"Hah? Mali yata ang nabuksan kong bag?" Nagtatakang kausap ni Stephan ang sarili saka tinignan uli ang bag kung iyon ba ay kanya. "Tama naman. Pero bakit iba ang laman?" Taka nyang tanong. "Magkaparehas kaya kami ni Grace ng bag?" Tanong nya na ang tinutukoy nya ay ang isang kasambahay pa na sinama nila para may kasama silang magbantay sa mga kasamang bata. Puros kasi may anak ang mga magkakaibigan. Imposible namang si Ella dahil maleta ang dala ng mag anak para daw iisang lagayan lang. Lumabas sya at hinanap si Grace dala dala nya ang bag. "Hello Nanay. Nakita nyo po si Grace?" Tanong nya sa isang katiwala sa resort ni Macky. "Nasa kusina ineng. Kumakain kanina." Nakangiting sagot naman nito. Magalang syang nagpaalam dito. At nadatnan nga nyang kumakain ito ng pancit. "Ikaw pala

