Chapter 15

1707 Words
"What the hell are you doing?" Anang tinig sa kanyang likoran. Dahil sa pag kakagulat ay.. "Ahhhh....." Isang sigaw ang kumawala sa kanya bago sya nahulog sa tubig. Pilit kasi nyang inaabot ang tsenelas na nabitawan ng paa nya habang kinukuyakoy ang paa sa tubig kanina. Kung bakit naman kasi hindi nya iyon tinanggal. Kinabahan sya ng hindi nya maabot ang sahig ng pool. Nagkakawag na sya. Hindi pa naman sya marunong lumangoy. "Tulong!!!!" Sigaw nya na pilit kinakampay ang kanyang kamay pero lumulubog parin sya. "Tulong!!!" Sigaw nya uli sa taong nakatayo sa gilid ng pool habang pinapanood lang sya nito. "Hindi ako marunong lumangoy." Sigaw nya ng paputol putol dahil sa lumutang lumubog ang kanyang ulo. "Tumayo ka kaya." Rinig nyang sabi nito kaya inunat nya ang binti pero hindi talaga nya abot ang sahig. Kung maabot man nya lubog parin ang ulo nya. Ang dami na din nyang nainom na tubig. "Tulong!!!" Sigaw nya uli na parang puputok na ang kanyang baga pero nakatayo lang ang tao sa gilid ng pool. "Tulungan mo ako." Pakiusap nya. Akala yata nito ay nagbibiro lang sya dahil wala yata itong balak na tulungan sya. Pilit nya inaabot ang kamay dito pero patuloy parin ang paglubog ng kanyang ulo. Naabot nya ang sahig pero nalulunod parin sya. "s**t Annie huwag mo ako pinagbibiro ng kanyan. Hanggang balikat ko lang yan. Tumayo ka kaya!" Rinig nyang wika uli nito pero nauubusan na talaga sya ng hangin. "Tulo---" Ramdam na nya ang pagsikip ng kanyang dibdib dahil sa mga nasingot at nainom nyang tubig. Samantalang nang una ay natatawa pang pinapanood ni Macky si Annie ng pinipilit na kinakampay ang kamay. Imposible namag malunod ito kung hanggang dibdib lang nya kung nasaan ito. Pero habang tumatagal ay nabubura na ang ngiti sa kanyang labi ng hindi na ito lumutang at ang mga kamay na kinakampay nito ay naglaho na din. Bigla syang kinabahan. "Annie?" Sigaw nya. Aninag nya ito sa ilalim ng tubig pero hindi na gumagalaw "Oh s**t!" Mura nya sa sarili sabay talon na tubig. At ganon nalang ang kaba nya ng makita nyang nakalupaypay na ang katawan ni Annie. Dali dali nya ito itinaas. Hinapit nya ito sa baywang at hinagilap ang mukha. "Hey wake up..." Nenenerbyos nyang tinapik tapik ang mukha nito pero lupaypay parin ang dalaga. "s**t! Huwag mo akong biroin ng ganyan Annie. Gumising ka." Nakaramdam na sya ng takot. Pero wala parin. Nagsidatingan na din ang mga kasama nila sa bahay. Pero dahil sa takot ay hindi na nya masyadong napasin ang mga ito. "Oh s**t. I'm so sorry baby." Usal nya na dali daling sinampa sa gilid ng pool ang walang malay na dalaga. Tinulungan sya ng mga dumalo sa kanila. "Anong nangyari?" Nag aalalang tanong ng kanyang ina pero hindi na nya sinagot ito. Sinimulan nyang ipump ang dibdib ng nito. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib dahil sa takot. "Please baby. Wake up." Usal nya habang nirevive nya ito. Walang pag alalangang binugahan nya ito ng hangin sa bibig pero wala paring response sa dalaga. "I'm sorry please wake up. Huwag mo naman akong takotin ng ganito." Naluluha na nyang usal dahil sa takot. Nanginginig na ang kamay ng pinagpatuloy nya uling pinump ang dibdib nito saka binigyan uli ng mouth to mouth. Gusto nyang pagsasapakin ang sarili. Napakagago nya. Napahamak pa ito ng dahil sa kanya at humihingi na nga ito ng tulong pero