ANDROMEDA One week... five days... three days... dalawa o baka bukas na. Hindi ako sigurado kung kailan ang araw bago ang trial ni Artery. Bulong-bulungan na sa buong Vaun Deriogne ang tungkol sa gaganaping paghahatol. Kada naririnig ko ang kwentuhan ng mga tao ay tsaka ako napapaalalahanan sa mangyayari. Baka pagkatapos ng trial niya, ang susunod na dadamputin nila ay ako. Gaganapin sa korte ng Hexagon na matatagpuan sa pangalawang gusali ang trial. Nabisita ko na ito kahapon at malaki ito na parang amphitheater, pataas ang ayos ng mga upuan at nasa first layer ng mga upuan uupo ang mga opisyales ng Vaun Deriogne kasama na ang prime, ang Underworld's committee kabilang na si Dandelion, at ilang mga magagaling na abogado ng Underworld. Nakapwesto si Artery sa gitna, siya lang

