Audrey GABI na pero hindi pa rin bumabalik si KJ nag-aalala na ako sa kanya. Pabalik-balik na ako sa terrace at sa labas pero hindi pa rin siya dumarating. “Audrey, bakit gising ka pa?” pansin sa akin ni Cathy na lumabas sa kanyang silid “Hinihintay ko si KJ wala pa kasi siya, eh.” Umupo ito sa tabi ko. “Dapat ay masanay ka na kapag asawa mo na si Kuya siguradong gagabihin palagi ang uwi no’n dahil marami na siyang trabaho. Pero alam mo, ang suwerte mo talaga sa kanya. Mahal na mahal ka ni Kuya KJ. Ako kaya, magiging masaya pa kaya ang lovelife ko?” tanong niya na biglang napalis ang mga ngiti. “Parang wala ka namang boyfriend ngayon,” sabi ko. Bumuntong-hininga siya, “Masyado kasing komplikado ang sitwasyon. Kahit gusto ko, hindi puwede.” “Hindi puwede? Bakit naman?” “Kasi, paano