tinatawan pa nya. "Please God. Iligtas mo sya." Usal nyang panalangin na patuloy nya ito uling pinump. Ganon nalang ang panlalambot nya ng umubo na ito at naglabas ng tubig. Tinulungan nya itong bumangon habang patuloy parin ito sa pag ubo at parang hinahabol ang hininga. Hinaplos haplos nya ang likod nito habang patuloy na humihingi ng sorry. May nag abot ng towel sa kanya kaya inabot nya iyon at pinunas ang mukha ng dalaga na nakayuko parin. Medyo okey na ang paghinga nito pero tinabig nito ang kanyang kamay. "Ang sama mo." Basag ang boses na usal nito. "I'm sorry. Akala ko kasi hindi ka malulunod dahil hanggang dibdib ko lang naman ang tubig." Sensero nyang paliwanag. "Natural na malulunod ako! Ni hindi yata ako umabot sa balikat mo. Pinanood mo pa talaga ako!" Umiiyak na sumbat nito sa kanya. "A-akala ko kasi nagjojoke ka lang." Paliwanag naman nya na hindi maiwasang mas makonsensya ng makita ang luha sa mga mata ng dalaga Nakita nya ang pagbagsak ng luha nito ng tumingin ito sa kanya. Kung nakakamatay lang siguro ang tingin kanina pa sya namatay dahil sa talim ng tingin nito. "Tanga ka ba? May nagjojoke lang bang ganon. Gusto mo sapakin kita tapos sabihin kong nagjojoke lang ako." Galit na tanong nito. "Okey. Sorry na. Alam kong mali ako." Pagpapakumbaba nya. Inilagay nya ang towel sa likod nito at sinuot nya ang braso sa ilalim ng alak-alakan para buhatin na ito. "Sandali. Anong ginagawa mo?" Gulat na tanong nito saka sya tinulak pero hindi sya nagpatinag. "Natural Bubuhatin kita. Dadalhin kita sa hospital." Wika nya na hindi pinansin ang pagpapasag nito. "Huwag kang malikot para hindi kita mabitawan." Banta nya. "Bitawan mo na ako. Hindi mo na ako kailangan dalhin pa sa hospital. Okey na ako." Tanggi nito pero hindi nya ito pinansin. "Mario sa hospital tayo." Wika nya sa nakaabang na driver. "Okey na nga ako!" Pabulyaw na tanggi nito na bahagyan pang hinila ang damit nya sa likod. Pero binaliwala nya iyon. Sinakay nya ito sa loob ng kotse. "Usog doon." Wika nya ng naisakay na nya ito sa backseat. "Mario paki bilisan lang." Pagmamando nya sa driver. "Roger boss." Wika naman nito. "Oi saglit! Bakit ka naghuhubad?" Sigaw na tanong ng dalaga na nakatakip ng mukha pero nakaawang naman ang daliri na nakasilip sa kanya. Kunot ang kanyang noong tumingin dito pero nagpipigil syang matawa dahil halatang naiiiskandalo ito sa pagbububad nya. "Basa ang damit ko." Balewalang sagot nya. "Mario. Pakihinaan naman ang aircon." Baling nya sa driver. "Okey boss." "Ikaw. Gusto mo bang maghubad. Gamitin ko nalang iyang towel." Suhestyon nya pero pinandilatan sya nito ng mata. "Gusto mo ng sapak?" Inis inambaan sya ng suntok kaya agad naman nyang sinalag ang kamay. "Sandali! Suggestion ko lang naman iyon para hindi ka lamigin." "Suggestion?! Utot mo! Paganahin din kasi ang common sense pag may time. Kung sana kagaya mo ako na pwedeng basta basta nalang naghuhubad na hindi inaalala ang kasama. Pero hindi nga tayo magkatulad." Masungit na birada nito. Natawa naman sya. "Pasinsya na ha. Akala ko kasi kagaya ka din namin. At saka. Mukhang waka ka namang tinatago sa loob ng damit mo. Baka nga mas may umbok pa nga itong sa akin e." Pangbubuska nya dito na niliyad pa nya ang hubad na dibdib. Natatawa nalang niyang sinalag ang tuwalyang pinaghahampas nito sa kanya. "Bastos! Bastos ka talaga!" "Aray! Aray