Frustrated na napatampal si Stephan sa noo ng maalalang hindi pala sya nakabili ng stock na pads nya. Dinatnan kasi sya at ngayon wala syang gagamitin. Sinuri nya ang suot kung may tagos na sya at nakahinga sya ng maluwag ng makitang wala pa. Dali dali syang bumababa. Sana ay may extra sila bulong nya sa sarili na ang tinutukoy ay ang mga kasambahay, hihiram muna sya. Wala kasi si Ella kaya sa mga kasambahay nalang sya lalapit. Magpapaalam nalang sya mamaya para makasaglit sya sa grocery store.
Tamang tama at nadatnan nyang nagkukumpulan ang mga ito habang nagmemeryenda.
"Oh Stephan. Halika meryenda tayo." Masayang yaya ni Grace sa kanya.
Napakamot sya sa kanyang batok at nahihiyang ngumiti sa mga ito. "Sige okey lang. Mamaya nalang pagkagising ni Angel." Tanggi nya. "May kailangan lang sana ako sa inyo." Pasakalye nya.
"Ano iyon?" Tanong nito.
"May extra pads ba kayo?" Nahihiya nyang tanong.
Namula sya ng nakita nyang pigil pigil ng mga ito ang matawa sa kanya. Sinaway naman sila agad ni Nanay Melba.
"Tsss... Umayos nga kayo! kurotin ko kayo sa singit eh." Pinandilatan pa nya ng mata ang mga ito.
Humagikhik naman si Anet bago nagsalita. "Ito naman kasi si Stephan e. Ang pogi pogi pero nereregla pala." Tukso pa nito sa kanya kaya umani na ito ng kurot kay Nanay Melba.
"Aray ko Nay!!!!!" Reklamo nito.
"Kayo binalaan ko na kayo na tigilan nyo itong si Stephan. Pag iyan napikon sa inyo at lumayas, lagot kayong lahat kay Sir Macky." Pananakot pa nito sa dalawa.
Natatawang nag peace sign agad ang mga ito sa kanya. Sa ilang linggo nya dito kabisado na nya ang ugali ng mga ito. Palagi din kasi sya nakikipagkwentohan sa mga ito kaya siguro kumportable na ang mga ito para biro biroin sya ng ganon. Hindi naman sya pikon dahil sanay na sya.
"Saglit lang at kukuha ako sa loob." Paalam ni Grace na tumayo agad para kumuha ng hinihiran nya.
"Tsk... bawas pogi points ka nyan kay Grace Stephan. Crush kapa naman non." Tukso ni Anet sa kanya. Kaya napailing nalang sya. Hindi naman lingid sa kanya na nagkacrush ito sa kanya ng una sya nitong makita. Kamukha daw kasi nya ang idol nitong kpop.
"Palitan ko nalang pag nakabili na ako." Nakangiti nyang paalam sa mga ito ng naiabot na sa kanya ang kanyang hinihiram. Pagtalikod nya ay nagpatuloy ang tuksohan ng mga ito syempre kasali sya doon.
Sayang. Sana naging lalaki nalang si Stephan. Pag nagkataon. Pipikotin ko iyan. Wika ni Anet.
Ano kaya ang itsura nya pag nakadamit pangbabae sya ano tapos mahaba ang buhok. Paniguradong hindi iyan pahuhuli kay Ate Ella. Ang aamo ng mukha nila e. Wika naman ni Grace. Hindi na nya nilingon ang mga ito.
"Ang malas lang nya dahil wala syang malay noong halikan sya ni Sir Macky--- Aray!!! Nanay." Tili uli ni Anet kaya napailing nalang sya. Pero may kunot ang noo.
Hinalikan? Sino kayang hinalikan? Tanong nya sa isip. Napailing uli sya para iwaksi ang tanong na iyon.
Dinukot nya ang kanya cellphone at dinial ang number ng tatay ng alaga.
Dracula ringing.... dahil sa inis nya noon ay Dracula ang pingalan nya sa contact number nito at hanggang ngayon ay hindi parin nya pinapalitan. Eh bakit?! Inis parin naman sya dito e.
Dracula "hello"
Tumikhim muna sya. "Hello. Anong oras ka uuwi mamaya?" Tanong nya agad.
Dracula "bakit? Minomonitor mo ba ang pag uwi ko?" Patamad na tanong nito. Parang nakikinita na nya na nakataas ang kilay nito habang sumasagot sa kanya.
"E magpapaalam sana ako sayo e." Hindi nalang nya ito pinatulan dahil baka mag away na naman sila.
"Dracula "bakit saan ka pupunta?"
