Chapter 20

2286 Words
Sheila’s Point of View Pagpatak ng alas singko ng hapon ay nakarating na ako sa facility kung saan ako laging nagpa-practice ng Taekwondo. Dahil wala rin ang coach ko na si Coach George ngayong araw, dumaretso lang ako sa loob. Kumaway pa ako sa guard na nasa lobby nang makapasok ako. “Good Afternoon, Guard,” masaya kong bati kay Manong Guard nang kawayan ko siya. “Good Afternoon, Ma’am Sheila,” bati rin niya sa akin. Nang makapasok ako sa loob, kaagad kong kinuha ang cell phone ko na nakalagay lamang sa dala kong sports bag. Naalala ko kasi bigla si Kent. Ang usapan namin ay alas singko kami magkikita. Pero pasado alas singko na at wala pa rin akong natatanggap na balita galing sa kanya. Magtitipa na sana ako upang padalhan siya ng text message nang marinig ko ang boses ni Manong Guard. “Sir Kent? Good Afternoon po!” Nang marinig ko ang pangalan ni Kent na sambit ni Manong Guard, hindi na ako nagdalawang-isip pa na lumingon doon. Tama nga ang hinala ko. Si Kent nga ’yong bagong dating. Napansin ko naman ang reaksyon ni Manong Guard nang makita niya si Kent. Gulat na gulat ito na para bang nakakita siya ng multo. Bukod sa kilala ako ni Manong Guard, mas kilala rin niya si Kent. Dito kasi sa facility na ito kami nagpa-practice ni Kent noong nagsisimula pa lang kami sa Taekwondo classes. Kaya hindi na ako magtataka pa kung bakit ganoon ang reaksyon ni Manong Guard nang makita niya si Kent kanina. Isang taon din itong nawala, ’di ba? Pagkapasok pa lamang ni Kent sa loob ay nakita na niya ako. Ngumiti ako sa kanya at kumaway. Wala akong natanggap na kahit na anong gesture sa kanya, pero bahala na kasi masaya ako na tinupad niya ang usapan naming dalawa ngayon. “Akala ko hindi ka na darating,” masaya kong tugon kay Kent nang makalapit na siya sa akin. Nakapamulsa ang isa niyang kamay sa suot niyang jeans at nakasuot siya ng itim na T-shirt. “Why would I do that? May usapan tayo,” sincere niyang sagot naman. “Oo nga naman.” Matapos akong magsalita, napansin ko naman ’yong postura niya. Hindi ko naman mapigilan na mapakunot ng noo dahil sa kasuotan niyang iyon. “Wait? What’s with the outfit? All black ka yata. Namatayan ka ba?” tanong ko. “Galing lang akong sementeryo. Binisita ko lang si Bianca,” he said. Ramdam ko sa boses niya ang lungkot kahit na pinipilit niya ang sarili na wala lang sa kanya ang sakit na nararamdaman. Kahit itago pa ni Kent iyan, alam kong hindi pa rin siya nakaka-move on kay Bianca. At ako naman… parang… parang nagseselos na naman ako. Ang tanga lang kasi pinagseselosan ko ’yong taong patay na. Napailing tuloy ako. Ayokong isipin iyan. Nakaka-negative ng mood, eh. “I see,” sabi ko na lang habang patuloy na nakangiti kay Kent. Pero inaamin ko naman sa sarili ko na naroon pa rin ’yong selos na nararamdaman ko para kay Bianca. Nang tingnan ko ang mga mata ni Kent, alam kong mahal pa rin niya talaga si Bianca kahit wala na ito. “Kung nasaan man si Bianca ngayon, I think she is proud of you right now,” dagdag ko pa. Ang martir ko sa part na ’to. “Why did you say that?” “Kasi, ’di ba, gustong-gusto niya na nakikita ka niyang mag-Taekwondo. At ngayong bumalik ka na