Chapter 14

1846 Words
"Stephan! Bilis tinatawag ka ni Sir Macky. Nag iiyak ang alaga mo." Sigaw na tawag sa kanya ni Melody. Isa sa mga kasambahay ng Aragon. Binaba nya ang hose na ginagamit nya sa pagdidilig ng halaman at dali daling pinatay ang gripo. Pagkatapos kasi nilang nagkape kanina ay kanya kanya ng alis ang mga kasambahay para maglinis. Kaya habang hindi pa gising ang kanyang alaga ay tumulong muna sya sa mga gawain ng mga ito. "Gising na sila?" Tanong nya. "Natural. Hindi ka tatawagin non kung tulog pa sila." Pamumulisipong sagot nito na umiiling iling pa pero nakatawa naman. Kaya natawa din sya. "Oo nga naman." Tanga lang! "Sige na. Larga na't baka masesante ka pa ng de oras. Ako na ang magtutuloy nito." Pagtataboy nito sa kanya. Masesante? My a*s! Takot lang ng Dracula'ng iyon. Usal nya. Pero alam nyang hindi na sya narinig nito. Lakad takbo nga ang ginawa nya. Pag akyat palang nya ay dinig na nya ang palahaw ng alaga. "Ang aga namang nagbuburyong iyong." Bulong nya na ang tinutukoy ay ang alaga. Hindi na sya kumatok pero dahan dahan parin nyang tinulak ang pinto. Nakita nya ang dalawang sabay pang napatingin sa kanya. Buhat buhat ni Macky ang anak na umiiyak at pinupunas nito ang pisngi na basa ng luha. Samantang si Angel naman ay bahagyang tumigil ng makita sya pero bigla uling pumalahaw. "Nanay... nanay..." palahaw nito at inaabot ang mga braso sa kanya. Kinunot nya ang noo. "Bakit ka umiiyak? Ayan. Sira na naman ang bunganga mo." Wika nya habang papalapit sa mga ito at agad itong inabot mula sa amang madilim na naman ang mukha. "Where have you been. Kanina pa kita tinatawag!" Masungit na tanong nito habang pinapasa sa kanya ang bata. Wala sa loob na inirapan nya ito. "Pinaalis mo kaya ako." Sagot naman nya. Bahagyan silang lumayo ng makuha na nya si Angel dahil parang nag-aapoy ang mata nito na nakatingin sa kanya. "Pero hindi ko sinabi na lumayo ka. Hindi iyong kung saan saan kapa hahagilapin pag kailangan kita." Halatang gigil na sermon nito sa kanya. Hinarap nila ito at tinaasan ng kilay. "Pinaalis mo ako dahil ayaw mo akong magmukhang guwardya. Tapos ngayon magagalit ka?! De sana sinabi mo na huwag akong lumayo." Sumbat naman nya. "Eerrrr... paganahin din ang common sense pag may time!" gigil na napasabunot pa ito sa sariling buhok. "So. Sinasabi mong wala akong common sense. Ganon ba?" Nagtitimpi nyang tanong. "Ikaw ang nagsabi nyan. Hindi ako." Wika nito na iniwasan sya mg tingin. Grrrr....Ang sarap sapakin! "Ikaw sumusobra kana ha! Hindi kumo ikaw ang amo ko matatakot na ako sayo! Kung sinabi mo sana na huwag akong lumayo di sana hinintay ko lang kayo sa labas ng pintuan kung anong oras kayo magigising!" Sigaw na nya dito. "Galit nanay?" Tanong ni Angel na bahagyan pang hinawakan ang kanyang mukha. Halata ang takot sa mukha nito. Ilang hinga ng malamin ang pinakawalan nya bago nya sinagot ito. "Hindi baby. Nagpapaliwanag lang ako sa Dracula mong ama." Wika nya na sinadyang lakasan ang boses para dinig na dinig ng ama nito. "Mag usap tayo mamaya!" Wika nito na parang nagbabanta na humanda sya at saka sila iniwan. Halos sabay pa silang napakislot ng alaga ng pabalang nito sinara ang pintuan. "Tatay mad, nanay?" Inosente uling tanong ni Angel sa kanya. Pinilit nyang nginitian ito. "No baby. Tatay is not mad. Ayaw lang nyang nakikitang umiiyak ang baby Angel nya dahil pumapangit daw kasi siya. Kaya huwag ka ng iiyak ha." Pag aayos nya sa buhok nito. "I thought you left Angel." Wika ng bata at saka ito yumakap sa kanyang leeg. Napabuntong hininga uli sya. "Hindi naman ako aalis ng hindi nagpapaalam. Dito