“Is this food?” agad na tanong ni Cyrus habang tinititigan ang mesa. Pinagluto ko kasi siya ng breakfast. Wala lang… trip ko lang. Tutal, nasa iisang bahay kami, kahit papaano gusto kong may ginagawa rin ako—kahit hindi niya hinihingi. “Yes. Pritong hotdog, itlog, at kanin. Wala kasing kasambahay, day off nila ngayon. Ayaw ko namang papasok ka sa work nang hindi nag-aalmusal.” “Thank you. Pero hindi ka na sana nag-abala, lalo pa’t hindi ka naman marunong magluto.” Napasimangot ako. Ang sakit lang. Ikaw na nga itong nag-effort, ikaw pa lalaitin. Napabuntong-hininga na lang ako. “Sorry naman… itatapon ko na lang ‘to kung ayaw mong kainin. Nag-effort ako para sa’yo. Hindi mo alam pinagdaanan ko—iyong mantika halos umatake na sa akin. Tingnan mo, napaso pa ako.” Ipinakita ko pa ang bahagya

