THIRD PERSON POV Sakay ng itim na Porsche 911 Turbo ang Prime, si Metaphor at Iowa. Hindi pa sila nakalalayo ng Hexagon. Isang oras ang byahe nila patungo sa isang ligtas na lugar na malayo sa kuta ng Vaun Deriogne. "Where are we going?" tanong ng Prime. Nasa backseat ito katabi ni Metaphor. Nasa harapan niya naman ang driver at sa tabi nito ay si Iowa na nakaupo sa front seat. "To the Campbell, Sir." malinaw na tugon naman ni Iowa. Isang puti na kotse ang nakasunod sa kanila, lulan naman nito ang mga gamit ng Prime at ni Metaphor na kakailanganin nila sa kanilang pananatili sa lugar na kanilang pupuntahan hanggang sa matapos ang labanan ng organisasyon laban sa Isosceles. Nang aksidenteng mapatingin si Iowa sa rear mirror ng kotse ay nakita niyang iniikot ng Pr

