Aligaga si Stephan habang hinahanda nya ang mga gamit nila ni Angel. Hindi nya alam kung ano na iyong nailagay nya sa bag dahil kada suksok nya maiwan lang nya saglit ay natanggal na ng pakealamera nyang alaga. Nagkalat na din ang mga damit at mga gamit sa sahig dahil pinaglalaruan nito ang mga iniempake nya. Pinababantayan nya ito kila Grace pero ayaw nitong mahiwalay sa kanya. "Baby. Wala tayong matatapos nyan. Sila tita Ella tapos ng mag empake. Tayo wala pa tayong nagagawa." Pagod nyang sabi sa alaga. "But Nanay. Angel wants to play muna." Gigit nito habang ginagawang panlatag sa sahig ang mga damit nitong pinagkukuha nito sa bag kanina at pinapahiga dito ang barbie na laroan nito. "Pero baby. Iba nalang ang gamitin mo. Kailangan ko kasi ang mga iyan para may maisuot ka sa pupuntah