sa hobby na ito, alam ko na masaya siya para sa iyo. Kaya ’wag ka ng malungkot diyan,” I said. “Nandito naman ako para sa iyo.” Gusto ko sanang idagdag ito pero hindi ko ginawa. Na-realize ko kasi na mukhang wala pa yata ako sa tamang oras para aminin sa kanya ang lahat. Kanina kasing umaga ay napag-isipan ko na what if umamin na ako sa nararamdaman ko para kay Kent. Nagtatalo ang isip at puso ko that time. At ang ending, naisip ko na huwag na lang muna at baka kung saan pa mapunta ang pagkakaibigan namin ni Kent kapag nalaman niya ang totoo. Natatakot din kasi ako na baka iwasan niya ako kapag nalaman niya na may gusto ako sa kanya. Ayokong mangyari iyon. Nakita ko na pilit lang siyang ngumiti sa akin. Maya-maya, may dumating na isang lalaki. Si Robe—ang bagong personal driver pala ng pamilya ni Kent. Nakilala ko siya no’ng isang araw na pinuntahan ko si Kent sa sementeryo. Bagong dating lang siya no’n galing ibang bansa. Doon ko nga nakilala si Robe. Napatingin si Kent sa katabi niya. Kinakausap na niya si Robe ngayon. “Why are you here?” masungit pa niyang tanong dito. “Kailangan po, Sir Kent. Utos ng daddy niyo po,” magalang na sagot naman ni Robe sa amo nito. “No need. Kaya ko ang sarili ko. Hindi mo kailangan maging loyal sa daddy ko. Personal driver ka lang, hindi body guard. Kaya puwede ba, umalis ka rito,” pagsusungit pang sabi ni Kent kay Robe na ikinagulat ko naman. Hindi ko iyon ini-expect kasi hindi naman ganyan kasungit si Kent noon. Nang makita ko ang pananahimik ni Robe, doon ko na kinalabit si Kent kasi ayoko ’yong tabas ng dila niya. “Uy! Ano ka ba? ’Wag kang ganiyan. Ano naman kung nandiyan si Robe. Maganda nga’ng nandiyan siya kasi may magbabantay sa iyo.” “No, I don’t. Lahat ng ginagawa ko ay lagi niyang sinasabi sa Daddy ko. Sino ang hindi maiirita sa ginagawa niya?” “Ikaw, ah. ’Wag kang ganyan sa driver mo. Ginagawa lang naman niya ng maayos ang trabaho niya, gano’n lang ’yon,” page-explain ko pa kay Kent. Napapansin ko naman si Robe na tumatango lang ng ulo upang sumang-ayon sa sinabi ko. Hindi na nagawa pa ni Kent na magsalita. Pinili na lamang niyang pigilan ang inis niya kay Robe at saka siya naunang naglakad papunta sa elevator. Tinawag ko siya pero hindi naman niya akong nililingon. Nang masundan namin siya ni Robe sa loob ng elevator, sinubukan kong kausapin siya pero hindi niya ako iniimik. Napabuntong-hininga na lang ako kasi kahit ano’ng gawin kong pagpapapansin sa kanya ay hindi talaga niya akong pinapansin. Masasabi ko na ang dami ng nagbago sa lalaking ’to. Hindi naman siya ganito noon. Nagbago lang siya no’ng mamatay si Bianca. Siguro nga ang laki talaga ng epekto ng pagkawala ni Bianca kay Kent, na kahit ang personality nito noon ay nagbago.   