Chapter 13

1660 Words
"Author: grrrr... biglang nawala ang sinulat ko?! Nahihirapan na nga akong mag update dahil busy na din ako sa work. Huhuhu stary?... Macky carefully entered his daughter's room as if he was afraid to make even the slightest noise. Mahirap na kasing patulogin ang anak pag naalimpungatan ito but he frowned when he couldn't see Angel in her bed and even her new nanny was not there too. Mayroon din kasing spare bed doon para sa yaya ng anak. "Nasaan kaya sila?" Nausal nyang tanong. Tinungo nya ang connecting door papasok sa sarili nyang kwarto at pagbukas na pagbukas palang nya ay bumungad sa kanya ang dim na ilaw na nanggagaling sa night lamp na nasa magkabilang gilid ng kanyang bed. At doon nya natagpuan ang anak na yakap yakap ng yaya nito na nahihimbing ng natutulog. His brow furrowed even more. Walang syang matandaan na binigyan nya ito ng pahintulot na pumasok at matulog ito sa kanyang kwarto. Nakapamaywang syang lumapit kung saan ito nakapwesto. "Annie..." mahina nyang tawag sa pangalang nito at bahagyan pang niyogyog ang balikat nito. "Annie wake up." Pero umungol lang ito kaya bahagyan ding gumalaw ang anak. Dumukwang sya at inabot ang pwetan nito at mahinang tinapik tapik ito doon. "Ssshhhh..." pagpapatigil pa nya para bumalik uli ito sa tulog. Pero malas dahil nahimbing din ang yaya nito. "Annie..." Tawag nya uli na medyo diniinan ang paghawak nya sa balikat nito pero mukhang inis ding pinalis nito ang kamay nya. "Ano ba! Natutulog ang tao e..." paungol pa na reklamo nito kaya lalo na syang nainis. "Wake up. if you don't want me to lift you out of the house!" Gigil nyang banta uli dito pero parang hindi sya nito narinig dahil hindi man lang ito tuminag. "Grrrrr.... magtutuos tayo bukas babae!" Gigil syang tumayo ng ayos saka na iniwan ang nga ito. Inis syang nagbihis at tinungo ang kabilang silid. Pabagsak syang humiga sa kamang nakalaan para sa yaya ng anak kung saan din sya humiga kagabi. Nilibot sya ang tingin sa loob at isang butong hininga ang pinakawalan nya. Ano pa nga ba ang magagawa nya. Ang mahalaga nalang ngayon ay hindi nya nabotan ang anak na umiiyak dahil hinihintay sya pa syang dumating bago ito matulog. Samantalang nalimpungatan naman si Stephan ng may maramdamang dumadagan sa kanyang tyan. "Hmmm..." inaantok syang nagmulat ng mata at nakita nya si Angel na sinusubsob ang mukha sa kanyang tyan. Hinaplos nya ito sa buhok. "Good morning baby. Are you okey?" "Nanay dede..." Wika nito na parang naiiyak na pero patuloy parin ang pagsubsub ng ulo nito sa kanyang tyan. Isang hikab muna ang pinakawalan nya bago nya ito inayos ng higa. "Okey. Dito ka lang ha. Magtitimpla si Nanny ng dede." Pinasaya nya ang boses pero nakita nya ang pagkibot kibot ng labi nito na parang pinipigil nito ang maiyak. "Why? Huwag ng umiyak. Gagawa na si yaya." Pagpapatahan nya dahil mukha itong kawawa pero doon na ito ngumawa. "Tatay.. I want tatay.." palahaw nito. Taranta naman nya itong binuhat. "Baby tahan na. Hindi ko alam kung nasaan ang tatay mo e." Pagpapatigil nya dito pero lalo itong umiyak. Shit! Saan ko hahanapin ngayon ang tatay nito. Binuhat nya ito at sinayaw sayaw. "Sssshhhh... tahan na baby. Mamaya darating na si tatay okey. Titimpla muna tayo ng gatas mo habang hintayin natin si tatay, gusto mo ba iyon." Pero patuloy na ito sa pag ngawa at tinuturo na nito ang pintuan. "Gusto mo ng lumabas? Pero maaga pa baby." Pagpapatahan nya dito habang tinutuyo ang pisngi nitong may luha. "Tatayyy.. tatayyy..."Palahaw parin nito. Shit! Saan ko ngayon hahanapin ang tatay nito. Problemado nyang tanong sa sarili. "Ssshhh... sige. Magtitimpla lang tayo ng gatas tapos lalabas na tayo. Okey ba iyon ha.?" Tumigil naman ito sa pag iyak pero mukhang inaabangan nito na matapos syang magtimpla ng gatas nito. Napatingin sya sa orasan na nasa wall at four thirty palang ng madaling araw. s**t! May gising na kaya sa baba. Binuhat nya ito. "Sige lalabas na tayo. Pero kukunin muna natin iyong jacket ni yaya sa kwarto ha. Nilalamig ako e." Pagkakausap nya sa bata. Tinungo nila ang connecting door kung saan ang kwarto ni Angel at kwarto na din nya habang sya ang yaya nito. Dapat doon sana sila matutulog kagabi kaya lang iyak ng iyak ang bata at itinuturo nito ang kwarto ng ama kaya pumasok sila doon. Wala naman syang balak na doon matulog kaya lang ayaw nitong umalis doon na parang hinihintay nito na dumating ang ama nito. Hanggang sa hindi nila namalayang nakatulog na sila. Hindi nya alam kung dumating ang ama nito o hindi wala namang gumising sa kanila. Kinapa nya ang switch ng ilaw dahil nakapatay ang ilaw ng silid. Bahagyan syang nagulat ng makita ang lalaking nasa isang kama. Napatakip ang braso nito sa mata na parang nasilaw sa ilaw na binuksan nya. "Tatayyyy..." Matinis na sigaw ng alaga na nagpapasag na sa bisig nya kaya binaba nya ito pero hinabol at bahagyan pa nya iyong inalalayan dahil baka madapa. Tinulungan nyang makaakyat ito sa kama kung nasaan ang ama nito parang tulog parinang diwa. "Tatayy..." sambit ni Angel habang pinupopog ng halik ang mukha ng ama nito. "Hmm baby. Good morning." Bati naman ng lalaki sa anak. "Parang miss na miss ako ng baby ko ah." Malabing din na bati nito sa anak. Wala sa loob na napangiti sya habang pinapanood ang mga ito. Para kasing hindi ito ang Macky na nakaharap nya kahapon. Bigla syang napasimangot dahil sa naisip. "Wala ka naman sigurong balak na panoorin lang kami d'yan." Untag ni Macky sa kanya na nakataas pa ang kilay. Tinaasan din nya ito ng kilay. "E ano ang dapat kong gawin. Nandito ang alaga ko." "Tsk! Matulog ka uli kung gusto mo basta huwag kang tumayo lang d'yan na parang guardia de civil." Pagtataboy nito sa kanya. Inirapan nya ito. "O ayan! Ipasuso mo sa anak mo!" Padabog nyang inabot ang bote ng gatas dito. Inis nyang hinablot ang jacket na nakasampay sa headboard ng kama kung saan nya sinampay kagabi. "And anyway Annie. Ihanda mo ang paliwanag mo mamaya kung bakit ka nasa kwarto ko." Pahabol nito ng akmang aalis na sya. Salubong ang kilay na nilingon nya uli ito. "Hindi lang ako ang mag isang nandoon kundi dalawa kami ng anak mo." Masumgit naman nyang sagot dito. "Hindi ko matandaan na binigyan kita ng permiso na pumasok doon. Lalong lalo na ang matulog doon." Giit nito. "Kung umuwi ka sana ng maaga hindi mo kami madadatnan doon na natutulog." Sumbat naman nya. "Woah. Hindi kita asawa para pakialaman ang oras ng aking uwi." Wika nito kaya isang nakakatakot na irap ang binato nya dito. "Asawa agad!? Alam ko namang wala kang inaalalang asawang uuwian. Pero sana maisip mo na may batang naghihitay sayo! Ikaw ang ama kaya dapat alam mo na ang ugali ng anak mo." Sumabat nya uli. "Aba't--!" "Patulogin mo uli ang anak mo dahil napuyat yan sa kahihintay sayo." Pangpuputol nya sa sasabihin nito saka nya binirahan ang paglabas ng kwarto. "Annie bumalik ka dito. Huwag kang bastos kinakausap pa kita." Rinig nyang tawag nito pero hindi na sya lumingon. Kaya parang sampung kabayo ang humabol sa kanya ng makalabas sya sa pintoan. Napahilot sya sa kanyang noo. Tsk! Dapat kasi hindi mo na pinatulan e.! Paninisi nya sa sarili. Papaano nalang kung magsumbong ito kay kuya Shawn. Sabihin nitong masyado syang pakealamero. Paniguradong sermon na naman ang aabotin ko nito kay kuya. Pero teka.. ano iyong tawag nya sa akin ANNIE? f**k s**t na malagkit! Saan nya nakuha ang pangalan na iyon?! Naguguluhan nyang tanong uli sa sarili. Nang mahimasmasan sya ay bumaba na sya baka maabutan pa sya ni Dracula at masipsip pa nito lahat ng dugo nya. Parang inis na inis pa naman ito sa kanya. Tinungo nya ang kusina. Nahiling nya na sana may gising na sa mga kasambahay. Nalululala parin sya sa laki ng bahay. Mabuti nalang at inilibot sya kahapo kaya alam na nya ang pasikot sikot dito. Kung hindi malamang, mawawala sya. Napakamot sya sa ulo habang inililibot ang tingin sa loob ng kitchen. Saan kaya ang kapehan nila dito. Ang dami naman kasing cabinet. Alangan namang buksan ko lahat iyan. Saktong may naulinigan sya sa labas kaya tinungo nya ang pinto papalabas sa kitchen. Bumungad sa kanya ang mga kasambahay at driver na nakatingin din sa kanya. Hula nya ay abala ang mga ito sa paghahanda ng agahan. Ang mga lalaki naman ay may tangan tangan na tasa. "Magandang umaga po." Nahihiya nyang bati sa mga ito. Kilala na din sya ng mga ito dahil pinakilala sya kahapon pero hindi nya memoryado lahat ng mga pangalan ng mga ito. "Magandang umaga din sayo Stephan. Halika lumapit ka dito." Nakangiting yaya ni Nanay Salud sa kanya. "Ang aga mo yatang nagising." Puna nito sa kanya. "Maaga pong nagisng ang alaga ko e. Ayon kasama na ang kanya ama kaya bumaba na po ako. Hindi nadin naman na ako makakatulog." "Nakakape kapa ng 3'n1 Ma'am Stephan?" Tanong ni Mario. Driver ni Sir Aragon. Natawa sya. "Paka Ma'am naman nito." Napakamot ito sa ulo. "Sir ba dapat?" "Seryoso?! Katulad nyo lang ako noh! Stephan lang." Reklamo nya. Natawa si Mang Anton. "Lahat kasi ng mga naging yaya ni Angel Ma'am ang tawag namin. Nasanay lang siguro kami." Paliwanag nito. Hula nya. Ito ang family driver ng Aragon. Ito din ang naghatid at nagsundo sa kanila kahapon sa bahay nila. "Talaga ho?!" Hindi makapaniwalang tanong nya. "Required po bang Ma'am ang itawag sa kanila?" Tanong nya. "Hindi naman anak. Mayayaman kasi ang mga iyon, magaganda. Sexy. Parang model. May model pa nga yata. kaya ma'am ang tawag namin sa kanila. May sarili pa nga yatang yaya ang mga iyon e." Wika uli ni Mario. "Talaga?!" Hindi makapaniwala uli nyang bulalas. "Hay naku. Tigilan nyo nga si Stephan. Ikaw Anton. Ang tanda tanda mo na pero tsimoso ka parin." Masaya syang nakipag kwentohan sa mga ito habang tumutulong na din sya sa paghihiwa at pag gagayat ng mga sangkap na kailangan ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD