ANDROMEDA "Andromeda..." "Andromeda..." "Andromeda..." Bigla akong naalimpungatan. Naghabol ako ng hininga, para akong nawalan ng oxygen sa katawan. Nasaan ako? Sobrang dilim ng paligid. Zero visibility, wala akong makita. Sinubukan kong gumalaw kaso nakaramdam ako ng sakit ng katawan. Naalala kong nagtamo nga pala ako ng sugat dahil sa tama ng baril kaya naman nanginginig kong kinapa ang sugat ko sa paa, s**t. Nagdudugo, nakapa ko pa yung malagkit na likido at yung open wound ko, may dugo nga. Sinubukan kong i-analyze kung nasaang lugar ako at kung bakit madilim kaso hindi talaga pamilyar sakin ang lugar na 'to. *bang* "Anong pakiramdam na may bala ka sa katawan mo, Crealle? Ha? Masakit 'di ba?" nginisian niya ako, hindi ko kinayang tumayo

