Parang pinipigil na tawa at hagikhik ng bata ang gumising kay Stephan. Nang magmulat sya ng mata ay agad nyang nakita ang inang nakaupo sa isang upuan na para sa mga bantay na nasa tabi ng kanyang kama. Napaawang ang labi nya dahil kandung kandung nito si Angel at mukhang naghaharutan ang dalawa. Ang ama naman nya ay nakaupo gilid ng isa pang bed na hula nya ay bakante. "Gising kana anak?" Nakangiting puna ng kanyang ama dahil ito ang unang nakapansin sa kanya. Lumipat ang tingin nya dito saka uli tumingin sa ina at kay Angel na nakatingin na din sa kanya. Agad na dinala ng kanyang ina si Angel sa bed nya dahil tinuturo sya nito. Inut inot syang bumangon. Agad namang umalalay ang ina nya ng maibaba na si Angel sa tabi nya. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong nito habang inaayos ang