Napakamot sya sa kanyang baba. "May bibilhin lang sana ako sa grocery kaya lang baka ayaw magpaiwan ni Angel pahapon pa naman na."
"Ano ba ang bibilihin mo. Daanan ko nalang mamaya pag u----"
"Ay hindi pwede! Ako nalang." Mabilis nyang tanggi.
"Tsk! Ano ba kasi iyon? Mag utos ka sa mga kasama mo d'yan para sila na ang bibili kung ayaw mong magpabili sa akin." Inis na wika nito.
Napabuga sya ng hangin. Sa panghihiram na nga lang nya ng pads tinatawanan na sya ng mga ito pano pa kaya pag nagpabili sya ng mga pantie liner at PHcare.
"Umuwi ka nalang kasi ng maaga para makalabas ako. Gusto ako ang bumili e. Hindi pwedeng ipabili sa iba." Maktol nya.
Narinig nyang ang pagpapalatak nito. "O sige. Isasama mo si Angel. Pasama kayo sa driver."
"Walang naiwang driver dito e." Wika naman nya.
"Saan sila?" Nagtatakang tanong nito.
"Si Mang Anton pinagdrive sila Ate Ella. Pumunta daw sila sa bahay nila. Si Mario naman inutusan ni Sir Keith di ko alam kung saan." Paliwanag nya.
"Hini na ba makapaghihintay hanggang bukas iyang gusto mong bilhin? Baka gabihin din kasi ako ngayon." Namromroblema namang tanong nito.
"Hindi pwede. Kailangan ko iyon ngayon." Giit naman nya.
"Tssss. Ano ba kasi iyon at ayaw mo pang ipabili sa akin." Inis na tanong uli nito kaya kahit hindi nya ito kaharap ay napairap sya.
"Ang kulit naman e. Hindi nga pwede." Inis din nyang sagot.
Napabuga ito ng hangin. "O sige. Ipapasundo ko nalang kayo dyan mamaya sa company driver." Halatang naiirita na ito sa kanya.
"O sige. Mamayang kaunti. Tulog pa kasi si Angel baka magwala iyon pag naputol ang tulog." Sabi nya.
"Tulog parin sya hanggang ngayon. Baka mamayang gabi mahirapan na naman makatulog yan." Reklamo nito.
Napasimangot sya. "Anong magagawa ko kung gusto nga nyang matulog. Alangan namang pagbawalan ko." Sagot naman nya.
"Pinagod mo na naman siguro kaya tulog na tulog na naman." Paninisi nito sa kanya.
Hindi naman kasi nya masisi ito kung ayaw nitong mag over sleep ang anak sa tanghali. Matagal kasi itong makatulog sa gabi. Umaabot ito ng hating gabi hindi pa nakakatulog. Tapos trip pa nitong makipaglaro sa ama. Lalo na at sa gabi lang nya ito nakakasama.
"Naglaro lang po kami." Nakanguso nyang sagot dito na parang iniinis pa nya ang lalaki.
"Tsk.. ang bata ang sumusuko sayo e. O sige. Hintayin nyo nalang ang driver dyan." Napangisi sya ng babaan na sya nito ng cellphone.
Alam nyang naiinis na naman ito sa kanya mamayang gabi pag matagal na namang makakatulog ang alaga.
Mag aalas singko na nga ng magising si Angel. Halos kalahating oras na ng dumating ang driver pero hindi pa ito gising. Kaya hinintay nila itong kusang magising. Nag aalburuto kasi ito pag naiistorbo ang tulog.
"Where we going nanay?" Tanong nito ng nakasakay na sila sa kotse.
"May bibilhin lang si Nanay. Ikaw. May gusto bang bilhin ang baby ko?" Nasanay na din syang nanay ang tawag nito sa kanya.
"Angel want Ice cream nanay. Where is Tatay. Why he's not here in his car?" Inosenteng tanong nito. Alam na alam talaga nitong sasakyan ng ama ang gamit nila e.
"He's in the opis pa baby. Busy kasi sya. Pero mamaya. Maglalaro daw kayo ulit." Masaya nyang balita sa bata. Napapangisi sya. Alam nyang hindi makakalimutan ng bata ang kanyang sinabi. Basta laro.
"Talaga nanay?! Yeeee!!!! Magplay play kami uli mamaya ni tatay." Pumapalakpak pang wika nito. Wuahahaha!!! Paktay ka uli Dracula.
"Manong. Saan po tayo pupunta?" Takang tanong nya ng malagpasan na nila ang malalaking pamilihan.
"Ideretso ko na daw po kayo sa opis ma'am para sabay na daw kayo nila Sir na mamimili." Paliwanag naman nito.
Napakunot ang noo nya. "Akala ko po busy sya?" Takang tanong nya.
"Iyon po ang sabi po sa text nya e." Wika naman nito.
Halos magtatalon naman sa tuwa si Angel ng malaman pupunta sila sa opisina ng ama nito.
Halos malula sya ng nakababa na sila sa napakataas na gusali. Parang hindi pa nangangalahati ang building ng ACL kung saan sana sya magtratrabaho noon.
Wow!!!
Napakislot sya ng mamalayang kumawala na ang batang hawak hawak nya.
"Tatay..." matinis na sigaw nito kaya napatingin ang mga taong nandodoon. Ang mga guard at mga nasa reception desk.
"Angel wait!" Habol habol nya ito. Tsk! Ang likot likot talaga. Malingat ka lang saglit wala na ito sa paningin mo. Kaya kinarga nalang nya ito at nahihiyang humingi ng paumanhin sa mga nagambala nila.
Si Manong driver na ang pumindot ng button ng elevator dahil karga karga nya si Angel na naglilikot parin dahil gustong bumababa.
Halos mahilo hilo na sya ng tumunog ang elevator.
"Oh. Dumating na kayo." Nakangiting bati sa kanila ng isang magandang babae.
"Ninang Anne." Matinis na bulalas ni Angel na parang kilalang kilala ang babae kaya binaba na nya ito.
"Dahan dahan baby." Pahabol nya ng tumakbo itong papalapit sa babae habang nakabuka ang maliliit na bisig. Natutuwang asinalubong naman ito ng babae.
"Emmm.. Parang miss na miss ako ng Angel namin a." Masayang pinupog nito ng halik ang bata kaya napahagikhik naman ang isa.
Bumaling ito sa kanya.
"Hello. Ikaw siguro ang bagong yaya ni Angel." Nakangiting tanong nito sa kanya.
"Nanay Angel iyan. Ninang." Pagmamalaking sabad ni Angel bago pa sya nakasagot.
Nakita nya ang pag awang ng labi ng babae na parang nagulat pero agad namang nakabawi.
"Talaga. Nanay iyan. Di may nanay na si Angel." Tukso nito sa bata pero bakit parang sya ang namumula.
"Anyway. Ako pala si Annalyn pero ang tawag nila sa akin dito Ms. Anne. Secretary ako ng mga Aragon. Huwag mo ng tanongin kung sino sa kanila." Pagpapakilala nito sa sarili.
"Stephanie Santaana po." Magalang naman nyang inabot ang palad dito.
"Nice meeting you nanay ni Angel." Tukso nito uli sa kanya kaya naiilang na napangiti nalang sya at nakapakamot sa ulo.
"Pasok na kayo sa loob kanina pa kayo hinihintay ng tatay ni Angel." Wika nito sa kanya. "Pasok na kayo sa loob baby. Kanina pa nakauwi si tita secretary mo." Wika nito sa bata.
"Hindi na po ba sya busy?"
"Pinacancel nya ang meeting sana ngayon para masamahan nya kayo. Kaya ayon ang secretary nya. Tuwang tuwa. Nauna ng umuwi:" natatawang balita nito kaya parang nakosensya sya. Baka mahalaga ang meeting na pinacansel nya.
Naunang pumasok si Angel at ang driver sa loob. Maglang syang nagpaalam kay Ms Anne para puntahan na ang mag ama. Hindi pa sya nakakapasok ng lumabas uli ang driver.
"Mauna na ako sa inyo. Inabot ko lang iyong susi ng sasakyan ni Sir." Paalam nito sa kanya kaya tinangoan nalang nya ito matapos magpasalamat.
Nadatnan nyang tuwang tuwa ang alaga habang nasa kadungan ng ama na nakaupo sa swivel chair nito. Hindi nya maiwasang ilibot ang tingin sa paligid. Napakaluwang ng opisina nito. Napakagara. Naka wall glass ang dingding. Naghuhumiyaw ng kapangyarihan sa loob.
Napatingin sya kay Macky habang kinikiliti ang anak. Wala na ang necktie nito. Nakabukas ang ilang butones ng suot nitong puting longsleeve na nakatupi na hanggang siko.
Hindi parin nya maiwasang mamangha. Alam nyang mayaman na ang mga ito pero hindi nya iniexpect na ganito kayaman ang pamilyang pinagtratrabahoan nya ngayon. At saka wala sa kilos ng mga ito. I mean. Sa pakikitungo sa kapwa. Lalo na sa mansyon. Nakikisalamuha ang mga ito sa mga kasambahay, nakikipagbiroan. Pamilya ang turing sa kanila. Parang siya nga lang ang nakaranas na masungitan ng isang Aragon.