ko! Nagbibiro lang ako. Tama na." Tumatawa sya habang sinasalag lahat ng hampas nito sa kanya. "Nakakainis ka! Magmula ngayon. Maghanap ka ng ibang magbabantay sa anak mo!" Sigaw nito sa kanya. Nataranta at kinabahan tuloy sya. "Annie wala namang ganyanan. Binibiro ka lang e." Bigla syang naging maamong tupa. Inirapan sya nito habang padaskol na binalabal ang tuwalya sa katawan nito. "Sabihin mong nagbibiro ka lang" Natatakot nyang tanong dito. Sumeryoso ang mukha nito at tumingin sa labas ng bintana kaya mas lalo syang natakot. "Hindi rin naman tayo magkasundo. Parati lang din naman tayong nag aaway. Marami namang dyan na willing maging yaya nya. Iyong makakasundo mo, iyong---" "Wait. Tungkol parin ba ito sa pagpapabaya ko kanina. Sorry na nga. Hindi ko talaga akalain na malulunod ka doon dahil para sa akin mababaw lang ang parteng iyon. Nakalimutan ko na mas mataas pala ako sayo. Sorry na. Ano ba ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako. Basta huwag mo lang iwan si Angel. Ikaw lang ang gusto nya. Maawa ka naman bata." Pangungonsinsya nya. "Hindi rin naman healthy na ako ang maging yaya nya." Giit nito kaya napakunot sya ng noo. "What do you mean?" Nagtataka nyang tanong. "Hindi healthy sa bata na nakikita nya tayong ganito. Kada kibot natin. Nag aaway tayo. Baka pag laki ng bata maging normal nalang para sa kanya ang pakikipag away---" "Di huwag tayong mag away pag nakikita nya." Putol nya sa sasabihin nito. Napatingin sya sa harap ng tumawa si Mario habang nagdadrive. "May nakakatawa sa sinabi ko." Nasungit nyang tanong dito na nakataas pa ang kilay. "Pasinsya na boss. Natawa lang ako sa sinabi mo." Wika naman nito habang pigil pigil parin ang tawa. "May nakakatawa ba sa sinabi ko." Baling nya sa dalaga. Pero kahit ito ay halatang natatawa na din. "Pinagtatawanan nyo ba ako?" Inis nyang tanong sa dalawa. "Ikaw naman kasi boss. Bakit hindi ka nalang kasi makipagdeal dito kay Stephan na hindi mo na sya aawayin para hindi na sya umalis." Naiiling na sagot ni Mario. "Diba iyon naman ang sinabi ko." Giit nya. "Oo. Pero pag kaharap lang si Angel. Papaano pag wala sya. Mag aaway kayo uli?" Tanong nito kaya nilukotan nya ito ng mukha. "Sino ba ang perpektong hindi nag aaway? Ngipin nga at dila nagkakagatan. Kami pa kaya. Hindi ko maipapangako na hindi na kami mag aaway but I try my best para maiwasan iyon. Kaya please. Huwag mo na kaming iwan oh." Pakiusap nya. Tinaasan naman sya ng kilay ng dalaga. "Bakit kasali ka? Papaalaga ka din ba?" Masungit na tanong ni Annie sa kanya. "Ha? A-e. Syempre. Pati ako apektado dahil sino ba ang mamromeroblema pag nag iiyak ang anak ko." Paliwanag nya. Napatawa uli ang kanilang driver. "Isang tawa mo pa Mario. Bukas, wala ka ng trabaho." Banta nya dito na sinamaan pa nya ito ng tingin. "Sorry boss." Wika nito na biglang naging seryoso. Tahimik na sila ng makarating sila sa hospital. Ang towel na nakabalabal kanina kay Annie ay nasa kanya na at iyon ang pinambalot nya sa katawan. Samantalang si Annie naman ay binigyan ng hospital ng damit. Tumawag kanina ang kapatid at sinabing susunod ang mga ito pero tumangi na sya. Sabi naman ng doctor ay maiuuwi na nila ito kaagad. May mga test lang silang isinasagawa para masiguradong hindi naapektohan ang baga nito dahil sa pagkakalonod nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD