Chapter 41

2878 Words

Monica’s Point of View DUMATING ang araw ng Sabado. Dahil mamayang gabi ang acquaintance party na dadaluhan namin ni John ay hindi naging bakante ang oras namin ngayong araw. Namumublema na rin ako dahil wala pa rin akong nahahanap na masusuot. Si John naman ay nabalitaan ko na lang na naroon siya sa bahay nina Gian ngayon dahil doon daw siya aayusan ng kaibigan. Wala akong choice kundi magpatulong na kay Chepai sa paghahanap ng masusuot kong damit. Mabuti na lang ay tinawagan niya si Ae at doon din humingi ng tulong. Matapos ang pag-uusap nilang dalawa sa cell phone ay sinabihan na lang ako ni Chepai na magbihis daw ako ng damit dahil pupunta kami sa mall. “Hoy! Wala akong pera pangbili ng damit. Alam mo naman na hindi pa binibigay sa amin ang allowance namin sa scholarship, ’di ba?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD