"Ano ba kasi ang nangyari kanina sa hacienda at bakit ganon ang kapatid ninyong dumating dito?" Nag aalalang tanong ni Mama Cora sa dalawang anak na lalaki. Hindi na sila nakabalik sa hacienda dahil nag aalala rin sila kay Stephan. Bigla nalang itong tumawag sa kanila tapos nagyaya ng umuwi. Bigla daw sumama ang pakiramdam nito. "Hindi rin namin alam Ma. Okey naman sya ng pumunta kami doon kanina." Sagot naman ni Steven. "Ano na naman kaya ang nangyari don. Ang konti lang ng kinain nya tapos halata pang galing sya sa pag iyak." Hindi mapakaling sabi ni Mama Cora. "Huwag na kayong mag alala Ma. Dadalhan namin sya ng pagkain at hindi namin sya titigilan hangga't hindi sya kumakain." Pagpapanatag naman ni Sherwin sa ina. Papahapon na din kaya hindi ito pwedeng hindi kumain. Nagpahand

