Naalimpungatan si Stephan ng makarinig sya ng kaluskos sa kabilang kwarto kaya pupungas-pungas syang bumangon. Inayos muna nya ang kumot ni Angel bago sya tumayo para silipin kung dumating naba si Macky. Kanina pa nya ito hinihintay. Nakatulogan lang nya. Mula ng umalis ito kanina kasama ang nanay ni Angel ay hindi na nila nahintay na umuwi uli ito sa condo nito dahil bumalik na sila sa mansyon. Mayroon pa daw kasing meeting si Keith kaya hinatid na sila sa mansyon at sinabi nitong sa mansyon nalang sila maghintay. "Tsk! Babalik na naman ba sya sa pagkakalunod ng alak ng dahil sa babaeng iyon?" Rinig nyang sabi ni Keith. Ramdam nya ang inis sa boses nito. "Don't worry to much tol, our brother is old enough to handle his own problem." Tinapik ni Ron ang balikat ni Keith. Maramdaman yat