lang si yaya." Pangako nya na hinahaplos haplos ang likod nito. Matatagalan kita baby. Pero hindi ko alam kung matatagalan ko ang ama mo na hindi ko sya nasasapak. MACKY HE couldn't stop himself from cursing. What the hell was that? Did my daughter call her Nanay? f**k! No way! Gigil na bubulong bulong na wika ni Macky na pabalik balik syang naglalakad sa loob ng kanyang silid. Naiinis sya! Naiinis sya sa tomboy na iyon. Masyado syang mapapel sa anak! Kailan lang sila nagkasama ng anak nya pero parang mas gusto pa itong kasama ni Angel kaysa sa kanya. Tang'na talaga! At saka tama bang sagot sagotin sya. s**t! Sya ang amo. Sya ang nagpapasuweldo dito! Pero kung umasta sya. Kung makairap sa kanya parang baklang tomboy! Gigil na gigil si Macky. Makikita mo mamaya.... Padabog syang pumasok sa loob ng banyo ay dinaan nalang nya sa ligo ang init ng kanyang ulo. Pagkatapos nyang maligo ay bumaba na sya. Hindi na sya nag abalang pumasok uli sa kwarto ng kanyang anak baka mapatalsik nya ang di oras ang yaya nito. At nasa hallway palang sya ay dinig na dinig na nya ang tawanan at sigawan ng mga bata na parang nagkakatuwaan. Nangingibabaw ang matinis na sigaw ng anak at ang boses ng pamangkin na si Russel. Pati ang tawa ng kanyang mga magulang ay dinig din nya kaya napangiti sya. Mas maingay pa siguro sila kung nandito si Amber. Kinuha kasi ito ng mga lola nito kahapon kaya wala ito ngayon sa mansyon. Isa din iyon. Kahit na nagdadalaga na ay sobra parin ng likot. Tumigil sya sa kalagitnaan ng hagdan para panoorin kung anong ganap sa baba at ganon nalang ang panlalaki ng mata nya ng makita ang anak na nakasakay sa likod ng yaya nito na nagbabakabakahan at hinahabol habol naman ito ni Russel. Dali dali syang bumaba. "Annie! What the hell are you doing!" he shouted and quickly supports his daughter riding behind her. Samantalang ang anak naman nya ay parang kinikiliti dahil ang akala yata nito ay nakikisali sya. "Stop it Annie Isa." Banta nya sa yaya. Kinuha nya ang anak at napasalampak naman ito sa sahig. "Tita Stephan ako din." Ungot din ni Russel na umupo sa kandungan nito. Halatang napagod sa ginawa dahil kita nyang hinihingal na ito. "Hindi pwede anak. Mabigat ka." Bawal naman ni Ella sa anak. "Tsk! Ano bang pinaggagawa mo. Alam mo bang pwedeng mapahamak ang bata dahil sa ginagawa mo?!" Sermon nyang sita dito. "Papaano kung mahulog sya at nabagok ang ulo nya. Ang tigas pa naman ng sahig." Dagdag pa nyang paninita dito. Pero ayon na naman ang tingin nito na pairap na lalong ikinainis nya. Bakit ang sama palagi ng tingin nito sa kanya. Parang hindi man lang marunong matakot sa kanya. "Nag iingat naman po kami." Palusot nito. "May mata ako Annie. At kitang kita ko kung ano ang nangyari." "Kita mo pala e! Dapat natuwa ka dahil masaya ang mga bata. At saka. Wala namang nangyari. Hindi ko naman hahayaan na basta nalang mapahamak ang mga bata." Sagot nito na nakasimangot. "Mas mabuti na iyong nag iingat. Dahil pag napahamak sila hindi mo na maiibalik ang oras---" "Tol. Relax. Nakaalalay naman si Ella kay Angel." Pagpuputol ni Ron sa kanya. Nakita nga nyang nasa malapit lang si Ella sa mga ito na parang nakaantabay. Narinig nya ang mahinang pagtawa ng mga magulang kaya napatingin sya sa mga ito. "Son. Kung gaano ka nag iingat para sa anak mo, ganon din kami. At saka hindi mo ba nakikita. Sobrang sya ng apo ko oh. Si Stephan lang yata ang kayang sumabay sa kalikutan nila." Masayang wika ng kanyang ina. Napabuntong hininga nalang sya. Ano pa nga ba ang magagawa nya kung nagkampihan na silang lahat. "Hug Nanay." Anang anak na kumakawala sa pagkakakilik nya kaya lalong nagdilim ang itsura nya. Humagikhik si Ella. "Nanny Angel." Pagtatama nito kay Angel pero parang tuwang tuwa naman. Napatingin sya sa dalaga na alanganin din napatingin sa kanya. "Tatay. Angel hug nanay." Ungot uli ng anak kaya wala na syang nagawa kundi ibaba ang anak at pinanood nalang ito. Magiliw itong tumakbo sa yaya at sinunggaban agad ito ng yakap at humalik pa sa pisngi nito. Parang wala itong pakialam kahit na maitulak si Russel na nakaupo sa kadungan ng dalaga. Para pa ngang sinadya nito iyon. "Aruy. May pagkapossessive si Angel sa Nanay Annie nya. May pinagmanahan." Tukso ni Ron sa anak nya pero alam nyang mas sa kanya ang patama nito. "Halika na dito anak. Kay Mama ka nalang kumandon. Huwag ka ng makiagaw sa Nanay ng may Nanay." Wika pa nito sa anak na tinutulak na nga ni Angel para lumayo ito sa yaya. "Nakahanda na po ang mesa." Tawag sa kanila ng isa sa mga kasambahay nila kaya nagtayoan na ang mga ito para mag agahan. Hindi nya masasabing tahimik ang agahan nila dahil sa dalawang bata na kahit kumakain na ay malikot parin. "Sya nga pala. Tutungo kami ng Davao ng daddy ninyo para dalawin ang tito Greg ninyo." Wika ng kanilang ina. "Kumusta na daw siya mama?" Tanong ni Ron na nag-aalala din. "Patuloy nga daw siyang nanghihina pero ayaw namang mamalagi sa hospital." Malungkot na sagot ng ina. "Baka naman kasi iniisip nila ang gastos." Sabad naman nya. Simple lang kasi ang buhay ng mga ito. Ayaw nilang tumanggap ng malaking tulong na galing sa kanila. Mahirap lang kasi ang ina nila dati. Dalawa silang magkapatid na galing sa ampunan. Dahil sa ayaw ng mga ito ang maghiwalay ay tumakas sila sa ampunan at namuhay ng magkasama. Nagkargador sa palengki ang tito nya, samantalang ang ina naman ay nagtinda ng gulay. High School lang ang tinapos ng ina dahil iginapan ito ng kapatid. At ang tito naman nya ay hindi na nakapag aral. Sa palengke na nakilala ng ama ang ina nila. Gusto ng ama na kunin sa poder nila ang kanilang tito para sa kanila nalang pumisan pero tumanggi ito. Hanggang sa nakapag asawa na ito ng taga Davao. Namamasokan lang din bilang isang kasambahay ang napangasawa nito. Pero palaging inaalala ng kanyang ina ang kalagayan ng kapatid kaya nakiusap ang kanilang ama na tanggapin ang kaunting tulong na ibibigay nya para hindi nag-alala ang ina nila. Bumili ng lupa na sakahin ang kanilang ama at binigyan nya ito ng sapat na puhunan para makapasimula ng medyo maalwang buhay na tinanggihan pa nito noong una pero nakiusap ang ina na tanggapin na iyon. Iyon na ang huling tinanggap nito na tulong mula sa kanila. Ang rason nito ay nakakaraos naman sila. Kung tutuusin nga daw ay maalwa na ang kanilang buhay. Mabait ang kanilang tiyohin. Masipag. Nakapagtapos na din ang mga anak nito sa pag aaral. "How about you Mom. Are you okey?" Nag aalalang tanong ni Ron dahil nakita nya ang lungkot sa mga mata ng ina. "Ayos lang naman. Hindi ko lang kasi maiwasang malungkot. Ang tigas tigas kasi ng ulo ng tito ninyo e. Sabi ng huwag masyadong magpagod. Inomin nya palagi ang vitamins na pinapadala ko. Pero iyon nagkasakit parin sya." Nangingilid ang luhang wika nito. Paniguradong sermon na naman ang abot ng kapatid nitong may sakit. "Kung pwede ko nga lang syang iuwi dito pero alam ko namang hindi papayag ang mga pamilya nya." "Pwede naman kasi silang lumipat nalang dito. Ilan ang bahay natin na walang nakatira. Pili lang sila kung saan nila gusto. Pero kung ayaw nila. Kumbinsihin mo nalang si tito 'ma na magpahospital." Wika naman nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD