ANDROMEDA "Are you sure about this?" magkasalubong na ang kilay ni Neon habang tinatanong ako. "Oo nga, pang-ilan mo na 'yan?" naiirita na kasi ako dahil kanina pa siya nagtatanong. I lie down inside his trunk. Binigyan niya ako ng kagamitan para madaling makahinga sa loob kapag isinara niya ang takip ng trunk niya mamaya. "Crealle, hindi tayo sigurado sa plano mo. Hindi ko nga alam kung paniniwalaan nila ako eh." natatawa ako sa inaasal niya. Pigil na pigil siya sa inis niya sakin, paano ba naman kasi kailangan kong magkasya sa trunk ng kotse niya para lang makalabas kami ng Hexagon. Malabo ang chance na makakatakas kami sa plano kong ito pero we have to take a risk. "Huwag ka kasing kakabahan. Kapag ninerbyos ka mas paghihinalaan ka talaga nila."

