ANDROMEDA “Hahaha!” “Masarap ba?” “'WAG! LUMAYO KA SAKIN! 'WAG! AHHH!” bigla akong nagising. Nilibot ko agad ang paningin ko kung nasaan ako, nasa kwarto ko sa Hexagon. Tsaka lang ako huminga ng malalim at bumalik sa pagkakahiga. Ibinalot ko ang sarili ko sa kumot, halos yakapin ko ang buo kong katawan dahil sa napanaginipan ko... Si Cinnamon... napanaginipan ko 'yong ginawa niya sakin, 'yong pananamantala niya sa akin tapos ako walang ibang ginawa kundi ang umiyak. Tama siya, I'm so helpless. “Crealle, anong nangyari?” pumasok si Neon kaya naalarma ako. Agad akong bumangon at hindi binibitiwan ang kumot sa katawan ko. “'Wag kang lalapit.” Subalit hindi niya ako pinakinggan. “Andromeda, anong... a-anong nangyari...?” “Sinabi kong 'wag

