Hindi mapigilan ni Shawn ang sarili na napasuntok sa pader ng malaman ang kalagayan ng kapatid. Kahit ang dalawa ay nagtatangis din. Nakayuko si Steven habang sapo sapo ang ulo at si Sherwin naman ay nasa tabi ng wala paring malay na bunso nila. Hawak hawak nito ang kamay ng dalaga yumuyog ang balikat nito. Ang kanilang ama ay mapula din ang mata habang yakap yakap nito ang kanilang ina. Tanging ang paghikbi lang ng kanilang ina ang naririnig sa loob ng kwarto. Dinala na naman nila sa hospital ang kanilang bunso dahil bigla itong nawalan ng malay kanina sa loob ng CR at tumama pa ang ulo nito sa lababo dahil hindi agad ito naagapan ng kanilang ina. At iyon nga. Ayon sa test na ginawa dito ay buntis ito. Isa uling sipa at hampas sa pader ang ginawa nya. "Bakit hindi mo sinabi sa am

