"Buntis. Hindi kapa ba tapos?!" Nasa boses ng kanyang kuya Sherwin ang pagkainip habang kinakalampag nito ang pintuan ng kanyang kwarto. Pinipihit nito ang doorknob pero nailock pala nya kanina. "Ilang besis na namin sayong sinabi na huwag na huwag kang maglalock ng pintuan, bakit nakalock na naman ito." Inis na tanong nito na mas lalong kinalampag iyon. Lagot na naman ako nito. Bulong nya. Minsan na kasi syang nadulas sa loob ng banyo at dahil nagpanic sya ay nagsisigaw sya pero hindi makapasok ang mga ito dahil nakalock ang kanyang pintuan. Buti nalang at naitukod pa nya ang kanyang kamay bago bumagsak ang kanyang pwetan. Kaya iyon. Dinala na naman sya sa hospital dahil namaga ang kamay nya. "Nandyan na!" Sigaw nya na mas binilisan ang kilos kahit nahihirapan sya. Para tuloy syang pa