MGA ILANG minuto ang nakalilipas, natagpuan ko na lang ang sarili ko na sabay naming ginagawa ni Kent ang mga basic kicks and punches na natutunan namin sa larangan na ito ng Taekwondo Habang tumatagal na ginagawa namin iyon, mas napapabilib pa lalo ako kay Kent. Kahit matagal na siyang huminto sa pagta-Taekwondo ay kabisado pa rin niya ang mga basic na sipa at suntok. Magaling talaga siya sa ganitong sports. Kaya hindi na maipagkakaila na kabisado pa rin niya ang mga galaw. Matapos namin mag-demonstrate, napag-isipan naming dalawa na magtagisan. Binibiro ko kasi siya na baka hindi na siya magaling makipaglaban at baka matalo ko lang siya. Alam kong hindi pa niya nakakalimutan kung paano makipaglaban gamit ang Taekwondo. Sinusubukan ko lang siya. “You don’t know what you’re saying,” seryosong sabi pa ni Kent sa akin. “Alam ko ang sinasabi ko. Sa tagal mo ng hindi nagta-Taekwondo, siguro ay hindi ka na marunong makipaglaban.” Napailing siya sa akin habang nakalagay ang dalawang kamay niya sa baywang. “Don’t try me. Mapapahiya ka lang sa sinasabi mo.” “Oh! Talaga ba? Epekto rin ba ng pagkawala ni Bianca ’yang kayabangan mo?” I didn’t mean that. Nadulas lang ako sa sinasabi ko kasi sa totoo lang hindi pa rin nawawala sa utak ko ’yong pagiging masungit niya kay Robe kanina. Laman pa rin iyon ng isip ko kasi ayoko talaga ’yong inasta niya kanina. Napatingin siya sa akin nang sabihin ko iyon. Napansin ko rin ang paggalaw ng kanyang panga. Naiinis siguro siya sa sinabi ko. Wala akong pakialam kung magalit siya sa akin. Kapag napatunayan ko na galit siya, ang ibig sabihin lang niyan ay totoo ’yong sinasabi ko. “’Wag mong idamay si Bianca rito,” kalma pa niyang sagot sa akin. “Bakit? Kasi totoong nagbago ka nang mawala siya?” “At bakit tayo napunta sa usapan na iyan?” “Wala. May gusto lang akong alamin.” “Ano?” he asked. Nakakunot na ang noo ni Kent. Galit na iyan. “Fight me and I will tell you the reason why,” matapang kong tugon sa kanya. “Alam mo naman na hindi ako lumalaban sa babae,” sagot niya kaya napasagitsit ako. “Bakla ka ba!? Kalabanin mo ako and prove me that I’m wrong—na hindi ang pagkawala ni Bianca ang dahilan kung bakit nagbago ang ugali mo. At kapag hindi mo ako nilabanan, magiging tama ang hinala ko,” nanggigigil kong sagot kay Kent. Hinahanda ko na rin ang sarili ko para sa laban naming dalawa. “No. ’Wag ako.” Tumalikod siya sa akin at naglakad papaalis ng kuwartong ino-okyupa naming dalawa. Pero hindi naman ako makakapayag na wala akong malalamang kasagutan ngayon, kaya ang ginawa ko ay tinukso ko na siya. “Bakla! Bakla ka Kent! Bakla ka! Hindi mo ako kaya! Si Bianca ang dahilan kung bakit nagkakaganyan ka ngayon! Tama ba ako!?” Dahil siguro sa inis niya ay nagulat ako ng bigla akong sugurin ni Kent ng magkakasunod na sipa at suntok. Mabuti na lang mabilis ko iyon nailagan at naharangan gamit ang basic block techniques ng Taekwondo. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagsuntok niya sa akin at hindi rin naman ako tumitigil sa pag-ilag at pagharang ko sa mga suntok at sipa niya. Sa kanyang pagsuntok, nang mailagan ko ito, doon ako nagkaroon ng pagkakataon na sipain siya sa kanyang tiyan. Natumba si Kent sa pagsipa kong iyon at ngumingiwi siya sa sakit habang hawak-hawak niya ang kanyang tiyan. “Akala ko ba magaling ka? Nakakahiya ka. Natalo ka ng isang babaeng katulad ko,” pagmamayabang ko pa kasi proud ako na napatumba ko si Kent. Tuluyan ng napahiga si Kent sa sahig dahil sa iniinda niyang sakit sa tiyan. Nakapikit ang mata niya habang nakahiga. Wala rin siyang kibo roon. Kaya confident akong nilapitan siya’t tiningnan. “Nakakatawa ka rin, ’no? Ang isang katulad mo na mabait at may respeto sa ibang tao ay magbabago ng hindi sinasadya nang dahil lang sa babaeng minahal mo. Tanong ko lang sa iyo, Kent. Bakit ka nagbago? Magbabago ka dahil lang kay Bianca? Dahil lang sa namatay siya? Hindi ba uso sa iyo ang mag-move on at kalimutan na ang nakaraan? Bakit kailangan mo pang baguhin ang ugali mo nang dahil lang sa pagkawala ng ex-girlfriend mo?” Wala akong narinig na salita mula kay Kent. Hindi siya gumagalaw roon sa kinahihigaan niya. Nakalatag ang buong katawan niya sa malambot na sahig. Nagtaka tuloy ako kaya hindi ko maiwasan na tingnan siya ng malapitan. “Kent?” tawag ko pa sa kanya na may halong kaba. “Uy, Kent! Nagbibiro lang naman ako,” dagdag ko pa. Sa puntong iyon, hindi ko na napigilan ang sarili ko na mangamba kasi hindi siya gumagalaw roon sa puwesto niya. Pagkatapos, napansin ko na parang hindi na siya humihinga. Muli ko siyang tinawag sa pangalan niya. Pero wala pa rin akong natanggap na response. Hanggang sa bigla siyang nagmulat ng mata at nagtama ang paningin namin sa isa’t isa. Nagulat din ako sa pagkakabukas ng mata niya kasi akala ko kung ano na ang nangyari sa kanya. Giginhawa na sana ako kasi nalaman ko na walang nangyaring masama sa kanya pero hindi ko naisip na tactics niya pala iyon para mapatumba ako. Napasigaw na lang ako nang bigla niyang patirin ang paa ko. At siyempre, ano pa nga ba ang sumunod na nangyari sa akin kundi na-out of balance ako sa ginawa niya. Natumba ako pero mabuti na lang at nasa safe ground ako kasi daretso akong natumba roon sa malambot na sahig. Mabilis din ang nangyari kasi nang akmang babagsak na ako sa sahig, bigla niya akong sinalo at inikot upang mapasailalim ang katawan ko sa katawan ni Kent. Wait! Sa katawan ni Kent? Sh*t! Natumba nga ako roon sa katawan ni Kent at kasalukuyang nasa ibabaw ko na siya. Totoo bang nangyayari ito? Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil sa puntong iyon ay parang nawala ako sa sarili kong katinuan. Parang biglang tumigil ang takbo ng oras nang tingnan ko siya ng malapitan sa ganoong posisyon. Nararamdaman ko na rin ang hininga niyang dumadampis na sa aking pisngi dahil sa kanyang paghingal. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Ilang pulgada na lang yata iyon at malapit ng maglapat ang labi namin sa isa’t isa. Mas nabibingi pa ako nang mga oras na iyon kasi naririnig ko ang pintig ng puso ko. Sobrang lakas, sobrang bilis. Hindi ko mapigilan. Pinagpapawisan na nga ako ng malagkit at hindi ko alam kung paano makaalis sa ganoong posisyon. “This is my last warning to you, Sheila. Don’t get Bianca involved on this again or else…” Or else what? tugon ng isip ko kasi nananatiling nakatitig lang ako sa mga mata ni Kent habang sinasabi niya iyon. “…or else I will not hesitate to kiss you,” dagdag pa ni Kent sa naputol niyang salita kanina. Alam kong pananakot lang niya iyon. Hindi dapat ako matatakot sa pangbabanta niyang iyon. Pero bakit natakot ako? Bakit bigla akong kinabahan? Wait! This makes my heart fluttered. Does he mean it?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD