"Emm.." Napaungol si Stephan ng makaramdam sya ng kirot. Pakiramdam nya ay lasog lasog ang katawan nya dahil parang hindi nya kayang gumalaw dahil sa bigat at sakit ng kanyang pakiramdam. Parang galing sya sa mahabang pagkakatulog. "Anak? Anak gising kana?" Tanong ng boses. Ma? Para tuloy ayaw nyang gumising. Tinig kasi iyon ng kanyang ina. Kung nananaginip lang ako sana hindi pa ako magising. Gusto ko pang makasama si mama. Miss na miss ko na sya. Usal nya sa isip. "Anak? Gising kana? May masakit pa ba sayo?" Tanong uli nito kaya napaungol sya. Gusto nyang sabihing mama pero parang hindi nya kayang ibuka ang bibig. "Gising na sya Ma?" Tinig ng kanyang kuya. Napangiti sya. Nandito sila. Dinalaw nila ako? Parang nakalimutan nya ang sakit na kanyang nararamdaman. "Shawn anak, sa

