang hakbang kaya parang kinakaladkad na nya ang dalaga." "Hoy Macario Magalpok tumigil ka nga." Gigil na wika nito kaya bigla syang napatigil at humarap dito kaya sumubsob ito sa kanyang dibdib. Ang kamay nyang nakahawak kanina sa kamay ng dalaga ay mabilis na lumipat sa baywang nito para maalalayan ito. Ang kinalabasan ay hapit hapit nya sa baywang ang dalaga. "Aray!" Dinig pa nyang daing nito. "What the-?! What did you call me?" Salubong ang kanyang kilay habang nakayuko syang nakatingin dito. Mula sa pagkakabunggo sa kanyang dibdib ay tumingala ito. Natigilan ito at napatitig sa kanya. Ganon din sya. Dahan dahan na bumaba ang kanyang tingin sa mga labi nitong nakaawang at wala sa loob na napalunok sya. Damang dama nya ang malakas na pag kabog ng dibdib nito na nakadik sa kanyan. Pakiramdam nya ay tumigil ang ikot ng mundo at biglang sila lang ang natirang tao doon. Parang may sariling isip na nag usap ang kanilang mga mata. Parang inanyayahan sya ng mga labi nito kaya dahan dahan nyang iniyuko ang kanyang ulo. Nakita nya ang pagpikit ng mga mata ng dalaga kaya ganon din ang ginawa nya. Ramdam nya ang pagdikit ng kanyang noo sa noo nito at ang tungki ng kanilang mga ilong. Kunting kunti nalang ay maglalapat na ang kanilang mga labi. Pero para silang binuhusan ng malamig na tubig ng bigla nalang may nagpalakpakan sa kanilang paligid. Agad syang itinulak ni Annie kaya nabitawan nya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD