Kabanata 21: Ang tunay na kinaroroonan ni Naeso

1806 Words
Nagawi sa kagubatan si Balrak. Naglalakad-lakad lang s'ya upang lumanghap ng sariwang hangin ngunit tila hindi na niya namalayan na napalayo na pala ang kaniyang tinatahak. Sa isang pamilyar na pook siya napadpad, bahagya s'yang tumigil sa paglalakad at pinakinggan ang tunog ng paligid— Nang s'ya ay lumingon sa gawing kanan ay dito na niya nakita ang lagusan ng Ayralum! Bukas ito marahil ang naririnig niyang tunog kanina. Dali-dali n'yang nilapitan ang lagusan at tumayo sa may kalayuan rito... "Bakit bukas ang lagusang ito?! Sino ang tumawid patungo sa mundo ng mga mortal?" pagkahiwag niya. Ang mga sisne namang tumawid sa Ayralum ay nakarating na sa siyudad! Tila sila mga maliliit na ibon lang na hindi kaagad makilala ng mga tao bilang kakaibang nilalang. Laking mangha nila sa moderno at talagang kakaibang mundo ng mga tao. Nakipag sabayan sila sa mga pampasaherong sasakyan habang inaaliw ang mga sarili sa ilaw ng mga ito. Ngunit kahit na nagkakasiyahan ay hindi naalis sa kanila ang kanilang layunin sa pagpunta rito, iyon ay ang hanapin nga ang anak ng kanilang mahal na hari at bisitahin ito! "Ahh, Naeso?! Bumili nalang kayo ng ulam d'yan sa may labasan. May nagtitinda d'yan." utos ni Mildred sa binata, "isama mo si Lawag para hindi ka malito hehe." "Masusunod, ngayon din!" sagot ni Naeso at kumuha ng pera sa pitaka niya at lumabas na ng bahay na kasunod ni Lawag. Dahil gabi na, ang mga tsismosang kapitbahay nila Naeso ay hindi na gaanong naka-balandra sa daanan, kaya maayos silang nakadaan. Nang makalabas sila sa looban ay tinuro na ng bata kung saan sila bibili at agad na nila itong pinuntahan. Nang makalapit sila sa karinderya ay natuwa si Naeso sa kaniyang mga nakita, mga masasarap at mura na mga putahe! Pinapili n'ya ni Lawag ng gusto nitong ulam at syempre s'ya din, binili n'ya ang nagugustuhan n'ya at sa tingin niya'y masarap. (Sa tahanan) Habang si Mildred ay mag-isang pinapalitan ng lampin si Axus ay bigla s'yang nakaranig ng mga tunog na tila maliliit na pagaspas, napalingon kaagad s'ya sa bintana at nasulyapan n'ya ang mga dumaang nilalang! Agad s'yang dumungaw sa bintana at nakita n'ya ang mga kapitbahay n'ya na nagsipag-silipan rin. "Mildred, ano ba 'yan, bakit napaka rami namang ibon sa bahay n'yo?!" iritang tanong ng isa mula sa kaharap na bahay ni Mildred. "Anong ibon?! Nasaan?!" takang tanong naman ni Mildred. "Ayon oh! Nasa taas n'yo!" Dali daling binibit ni Mildred si Axus at isinama n'ya ito sa pag-akyat sa ikalawang palapag ng kaniyang tahanan. Nang makaakyat sila ay laking tuwa niya sa kaniyang mga nakita!— "Tiyak na mabubusog tayo sa dami nito!" nakangiting sambit ni Naeso habang hawak n'ya ang supot na pinaglalagyan ng mga binili nilang ulam. "Oo nga, kuya! Mapaparami ako ng kain for sure!" biro naman ni Lawag. "Hahaha ikaw ang bahala, kaibigan!" "Hoy nakita n'yo ba 'yon?! Ang daming ibon, ano?!" "Oo nga, sa'n ba nanggaling 'yon?!" usapan ng magkakapitbahay. "Hoy Naeso, buti nand'yan na kayo, bilisan n'yo! Si Mildred pinuputakte na ata ng mga ibon sa inyo!" pagmamalabis ni Pining, isa sa mga tsimosa. "Mga ibon?" gulat na tanong ni Naeso. "Oo! Ang daming ibon na pumasok dito kanina eh at ang sabi nando'n daw sa teris n'yo! Bilisan n'yo na!" "Kuya tara na! Si nanay!" nag-aalalang hinila ni Lawag ang damit ni Naeso at napatakbo na silang dalawa upang dali-daling umuwi. Pagkarating sa bahay nila ay nakita nga ni Naeso ang maraming ibon na nakadapo sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan. Agad silang pumasok ni Lawag sa loob at umakyat ng hagdan— "Mildred?!" paghangos n'ya at agad sya'ng hinarap ni Mildred. "Saan nanggaling ang mga — ibong iyan?" tanong niya. "'Wag kang mag-alala — may mga bumisita lang sa inyo!" nakangiting sagot ni Mildred at mula sa likuran nito ay lumantad ang sisneng si Gloris! "Gloris?!!" laking tuwa ni Naeso sa kaniyang nakita kaya't agad s'yang lumapit sa nilalang at pinaupo ito sa kaniyang palad. "Anong ginagawa mo rito?! Paano kayo nakapunta dito?!" tanong ng binata. "Dahil dito, mahal na prinsipe!" sagot ni Gloris at lumutang gamit ang kaniyang mga pakpak upang ipakita ang nakasukbit sa kaniyang kwintas — walang iba kundi ang susi ng lagusan. "Inutusan kami ng haring Roman upang tignan kayo rito sa mundo ng mga mortal. Mabuti na lamang at mabilis naming nahanap ang inyong tinutuluyan!" "Kakatuwa!! Hindi ko inaasahang magkikita tayo ngayon?! At — napaka rami mo pang kasamang sisne!" nagagalak na sabi ni Naeso. "Mga bagong sisne sila, kamahalan. Isinama ko sila dahil na rin utos ng amang hari at — sadyang nakakatuwa pala ang mundong ito?! Kakaiba at kamangha mangha!" "Mga kasama — ito si prinsipe Naeso! Ang kapatid ng ating reyna Kaxandra." pagtawag ni Gloris sa mga kasama niya upang ipakilala ang kaniyang kausap. "Salutem, Prinsipe Naeso! Damhan ad vesperum!" sabay-sabay na pagbati ng mga batang sisne kay Naeso. "WOW!!" tanging nasambit ni Lawag habang titig na titig sa mga nilalang na nasa kanilang harapan ngayon! "Damhan ad vesperum din mga nakatutuwang sisne!" nakangiting bati rin ni Naeso sa mga nilalang. "Kanina pa nila nilalaro ang inyong pamangkin, kamahalan. Kahit si Axus ay natutuwa rin sa kanila!" masayang banggit ni Gloris. "Mainam kung gano'n! Gloris, salamat sa inyong pagdalaw sa amin rito, malaking bagay na nakita ko kayo ngayon!" nakangiting pasasalamat ni Naeso. "Walang anuman, mahal na prinsipe! Kagustuhan rin naming makita ang inyong pamangkin!" saad ni sisne. Matapos ang kumustahan at maliit na kwentuhan ay bumaba na sila upang mag hapunan. Si Axus ay inilagay muna sa duyan at doon s'ya binantayan at inaliw ng mga sisne habang sila Naeso ay kumakain. "Nag-alala ako noong sinabi ng mga tao sa labas na marami daw ibon ang dumayo rito." kwento ni Naeso kay Mildred. "Oo — aba, nagulat din ako pero buti nalang at nakilala ko agad kung ano sila." masayang sambit ni Mildred. "Nakakatuwa naman ang mga sisne na iyan! Mababait sila!" "Saka ang cu-cute nay!" saad ni Lawag na kanina pa natutuwa sa mga maliliit na sisne. Si Axus rin ay tuwang tuwa sa mga nakikita n'ya dahil kanina pa s'ya iniikutan ng mga nagliliwanag na sisne habang inaawitan. ... (Derrohny) Malaking palaisipan para kay Balrak ang nakita ny'ang bukas na lagusan kanina. Sino kaya ang maaaring lumabas sa doon? 'Yan ang tanong na bumabalot ngayon sa kaniyang isipan. "Panginoon — tila kay lalim ng iyong iniisip?" tanong ni Guzma. "Guzma, ikaw pala?" paglingon sa kaniya ni Balrak, "may balita na ba kay Grayda? O kay Tomzo? Nagbalik na rito ang ating mga espiya?" "Hindi pa panginoon, wala pa ni isa sa kanila ang nagpapakita." sagot ng apram. "Kataka-taka, ano't walang paramdam ang mga cerapal?" saad ni Balrak. Samantala... Nasa kaniyang silid-tanggapan si Roman, mag-isa at iniisip lamang ang mga sisne na kaniyang inutusan. "Ano kayang nangyari kina Gloris?!" nasasabik n'yang tanong sa kaniyang sarili. Hanggang sa humahangos na dumating si Emprido, "Haring Roman, narito na sina Gloris!!" bungad nito. Napatayo kaagad ang hari at mabilis na sinalubong ang mga nilalang. Sa punong bulwagan sila nagkita-kita at isinama na rin ng hari si Kaxandra upang magkasama nilang alamin ang mga ibabalita ng mga sisne. "Maayos ang kanilang pamumuhay ro'n, mga kamahalan! Ang inyong anak ay labis-labis na natuwa sa amin!" ulat ni Gloris. "At ang aking kapatid? Kumusta s'ya Gloris?" sabik na tanong ni Kaxandra. "Nakausap ko s'ya mahal na reyna! At kung makikita n'yo s'ya ay matutuwa at maninibago kayo sa kaniya dahil kakaiba na ang kaniyang kasuotan." sagot ng sisne. "Gano'n ba?! Nakakatuwa namang malaman na nagagawa ni Naeso'ng makipag sabayan sa mga mortal." nakangiting sabi ng reyna. "S'yang tunay kamahalan! Lalo't magiliw rin ang mga kumupkop sa kanila — at kataka-takang hindi s'ya nahihiwagaan sa amin?" "Si Mildred ba ang iyong tinutukoy?" tanong ni Roman, "hindi na s'ya maghihiwaga sa inyo dahil nakita na rin n'ya ang iba pang mga bagay na matatagpuan lamang dito sa atin!" "Talaga ba kamahalan?" "Oo! May iilang beses na rin s'yang nagawi rito, Gloris." "Masaya na ako ngayong nalaman ko ang lagay ng ating anak sa mundo ng mga mortal, Roman." sambit ni Kaxandra. "Masaya rin ako — lalo't naibsan na ngayon ang iyong pag-aalala." sagot naman ng hari. Nagawi sa bulwagang iyon ang tagapag-alaga ni Lerzia na si Tomzo at nakita nito ang nagaganap na pag-uusap sa hari at sa mga sisne. "Anong mayro'n? Bakit napaka raming sisne?" pag-uusisa nito sa mga kawal na nagbabantay sa paligid. "Hindi rin namin batid, gire." sagot ng isa. Nakakutob ng kakaiba si Tomzo kung kaya't palihim s'yang kumubli upang alamin kung ano ang pinag-uusapan nina Roman. "Maraming salamat muli sa inyong tulong mga sisne! Salamat at nabatid namin kahit papaano ang lagay ng aming anak." pasasalamat ni Roman kina Gloris at tinanggap na niyang muli ang susi ng lagusan. "Maaari na kayong magpahinga, salamat sa inyong tulong!" "Kasiyahan namin ang mapaglingkuran kayo, mahal na hari! Paalam." saad ni Gloris at lumipad na sila palabas ng bulwagan. "Ngayon ay maaari ka nang mapanatag, mahal ko. Halina't magpahinga na tayo!" inakay na ni Roman si Kaxandra patungo sa kanilang silid ngunit ang hindi nila alam ay nadinig ni Tomzo ang kanilang pamamaalam sa mga sisne kung kaya't napaisip na ito sa ilang mga bagay. "Anak? Sinong anak ang tinutukoy ng hari?" pagtataka ng gire at muli n'yang sinundan ang mag-asawa patungo sa silid nito upang sumagap pa ng ilang impormasyon. Nang makapasok sa kanilang silid sina Roman at Kaxandra ay palihim namang pumuslit sa may pintuan si Tomzo upang alamin pa rin ang katotohanan sa kaniyang mga sapantaha. "Tiyak na natuwa ang aking kapatid noong nakita n'ya ang mga sisne..." sambit ni Kaxandra at si Tomzo na nasa labas ay naguluhan bigla sa kaniyang narinig. "Si Naeso?!" "S'yang tunay, kaya nagpapasalamat rin ako kina Gloris dahil kahit papaano ay nagawa nilang madalaw ang ating anak pati na rin ang iyong kapatid sa mundo ng mga mortal." Roman Bumilog ang mga mata ni Tomzo nang madinig ang binigkas ng hari, "kung gano'n — wala rito ang anak nila?!" gulat nitong sabi. Pumasok bigla ang kakaibang hangin sa silid ng mag-asawa at bumulong ito kay Roman— "Apmevento — kailangan itong malaman sa Derrohny!" saad ni Tomzo at dali-daling umalis. Agad na napatingin sa may pintuan si Roman at nahagip ng kaniyang mata ang anino ng isang nilalang na papalayo na. Napaisip s'ya kung sino ito 'pagkat ang bulong ng hangin ay may nagmamasid sa kaniya at sa kaniyang asawa. "Bakit Roman? May problema ba?" takang tanong ng reyna. "Parang may ibang nilalang na nakarinig sa ating usapan..." balisang sagot ng hari. Humahangos na nagtungo sa Derrohny si Tomzo, suot ang kaniyang roba ay dumaretso s'ya sa silid ng kaniyang panginoon. "Panginoon!" agad n'yang pagbibigay-galang. "Tomzo?! Ano't gabing-gabi na ay nandito ka pa?!" pagkagulat ni Balrak. "Mayroon kayong kailangangang malaman!" saad ni Tomzo at naghubad muna ng talukbong. "Wala sa pangangalaga nina Haring Roman at Reyna Kaxandra ang kanilang anak — hindi nila kasama si Axus 'pagkat ito ay nasa mundo ng mga mortal!" ulat ng gire at talagang nagulat ang hari ng Derrohny! "—paano mo nalaman ang mga bagay na iyan, Tomzo? May katotohanan ba iyan?!" pag-uusisa nitong si Balrak. "Oo panginoon! Narinig ko ang mag-asawa at ayon sa kanila ay nasa ibang daigdig nga ang mag-tiyuhing Axus at Naeso!" sagot ni Tomzo. "Apmevento!" tanging nasambit ni Balrak, "kailangan nating makalabas rito at tuntunin ang kanilang kinaroroon — saan mang lupalop ng mundo ng mga mortal 'yan!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD