Hindi umuwi si Cyrus. Apat na araw na ang lumipas. Hindi niya mapigilan ang pag-aalala. Ilang beses na niyang gustong tawagan ito para kamustahin, pero ni isang tawag ay hindi sinagot. Kahit ang mga chat niya, tila napaglipasan na ng panahon—wala ni isang reply. Para maibaling ang isip, nagpasya siyang mag-shopping pagkatapos ng duty niya sa hospital. Bukas na ang huling araw ng duty niya, at sa susunod na linggo ay graduation na niya. Mabigat man ang nararamdaman, pilit niya itong nilalabanan. “Siguro… wala lang talaga ako sa kanya,” bulong niya sa sarili. Siguro sa papel lang sila mag-asawa. Siguro hanggang doon lang ang kaya nitong ibigay. Akala niya, unti-unti ring mawawala ang nararamdaman niya kay Cyrus… pero kabaligtaran ang nangyari—lalo pa itong lumalim. Napailing siya. “Kai

