John’s Point of View HINDI KO mapigilan ang inis ko sa ipinakitang ugali ni Kent sa akin kanina. Inaamin ko sa sarili ko na hindi mahaba ang pasensya ko. Kung hindi lang dahil kay Monica ay baka naupakan ko ulit ang chinoy na ’yon. Mabuti na lang nandiyan siya. Dahil sa usapan kanina ay napag-isipan ko na lang na maunang umuwi. Sumakay si Monica sa sasakyan ni Kent, habang ako ay wala akong choice kundi lakarin ulit ang subdivision na ito papalabas ng main gate para makauwi na ako. Medyo kumakalma na ako makalipas ang ilang minutong paglalakad. Iyon nga lang, hindi ako ganoon ka-komportable habang mag-isa ako ngayon sa daan. Gabi na at sobrang tahimik talaga sa subdivision na ito. Wala masyadong mga tao ang lumalabas, at kung meron mang mga tao na nakikita ko ay hindi naman ganoon sila

