bc

The Crush I Never Told

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
fated
drama
sweet
serious
mythology
like
intro-logo
Blurb

Hindi ko siya sinadyang mahalin.Hindi rin niya sinadyang maramdaman iyon para sa’kin.Si Paul—yung tahimik na dumating sa buhay ko na parang walang ibig sabihin… pero unti-unting naging lahat.Hanggang sa naging kami ng mga sandaling halos,mga tingin na may ibig sabihin,at mga salitang hindi nasabi sa tamang oras.Pero paano kung ang tadhana mismo ang pumigil sa amin?Paano kung kailangan muna naming magkalayo… para malaman kung babalik pa kami sa isa’t isa?At kung babalik man siya…hihintayin ko pa rin ba siya?O matututo akong kalimutan ang “kami” na hindi naman naging totoo?

chap-preview
Free preview
The Crush That I Never Told
Hindi ko siya sinadyang mahalin. Hindi rin niya sinadyang maramdaman iyon para sa’kin. Si Paul—yung tahimik na dumating sa buhay ko na parang walang ibig sabihin… pero unti-unting naging lahat. Hanggang sa naging kami ng mga sandaling halos, mga tingin na may ibig sabihin, at mga salitang hindi nasabi sa tamang oras. Pero paano kung ang tadhana mismo ang pumigil sa amin? Paano kung kailangan muna naming magkalayo… para malaman kung babalik pa kami sa isa’t isa? At kung babalik man siya… hihintayin ko pa rin ba siya? O matututo akong kalimutan ang “kami” na hindi naman naging totoo? Chapter 1: Simula ng Hindi Ko Ala Hindi ko naman siya napansin agad. Sa dami ng tao sa classroom namin, isa lang siya sa mga mukha na dumaan sa paningin ko—walang espesyal, walang kakaiba. O iyon ang akala ko. “Class, we have a new student,” sabi ng teacher namin habang nakatayo ako sa gilid, nag-aayos ng notebook ko. Hindi ko na sana siya papansinin, pero napatingin ako nang marinig ko ang mahinang bulungan ng mga kaklase ko. Pagtingala ko, doon ko siya unang nakita. “Hi, I’m Paul.” Simple lang. Walang effort. Pero ewan ko—parang may kakaibang dating. Hindi siya yung tipo na maingay o nagpapapansin. Tahimik lang siya habang naglalakad papunta sa bakanteng upuan sa harap. Sa harap ko. Simula noon, hindi ko na namalayan… na napapansin ko na pala siya. Kung paano siya madating parang laging nagmamadali. Kung paano siya tumawa mahina lang, pero totoo. At kung paano siya minsang lumingon sa likod… na parang hinahanap kung may nakatingin sa kanya. At sa tuwing magtatagpo ang mga mata namin ako agad ang umiiwas. Hindi dahil ayoko. Kundi dahil natatakot ako. Hindi ko pa alam kung bakit. Hindi ko pa alam kung ano ‘to. Pero sigurado ako sa isang bagay dito nagsimula ang lahat. At dito rin… magsisimula ang mga bagay na hindi ko kailanman nasabi. Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero unti-unti, nasasanay na akong nandiyan siya. Araw-araw, pare-pareho ang eksena. Maaga akong pumapasok sa classroom, uupo sa pwesto ko sa likod… at ilang minuto lang, maririnig ko na ang mahinang tunog ng pagbukas ng pinto. Hindi ko man siya tingnan, alam kong siya na iyon. Si Paul. “Good morning,” mahina niyang bati minsan sa katabi niya. Hindi para sa’kin. Pero sapat na iyon para mapangiti ako nang hindi niya alam. Isang araw, nagkaroon ng group activity sa klase namin. “Group yourselves into four,” sabi ng teacher. Nagkagulo ang lahat. May mga agad naghanap ng kaibigan, may mga nagtawanan, may mga nag-unahan. At ako? Tahimik lang. Sanay na akong mapunta kung saan may kulang. “Mitch, dito ka na sa amin,” tawag ng kaklase ko. Lalakad na sana ako papunta sa kanila nang bigla kong marinig ang boses na hindi ko inaasahan. “Pwede bang siya na lang?” Napalingon ako. Si Paul. Tinitingnan niya ang teacher habang nakaturo… sa akin. Parang huminto ang mundo ko saglit. “Okay,” sagot ng teacher. “You four, one group.” Hindi ko alam kung paano ako nakalakad papunta sa kanila. Hindi ko alam kung paano ako nakaupo sa tabi niya. Ang alam ko lang sobrang lapit niya. “Hi,” mahinang sabi niya habang inaayos ang papel niya. “Ikaw si Mitch, ‘di ba?” Parang biglang naging mahirap huminga. “O-oo…” halos pabulong kong sagot. Ngumiti siya. Yung simpleng ngiti na parang walang ibig sabihin pero sa’kin, parang ang daming sinasabi. “Groupmates na pala tayo,” dagdag niya. At doon ko naramdaman yung bagay na matagal ko nang iniiwasan. Hindi na lang ito simpleng pagtingin. Hindi na lang ito curiosity. May nararamdaman na ako. At natatakot ako. Dahil sa bawat segundo na magkasama kami lalo lang akong nahuhulog. “Anong part gusto mo?” tanong niya, tinuturo ang activity namin. Hindi ko agad nasagot. Hindi dahil hindi ko alam. Kundi dahil hindi ko kayang alisin ang tingin ko sa kanya. “Anything,” sabi ko na lang, pilit binabalik ang sarili sa realidad. “Okay, sa’yo na lang ‘to. Mukhang magaling ka naman,” sabi niya habang inaabot ang papel. At sa simpleng sandaling iyon sa simpleng pagtitiwala niya hindi ko napigilang umasa. Na baka… kahit kaunti… may ibig sabihin din ako sa kanya. Lumipas ang mga araw na halos pare-pareho. Group discussions. Tahimik na tawanan. Minsan, simpleng usapan. “Gusto mo ba ng candy?” tanong niya isang beses. Hindi ko alam kung bakit parang malaking bagay iyon. “Sure,” sagot ko, pilit pinipigilan ang ngiti ko. “Mahilig ka ba sa matamis?” tanong niya ulit. “Depende,” sabi ko. “Sa tao.” Napatingin siya sa akin. At sa unang pagkakataon natawa siya nang medyo malakas. “Ang corny mo,” sabi niya. “Mana lang,” sagot ko, hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob. At doon sa simpleng palitan ng biro parang naging mas madali ang lahat. Mas naging komportable. Mas naging totoo. Pero habang tumatagal mas lalong lumilinaw sa’kin ang isang bagay. Hindi ko siya kayang ituring na simpleng kaibigan lang. Hindi na. Dahil sa bawat ngiti niya may kapalit na t***k ng puso ko. Sa bawat paglapit niya may kasamang pag-asa na hindi ko dapat maramdaman. At sa bawat sandaling magkasama kami unti-unti kong naiintindihan ang totoo. Nahuhulog na ako sa kanya. At ang pinakamasakit? Hindi ko alam kung nahuhulog din ba siya sa akin. O isa lang ako sa mga taong nakapaligid sa kanya. At walang espesyal na lugar sa puso niya. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin. O sadyang may mga bagay lang na hindi sinasabipero ramdam. Simula nung naging magka-group kami, mas naging madalas ang pag-uusap namin ni Paul. Simple lang. “May assignment ka ba?” “Anong sagot mo dito?” “Pwede patingin?” Pero sa likod ng mga simpleng tanong na iyon may mga sandaling hindi ko maipaliwanag. Mga tingin na tumatagal ng ilang segundo. Mga ngiti na parang may gustong sabihin. At mga katahimikan na hindi awkward… kundi puno ng kung ano mang hindi namin masabi. Pero habang lumalapit siya may bahagi sa kanya na parang… lumalayo. Napansin ko iyon isang hapon. Uwian na. Halos wala nang tao sa classroom. Nagtatapos na ako sa pagsusulat nang mapansin kong nandiyan pa rin siya sa harap. Tahimik. Hindi gumagalaw. Parang may iniisip. “Paul?” tawag ko. Bahagya siyang napalingon, parang nagulat. “Ah… oo?” sagot niya. “Okay ka lang?” Ngumiti siya—pero hindi iyon yung ngiti na nakasanayan ko. “Okay lang,” sabi niya. Pero alam kong hindi. Ewan ko kung bakit, pero pakiramdam ko hindi niya sinasabi ang totoo. “Sure ka?” tanong ko ulit, mas mahina na. Saglit siyang natahimik. Tumingin siya sa akin diretso. At sa mga mata niyang iyon, may nakita ako. Pagod. At… lungkot. “May mga bagay lang talaga na…” naputol ang sasabihin niya, saka umiwas ng tingin. “Hayaan mo na.” At doon ko naramdaman yung distansyang hindi ko maabot. Gusto ko siyang tanungin. Gusto kong malaman kung anong problema niya. Pero sino ba ako para manghimasok? Kaibigan lang naman ako. Groupmate. Walang karapatan. “O-okay…” sabi ko na lang, kahit ang dami kong gustong itanong. Nag-empake na siya ng gamit niya. Akala ko aalis na siya agad. Pero bago siya tuluyang tumayo bigla siyang nagsalita. “Mitch.” Napatingin ako. “Salamat,” sabi niya. “Para saan?” “Sa… pagiging nandiyan,” sagot niya, mahina. Parang biglang bumilis ang t***k ng puso ko. “Wala naman akong ginagawa,” sabi ko. “Meron,” sagot niya. “Hindi mo lang alam.” At bago pa ako makapagsalita tumayo na siya. Pero hindi siya agad umalis. Nakatayo lang siya sa tabi ng upuan ko. Sobrang lapit. Mas malapit kaysa dati. Hindi ko alam kung ako ba ang unang tumingin o siya. Basta ang alam ko nagtagpo na naman ang mga mata namin. At sa pagkakataong iyon… hindi ako umiwas. Tahimik ang buong classroom. Naririnig ko ang sariling t***k ng puso ko. At pakiramdam ko, naririnig din niya. Unti-unti siyang yumuko palapit. Napahawak ako sa gilid ng mesa. Hindi ko alam kung anong mangyayari. Hindi ko alam kung tama ba ‘to. Pero hindi rin ako gumalaw. Hanggang sa “Mitch!” Biglang bumukas ang pinto. Napaatras siya agad. Parang may naputol. “Uy, uwi na tayo!” sigaw ng kaklase ko. Biglang bumalik ang ingay. Biglang bumalik ang realidad. “A-ah… oo,” sagot ko, pilit inaayos ang sarili ko. Hindi na ulit nagsalita si Paul. Hindi na siya tumingin sa akin. At bago pa ako makabawi nauna na siyang lumabas. Iniwan ako kasama ang tanong na hindi ko masagot. Ano sana ang mangyayari kung hindi iyon naputol? At mas lalo ano ba talaga ang nararamdaman niya? Dahil sa sandaling iyon… sigurado ako sa isang bagay. Hindi lang ako ang may nararamdaman. Pero hindi rin ako sigurado— kung hanggang saan lang iyon. At kung may patutunguhan ba. The Crush That I Never Told Chapter 4: Ang Panahong Hindi Pa Para Sa Amin May mga bagay talagang dumarating hindi para manatili. Kundi para turuan ka lang kung paano magmahal… kahit hindi sigurado. Hindi ko inaasahan na darating kami sa puntong ito. Akala ko, mananatili lang kami sa simpleng usapan. Sa tahimik na kilig. Sa mga sandaling halos… pero hindi natutuloy. Pero mali ako. Dahil isang araw nagbago ang lahat. “Class, I have an announcement,” sabi ng teacher namin. Tahimik ang buong silid. “Some of you will be transferred to another section due to schedule adjustments.” Parang normal lang. Walang kaba. Walang malisya. Hanggang sa… tinawag ang pangalan ko. “Mitch.” Parang may kumurot sa puso ko. “Ma’am…?” mahina kong sagot. “You’ll be moved starting next week.” Hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang pakiramdam ko. Hindi naman ako dapat maapektuhan. Section lang naman iyon. Parehong school pa rin. Makikita ko pa rin siya… siguro. Pero bakit parang may nawawala? Dahan-dahan akong napalingon sa harap. Kay Paul. Tahimik lang siya. Hindi siya lumingon. Hindi siya nagsalita. At hindi ko alam kung mas masakit ba iyon o kung mas masakit yung umaasa akong may gagawin siya. Lumipas ang araw na iyon na parang ang bagal ng oras. Gusto kong kausapin siya. Gusto kong magpaalam. Gusto kong itanong kung may ibig ba ako sa kanya. Pero wala akong lakas ng loob. Hanggang sa dumating ang huling araw ko sa section. Maaga akong pumasok. Tahimik. Parang may hinihintay. At tulad ng dati dumating siya. Si Paul. “Good morning,” bati niya. Normal. Parang walang magbabago. “Good morning,” sagot ko, pilit ngumiti. Hindi ko alam kung sasabihin ko na ba. Kung aamin na ba ako. O kung mananatili na lang akong tahimik habang may pagkakataon pa. Lumipas ang klase. Isa-isa nang nagsialisan ang mga kaklase namin. Hanggang sa kami na lang ulit ang natira. Parang pamilyar na eksena. Parang inuulit lang ang dati. “Mitch.” Tinawag niya ang pangalan ko. Napatingin ako. “Lilipat ka na raw?” tanong niya. Tumango ako. “Yeah…” Tahimik. Mabigat. “Ah… okay,” sabi niya. Okay? Ganun lang? Parang may kung anong nabasag sa loob ko. “Ganun lang?” hindi ko napigilang tanungin. Napatingin siya sa akin, parang nagulat. “Ano ibig mong sabihin?” “Wala…” umiwas ako ng tingin. “Akala ko lang kasi…” Hindi ko na tinuloy. Hindi ko kayang sabihin. “Mitch…” mahina niyang tawag. “Tingin ka sa’kin.” Ayokong tumingin. Dahil baka kapag ginawa ko hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Pero tumingin pa rin ako. At sa pagkakataong iyon iba ang mga mata niya. May lungkot. May pagpigil. “Hindi lang ‘to basta okay,” sabi niya. “Eh bakit parang wala lang sa’yo?” sagot ko, halos pabulong. “Hindi mo kasi alam…” napahinto siya. “Hindi mo alam kung gaano kahirap “Then sabihin mo!” napataas ang boses ko. “Sabihin mo sa’kin, Paul!” Tahimik. Saglit. Parang may laban sa loob niya. Pero sa huli umiling siya. “Hindi pwede,” sabi niya. At doon ko tuluyang naramdaman yung sakit na matagal ko nang iniiwasan. “Bakit?” tanong ko. Pero hindi na siya sumagot. Sa halip lumapit siya. Hindi kasing lapit ng dati. Mas malapit. Sobrang lapit na halos maramdaman ko ang hininga niya. “Mitch… kung pwede lang…” bulong niya. “Pero hindi pa ngayon.” Parang may luhang gustong kumawala. “Anong hindi pa ngayon?” tanong ko, nanginginig ang boses. Hindi siya sumagot agad. Sa halip, tiningnan niya ako na parang gusto niya akong tandaan. “Kung para tayo sa isa’t isa…” mahina niyang sabi, “darating yung panahon.” At bago pa ako makapagsalita lumayo na siya. Iniwan ako kasama ang mga salitang hindi ko alam kung paniniwalaan ko. Lumipas ang mga araw. Lumipat ako ng section. Naging tahimik ulit ang mundo ko. Wala na ang simpleng “good morning.” Wala na ang mga tingin. Wala na siya. At doon ko lang tuluyang naintindihan na minsan, kahit gusto niyo ang isa’t isa… hindi ibig sabihin na pwede na. Minsan, kailangan niyong magkalayo. Hindi dahil hindi kayo para sa isa’t isa kundi dahil hindi pa iyon ang tamang panahon. At ako? Mananatili ako sa pagitan ng kahapon at ng “baka.” Umaasang kung totoo ang sinabi niya magkikita ulit kami. Sa panahong handa na. Sa panahong pwede na. Sa panahong hindi na kailangang itago ang nararamdaman. Dahil sa ngayon… siya pa rin ang crush na hindi ko kailanman nasabi. Pagitan ng Paglisan at Pagbabalik May mga alaala talagang kahit pilit mong iwan— kusang bumabalik. Hindi mo kailangan hanapin. Hindi mo kailangan isipin. Bigla na lang silang sumusulpot… sa pinaka-hindi mo inaasahang pagkakataon. Lumipas ang mga buwan. Unti-unting nasanay ang lahat. Nasanay akong wala siya. Nasanay akong hindi na siya nakikita araw-araw. Nasanay akong hindi na umaasa. O iyon ang akala ko. Dahil kahit anong gawin ko may mga bagay talagang hindi nagbabago. Katulad ng paraan ng pagtibok ng puso ko sa tuwing maririnig ko ang pangalan niya. “Uy, kilala mo si Paul?” tanong ng kaklase ko isang araw. Parang may kung anong kumabog sa dibdib ko. “Bakit?” pilit kong pinakalma ang sarili ko. “Nasa kabilang section siya, ‘di ba? Sikat siya doon. Ang daming may gusto sa kanya.” Ngumiti lang ako. Yung tipong sanay na. “Ah… ganun ba.” Pero sa loob ko may kirot. Hindi dahil may gusto sa kanya ang iba. Kundi dahil hindi na ako parte ng mundo niya. Lumipas ang panahon. Hindi ko namalayan nagbago na rin ako. Mas naging tahimik. Mas naging maingat. At mas natutong itago ang nararamdaman. Hindi na ako yung Mitch na madaling kiligin. Hindi na ako yung Mitch na umaasa sa mga tingin. Kasi natutunan ko na hindi lahat ng nararamdaman, kailangang sabihin. At hindi lahat ng gusto mo para sa’yo. Hanggang sa dumating ang araw na hindi ko inaasahan. Isang school event. Maraming tao. Maingay. Masaya. Nandun ako, kasama ang mga bago kong kaibigan, pilit nakikisabay sa ingay at saya ng paligid. Pero kahit anong gawin ko parang may kulang. Parang may hinahanap ang mga mata ko. At bago ko pa mapigilan ang sarili ko napalingon ako. At doon ko siya nakita. Si Paul. Parang tumigil ang mundo ko. Ilang buwan na pero parang kahapon lang. Ganun pa rin siya. Ganun pa rin ang tindig. Ganun pa rin ang aura. Pero may nagbago. Mas naging tahimik siya. Mas seryoso. At parang mas malayo. Hindi ko alam kung nakita niya ako. Hindi ko alam kung napansin niya ang pagtitig ko. Pero sa sandaling iyon wala akong ibang ginawa kundi titigan siya. Na parang binubuo ulit sa isip ko ang lahat ng nawala. Hanggang sa bigla siyang napalingon. Nagtagpo ulit ang mga mata namin. At sa isang iglap bumalik ang lahat. Yung kaba. Yung saya. Yung sakit. Yung mga salitang hindi ko nasabi. Hindi siya ngumiti. Hindi rin ako. Pero sa mga mata niya may nakita ako. Pamilyar. Pareho pa rin. At doon ko na-realize kahit gaano katagal… kahit gaano kalayo… may mga bagay talagang hindi nagbabago. Hindi siya lumapit. Hindi rin ako gumalaw. Pareho lang kaming nakatayo sa magkaibang parte ng mundo na minsang pinagtagpo. Hanggang sa may tumawag sa kanya. Lumihis ang tingin niya. At nang bumalik ako sa realidad wala na siya sa harap ko. Parang panaginip lang. Parang saglit na alaala. Pero sapat iyon para ipaalala sa’kin na hindi pa tapos ang kwento namin. Hindi pa. Dahil kung totoo ang sinabi niya noon na darating ang panahon siguro… ito na ang simula. Hindi pa man kami nag-uusap. Hindi pa man kami nagkakalapit. Pero sa simpleng pagtatagpo ng mga mata namin may isang bagay akong sigurado. Hindi pa nawawala ang lahat. At marahil hindi pa rin nawawala ang nararamdaman namin sa isa’t isa. Sa pagitan ng paglisan at pagbabalik nandoon kami. Tahimik. Naghihintay. Umaasang sa susunod na magkita kami hindi na kami basta magdadaan lang sa isa’t isa. Kundi magtatagal. At sa pagkakataong iyon baka… pwede na. Chapter 6: Sa Muling Pagharap May mga pagkakataon talagang kahit pilit mong iwasan ikaw mismo ang ibinabalik. Akala ko, sapat na yung makita ko siya. Akala ko, okay na ako sa simpleng sulyap. Pero mali ako. Dahil simula nung gabing iyon hindi na siya nawala sa isip ko. Si Paul. Yung paraan ng pagtitig niya. Yung katahimikan sa pagitan namin. At yung pakiramdam na may hindi pa tapos. Ilang araw akong nag-isip. Kung lalapitan ko ba siya. Kung kakausapin ko ba siya. O kung hahayaan ko na lang ulit na maging alaala ang lahat. Pero sa huli napagod na akong tumakbo. Kaya nung isang hapon, matapos ang klase naglakad ako papunta sa dati naming hallway. Yung lugar kung saan nagsimula ang lahat. Hindi ko alam kung nandoon siya. Hindi ko alam kung magkikita kami. Pero parang may kung anong nagtulak sa’kin na pumunta. At hindi nga ako nagkamali. Nandoon siya. Nakatayo sa may bintana. Tahimik. Mag-isa. Parang may iniisip na naman. Parang dati. Huminga ako nang malalim. “Mitch, kaya mo ‘to,” bulong ko sa sarili ko. At dahan-dahan akong lumapit. “Paul.” Napalingon siya. At sa pagkakataong iyon wala nang takasan. Wala nang iwasan. Nakaharap na kami sa isa’t isa. “Mitch…” mahina niyang sabi, parang hindi makapaniwala. “Hi,” pilit kong ngumiti. Saglit kaming natahimik. Parang parehong hindi alam