Mula nang maubusan ng gas si Honey, agad na kumilos si Cyrus. Kumuha siya ng personal mechanic na regular na magche-check ng sasakyan ni Honey bago pa man ito umalis ng bahay. Ayaw na niyang maulit ang nangyari—lalo na kung may mangyaring hindi maganda. Paalis na si Cyrus, sakay ng kaniyang kotse, nang biglang magpreno ang driver. “Sir… may lalaking humarang sa daan natin.” Napatingin si Cyrus sa unahan. Umiigting ang panga niya nang makilala ang lalaki—gusgusin, pawisan, at halatang desperado. “Sagasaan ko ba, Sir?” tanong ng driver. “No!” Lumapit ang lalaki sa kotse, halos nanginginig. “Sir Cyrus… alam kong naging makulit ako dati, pero nakikiusap ako. Kailangan ko ng pera para sa anak ko. Nasa ospital siya ngayon… wala akong pambayad. Sir, please…” nangingilid ang luha nito. “Ba

