Tahimik ang buong opisina ni Cyrus. Tanging tunog lang ng aircon ang maririnig habang tanaw sa malaking salamin ang abalang siyudad sa ibaba. Nakatayo si Cyrus, nakatalikod sa pinto, seryosong nakatingin sa labas. Parang may iniisip—o baka wala talaga. Ganoon siya. Mahirap basahin. “Sir, nandito na po si Mr. Arman Chua.” Hindi siya agad lumingon. Saglit muna siyang napapikit, saka huminga nang mabagal. “Papasukin mo.” Pagbukas ng pinto, pumasok si Arman Chua—diretso ang lakad, kumpiyansa, at halatang sanay sa ganitong klaseng usapan. Hindi basta-basta ang presensya niya. “Cyrus,” bati nito. “Mr. Chua.” Tumango lang ito. “Have a seat.” Sabi niya. Umupo si Arman, pero hindi agad nagsalita. Pinagmasdan muna niya ang binata sa harap niya—parang sinusukat kung gaano ito kahirap basah