kung saan magsisimula. “Kanina pa kita nakikita sa school event… the other day,” sabi niya. “Bakit hindi ka lumapit?” Napangiti ako ng bahagya. “Bakit hindi ikaw?” sagot ko. Parang napaisip siya. “Tama ka,” sabi niya. “Siguro… pareho lang tayong natakot.” Tumango ako. “Yeah… siguro.” Tahimik ulit. Pero hindi na katulad ng dati. Hindi na siya awkward. Mas… mabigat. Mas totoo. “Kamusta ka?” tanong niya. “Okay lang,” sagot ko. “Ikaw?” “Ganun pa rin.” Ngumiti siya, pero may lungkot pa rin sa mga mata niya. At doon ko naisip hanggang ngayon, may tinatago pa rin siya. “Paul…” sabi ko, medyo nanginginig ang boses. “Tungkol doon sa sinabi mo dati…” Napatingin siya sa’kin. Yung seryosong tingin na hindi ko makalimutan. “Yung ‘hindi pa ngayon’?” tanong niya. Tumango ako. “Ano bang ibig sabihin nun?” Tahimik. Saglit. Parang may laban na naman sa loob niya. Pero this time hindi na siya umiwas. “May mga bagay kasi na kailangan kong ayusin,” sabi niya. “Hindi ko pwedeng idamay ka sa mga problema ko.” “Anong problema?” tanong ko agad. Umiling siya. “Hindi pa rin pwede, Mitch.” Parang bumalik ang sakit. “Hanggang ngayon?” mahina kong tanong. Tumango siya. “Hanggang ngayon.” Napapikit ako saglit. Pinipigilan ang sarili. Pinipigilan ang tanong na matagal ko nang gustong itanong. Pero hindi ko na napigilan. “May… nararamdaman ka ba sa’kin?” Diretso. Wala nang paligoy-ligoy. Wala nang takot. Tahimik. Napakatagal na katahimikan. Hanggang sa “Meron.” Isang salita. Pero sapat para pabagalin ang mundo ko. Dahan-dahan akong napatingin sa kanya. At sa pagkakataong iyon wala nang pagtatago. “Matagal na,” dagdag niya. “Simula pa lang.” Parang may luhang gustong pumatak. “Eh bakit…” hindi ko natapos ang tanong ko. “Bakit hindi mo sinabi?” Ngumiti siya—pero masakit. “Dahil alam kong hindi pa pwede,” sagot niya. “Dahil kung sisimulan ko ‘to nang hindi ako handa… baka masaktan lang kita.” “Eh hindi ba mas masakit ‘to?” sagot ko, halos pabulong. Napatingin siya sa’kin. At sa unang pagkakataon parang nahirapan siyang sumagot. “Alam ko,” sabi niya. “At sorry.” Isang salitang hindi ko gustong marinig. Pero kailangan. “Mitch…” lumapit siya ng konti. “Kung pwede lang talaga…” Hindi ko na siya pinatapos. “Pero hindi pa ngayon,” dugtong ko. Tumango siya. “Hindi pa ngayon.” Tahimik. Pero sa katahimikang iyon may malinaw na katotohanan. Pareho naming alam ang nararamdaman. Pero pareho rin naming alam na hindi pa iyon sapat. “Kung darating yung panahon…” sabi ko, pinipilit maging matatag, “siguro… pwede na.” Tinitigan niya ako. Na parang ayaw niyang kalimutan ang bawat detalye. “Maghihintay ako,” sabi niya. Parang bumigat ang puso ko. “Wag,” sagot ko agad. Nagulat siya. “Wag kang maghintay,” ulit ko. “Kung para talaga tayo sa isa’t isa… mangyayari yun kahit hindi tayo maghintay.” Tahimik siyang nakatingin sa’kin. Hanggang sa ngumiti siya. Yung totoong ngiti. “Ang lakas mo,” sabi niya. “Hindi,” sagot ko. “Natuto lang.” At sa pagkakataong iyon pareho kaming ngumiti. Hindi dahil masaya. Kundi dahil tanggap na namin. Na minsan kahit mahal niyo ang isa’t isa kailangan niyong bitawan. Hindi dahil ayaw niyo. Kundi dahil iyon ang tama. “See you around, Mitch,” sabi niya. “See you,” sagot ko. At sa simpleng paalam na iyon walang kasiguraduhan. Walang pangako. Pero may pag-asa. Na balang araw hindi na kami magpapaalam. Kundi magsisimula. “Hi,” sabi niya lang. Simple. Maikli. Pero parang ang bigat sa dibdib ko. Hindi ako agad nakasagot. Yung utak ko parang nagka-error. “Okay ka lang?” tanong ng isa kong kakagrupo, napansin yata na natahimik ako. “Ah… oo,” sagot ko agad kahit hindi ako sure. Umupo na kaming lahat sa table. Pero ang