Liam HINDI na ako nagulat na makita si KJ sa kompanya na kasama si Audrey. Maaring may kakayahan na talaga siyang bawiin ang kompanya dahil iyon ang sabi niya noong huli kaming magkita. Pero nagulat ako nang malaman kong si KJ at si Cedric Santiago ay iisa lang. Napangiti ako nang mapakla hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Pero hindi ko na iniisip na mapasaakin ang kompanya o kaya si Audrey. Tanggap ko na ang pagkatalo ko. Sinundan ko sila alam ko kasing nasa labas pa sila ng conference hall nag-uusap-usap. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang makahingi ng tawad sa mga nagawa ko kay Audrey. “KJ, Audrey!” tawag ko sa kanila na masayang naglalakad palabas ng gusali. Napatigil sila sa paglalakad at lumingon sa akin. “Yes, Mr. Almeda? Ano’ng kailangan mo? Meron pa bang hindi klaro s

