3RD PERSON POV "Wala ka talagang balak na papasukin ako 'no? Sabagay ayoko rin naman." Neon crossed his arms. "Huwag ka nang pumasok. Baka maalikabokan ka pa." saad naman ni Antimony. Nakasandal siya sa gate ng kanyang bahay habang si Neon ay nasa loob ng kotse nito na nakahinto sa harap ng bahay ni Tim. Kinontak ni Tim si Neon at pinapunta ito ngayon sa bahay niya dahil may pag-uusapan daw sila. May idea na si Neon sa kung anong lalamanin ng usapan nila subalit hinahayaan niya si Antimony na magsimula. "Ano na? Kanina pa ako nandito. Hinihintay pa ako ng asawa ko sa Hexagon." iritadong sambit ni Neon. Thirty minutes na ang nakalilipas simula nang makarating siya sa bahay ni Tim ngunit puro sagutan lang sa maliliit na bagay ang natapos nila. "You're both