totoo, hindi ako nakafocus sa activity. Lahat ng sinasabi nila parang background noise lang. Siya… nasa harap ko lang. Paminsan-minsan tumitingin siya sa papel, minsan sa groupmates namin… pero hindi niya ako tinititigan nang matagal. Pero kahit ganon, pakiramdam ko alam niya na kinakabahan ako. “Anong sagot dito?” tanong niya, biglang nilapit yung papel sa gitna ng table. Napaatras ako ng konti. “Ah… siguro yung C?” sabi ko mahina. Tumingin siya sa akin saglit. “Sure ka?” Tumango ako, kahit hindi ako sure sa sarili ko. Bigla siyang ngumiti ng konti. “Okay.” Isang salita lang. Pero para sa akin… parang grabe na yung impact noon. Habang ginagawa namin yung activity, napapansin ko na mas dumadaldal siya sa iba. Normal lang siya. Kalma. Parang walang pressure. Ako lang yung hindi normal. Ako lang yung kabado. Pagkatapos ng group work, tumunog ulit ang bell. “Pass your papers,” sabi ng teacher. Nagsitayuan na lahat. Habang inaayos ko yung gamit ko, narinig ko siya sa likod ko. “Good job sa group,” sabi niya. Napalingon ako. Ngumiti siya ulit. “Thanks… sa help.” Hindi ko alam kung anong isasagot ko, kaya tumango na lang ako. Paglabas niya ng classroom, doon ko lang narealize… Hindi man niya alam… Pero sa simpleng “hi” niya kanina… Parang nagbago na yung buong araw ko. Kinabukasan, maaga akong pumasok. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may part sa’kin na umaasang mauulit yung nangyari kahapon. Yung group work… yung “hi”… yung ngiti niya. Pagpasok ko sa classroom, tahimik pa ang lahat. Pero ilang minuto lang, unti-unti nang dumating ang mga kaklase ko. At siya… huling dumating. Huminto siya saglit sa pintuan, naghanap ng upuan gamit yung tingin niya. Tapos… tumapat siya sa pwesto niya. Sa likod ulit. Pero bago pa siya maupo, napatingin siya sa direksyon ko. Saglit lang. Pero malinaw. Tapos umupo na siya. “Bakit parang tumingin siya?” bulong ko sa sarili ko. Kinabahan na naman ako kahit wala namang nangyayari. Nagsimula ang klase. Pero mas madalas ko na siyang napapansin. Kapag natawag yung attendance, sumasagot siya ng maayos. Kapag may activity, active siya. Normal lang siya sa lahat… Pero hindi sa akin. Kasi sa bawat galaw niya, napapansin ko na lahat. Bandang recess, nagulat ako nang biglang may lumapit sa table namin. “May extra pen kayo?” tanong niya. Siya. Tumayo ako agad kahit hindi ako tinatanong. “Ah—oo, sandali,” sabi ko sabay kuha ng ballpen ko. Inabot ko sa kanya. “Salamat,” sabi niya. “Wala… okay lang,” sagot ko agad. Ngumiti siya konti. Tapos umalis na. Simple lang. Pero para sa’kin… yung simpleng paglapit niya, parang sobrang big deal na. Pagbalik niya sa pwesto niya, hindi na ako nakafocus sa kahit ano. “Bakit ganito?” bulong ko sa sarili ko. “Bakit kahit maliit na bagay lang… sobrang apekto sa’kin?” Hindi ko alam kung bakit, pero simula nung araw na naghingi siya ng pen, parang may nagbago sa routine ko. Hindi siya naging mas madaldal sa’kin… pero mas napapansin ko na siya. Mas madalas na siyang dumadaan sa table namin. Mas madalas na siyang tumitingin sa direksyon ko… kahit saglit lang. At sa bawat saglit na ‘yon, parang humihinto yung oras ko. Kinabukasan, maaga ulit ako pumasok. Tahimik pa ang classroom. May iilan pa lang na estudyante. Umupo ako sa pwesto ko at inilabas ang notebook ko, pero hindi ako agad nagsusulat. Nakatitig lang ako sa pinto. Hindi ko alam kung bakit… pero parang inaabangan ko siya. “Grabe naman ‘to,” bulong ko sa sarili ko. “Parang baliw na ata ako.” Ilang minuto pa, nagsimula nang dumami ang tao sa classroom. At gaya ng dati… huli na naman siyang dumating. Nakasuot lang siya ng simpleng uniform, buhok medyo magulo dahil siguro sa