ANDROMEDA “Go easy on her!” nagising ako sa sigaw ni Neon. Nang bumukas ang mata ko ay nakatingin silang lahat sakin. Kinalat ko ang mata ko sa buong lugar at dito ko napansin na parang ilang beses na itong nangyari sakin. Another circumstance of k********g. Kaso ang kaibahan lang ngayon ay hindi lang ako ang nag-iisang kinidnap kundi tatlo kami. “Gising ka na pala eh. Maglakad ka na!” malakas akong tinulak ng lalaki kaya nasubsob ako sa namamasang sahig. “Awww...” “What the f**k!” Hindi ko pa kasi napoproseso sa utak ko ang nangyayari. Nagising na lang ako na hinahawakan nila ang magkabila kong braso pero hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin. Nilingon ko si Neon na nakikipag-away sa lalaking nakatayo sa gilid niya. Tulad ko ay nakatali rin an