pagtakbo. Huminto siya sa may pinto, huminga nang malalim, tapos pumasok. Pagdaan niya sa aisle, napansin kong napatingin siya sa akin. Hindi ako agad umiwas. Nagkatitigan kami. Saglit lang. Pero sapat na para kabahan ako nang sobra. Tapos siya na ang unang umiwas ng tingin. Umupo siya sa likod. Pero sa utak ko, parang replay yung tingin niya. “Okay class, group activity ulit,” sabi ng teacher. Napabuntong hininga ako. “Group 2…” Isa-isa niyang binasa ang pangalan. Hanggang sa… “Group 2: ikaw, ikaw… at ikaw.” Tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang huling pangalan. Siya. Kasama ko ulit siya. Hindi ko alam kung matutuwa ako o kakabahan. Siguro pareho. Lumipat kami sa isang table sa gitna ng classroom. Tahimik siya habang inaayos ang upuan niya. Ako naman, hindi alam kung saan ilalagay ang kamay ko. “Okay lang ba kung dito ako?” tanong niya habang tinuturo yung harap ko. “Ah… oo,” sagot ko agad. Umupo siya. At sa unang pagkakataon, mas malapit siya kaysa dati. Ramdam ko yung presensya niya. Nagsimula na ang activity. “Anong sagot dito?” tanong niya habang nakatingin sa worksheet. Lumapit ako ng konti para makita. “Ah… parang letter B,” sabi ko. Tumango siya. “Okay.” Tahimik ulit. Pero hindi awkward yung tahimik. Parang… komportable. Habang nagtatrabaho kami, napansin ko na mas madalas na siyang tumitingin sa notes ko kaysa sa ibang groupmates. “Marunong ka pala dito,” sabi niya bigla. Napatingin ako sa kanya. “Ha? Hindi naman… nagkataon lang,” sagot ko. Ngumiti siya ng konti. “Parang hindi naman.” Napahiya ako ng slight. Pero weird… hindi ako nainis. Kinilig ako. Bandang huli ng activity, sabay naming tinapos yung answers. “Okay na ‘to,” sabi niya. Tumango ako. “Pass na natin.” Tumayo kami sabay. Habang papunta kami sa teacher, napansin kong magkatabi kami maglakad. Hindi sinasadya… pero hindi rin ako umiwas. Pagbalik namin sa upuan, bigla siyang nagsalita ulit. “Next time ulit, partner tayo?” Parang tumigil yung mundo ko. Napatingin ako sa kanya agad. “Ha?” Ngumiti siya. “Wala lang. Mas mabilis kasi tayo magkasundo sa sagot.” Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kaya tumango na lang ako. “Okay…” Pero sa loob ko… “Paano kung hindi lang sa activity ako masanay sa’yo?” Kinabukasan, hindi nawala sa isip ni Mitch yung nangyari kahapon. Yung simpleng “diyan” ni Paul… paulit-ulit niyang iniisip. Parang ang simple lang, pero bakit may bigat? Pagpasok niya sa classroom, nandoon na si Paul. Gaya ng dati, tahimik. Nakatingin lang sa notebook niya. Umupo si Mitch sa usual niyang upuan, pero ngayon, parang mas conscious na siya sa paligid. “Group activity ulit tayo,” sabi ng teacher. Napabuntong-hininga si Mitch. “Bakit parang lagi tayong napupunta sa group work?” bulong niya sa sarili. Pero nang binasa na ng teacher ang groups… Huminto ang lahat ng ingay sa isip niya. “Group 3: Mitch, Paul…” Napatingin siya agad sa likod. Si Paul, nakatingin lang sa harap, parang walang reaction. Lumipat sila sa isang table. Tahimik ulit. Pero ngayon, mas mabigat ang katahimikan. Si Mitch ang unang sumubok. “Anong sagot mo dito?” Tinignan ni Paul yung papel. “Depende.” Napakunot ang noo ni Mitch. “Depende saan?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The abandoned wife and her secret son

read
3.1K
bc

Tis The Season For My Revenge, Dear Ex

read
68.9K
bc

Burning Saints Motorcycle Club Stories

read
1K
bc

Mistletoe Miracle

read
6.3K
bc

Owned by My Husband's Boss

read
8.7K
bc

Road to Forever: Dogs of Fire MC Next Generation Stories

read
42.9K
bc

The Billionaire regret: Reclaiming his contract Bride

read
1.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook