Kabanata 66: Pagkawala ni Neroz

1336 Words
Nang makapasok sa kaniyang silid si Adan ay dito na s'ya lalong nanlumo at humagulgol sa pag-iyak. Tangan ang kumot na ginagamit ng anak ay hindi na niya napigilan pa ang labis na pag bugso ng kaniyang damdamin. Sa isang napaka bilis na tagpo ay hindi na niya makakasama pa si Neroz. "Ahm pinuno?" pagpasok ng paslit na si Leo. Naabutan nitong tumatangis ang pinuno pero agad itong nagpunas ng luha nang makita s'ya "Leo, ikaw pala!" pagngiti nito, "halika, anong kailangan mo?" "Nasaan po si ama? — Hindi n'yo po ba s'ya kasama?" tanong ni Leo nang lapitan ang ang kanilang pinuno. "Leo... Wala na ang iyong ama... Pinaslang na s'ya ng mga Derronian!" malungkot na pagsisiwalat ni Adan at hinaplos ang ulo ng paslit. "P-po?" at si Lero ay labis na nagulat sa kaniyang nadinig. "Huwag mo nang hanapin ang iyong ama dahil — dahil tila hindi na s'ya makakabalik pa." pagtangis muli ni Adan at niyakap na ang paslit. "A-ama..." at napa-iyak na rin ang bata si Lero "Huwag kang mag-alala... hindi kita papabayaan, Leo. Ako na ang bahala sa 'yo simula ngayon!" pangangako ni Adan. Ngunit ang katotohan, si Neroz ay ligtas na! At nasa kandili ng isang misteryosong nilalang. S'ya ngayon ay nakahiga at nagamot na rin ang mga sugat, pero wala pa ring malay dahil sa tindi ng pagkakabagok ng ulo. "Magpahinga ka muna, bata... Kinakailangan mong mabawi ang iyong lakas upang ay magawa mong makabalik sa lupa na iyong tinubuan!" sabi ng nilalang na may lalaking tinig at nakasuot ng kulay lilang roba. Hinaplos nito ang may sugat na dibdib ni Neroz at tuluyan nang pinaghilom ang sugat dito. "Matulog ka ka lang... Ligtas ka rito!" sambit pa ng nilalang at lumabas na ng kaniyang tahanan. Sa kagubatan naparoon ang tagapag-ligtas na ito ng mandirigma at nakita niya ang mga ibong mula sa Goltus, agad s'yang nilapitan ng mga ito at kinausap. "Mayroon kayong hinahanap?" nakangiting tanong ng nilalang. "Paumanhin, ngunit hindi ko s'ya nakita. Hindi ko alam kung nasaan ang mandirigmang hinahanap ninyo." tugon pa nito sa mga ibon at binayaan na silang lumipad muli. Nang lalakad na ang nilalang ay biglang lumitaw sa likuran niya si Fellian!— "Salutem!" tinig nito. "Fellian?" tanong ni nilalang. "Ako nga — Febrer!" pagngiti ni Fellian. "Batid kong hawak mo si Neroz." pagtutuloy nito. "Bakit mo s'ya kailangang itago?" "Batid kong alam mo ang aking isasagot, kaibigan. Bakit ka pa nagtatanong?" pabirong sagot naman nitong tinatawag na Febrer. Ngumiting muli si Fellian at lumapit pa sa nakatalikod... "Hindi ko batid ang kabuuan ng iyong binabalak, ngunit natutuwa ako dahil tila magkapareho tayo ng layunin!" sabi nito at ang nilalang na nakaroba ay biglang nagpalit ng anyo— —ISANG KALULUWANG PUSA! S'ya iyong pilyong nilalang na minsan nang naka-tagpo ni Neroz at ang tumulong upang makapasok s'ya sa Goltus! "Natagpuan na niya ang susi sa kapangyarihan Celestia. Hindi kaya panahon na?" tanong nito na s'yang nanggulat Fellian. "Tunay ba?!" "Oo, hihihihi!" pagbungisngis ng vardang pusa. "Nalalapit nang makilala muli ang Celestia!" nagagalak nitong sabi at mabilis nang naglaho. "At nalalapit na rin ang kinatatakutan kong mangyayari!" sambit naman ni Fellian at tiningala ang mga buwan sa gabing kalaangitan. ... (Derrohny) "Nakatakas?! Paano nangyari ito!?" galit na tanong ni Lerzia kina Sebani na mga nakaligtas pala at mga madungis lang, halos puro uling ang katawan. "Avenila! Ngunit mauutak ang mga Jezam! May angkin silang galing sa pagtakas kaya nagawa nila kaming maisahan!" pagsagot ni Sebani. "Subalit wala kang dapat ikabahala dahil nabaril ko ang pinaka pakay mo — si Neroz!" sabi nito. "Totoo?!" biglang natigil sa pagka-bugnot si Lerzia. "Oo, kaya hindi ka na dapat mangamba lalo't tiyak akong napaslang ko s'ya! Inasinta ko s'ya sa likod — patungo sa puso!" sagot nang apram. "Sa palagay ko'y dapat kang mabahala!" pagdating ni Tomzo. "Tomzo!?" bahagyang dilat na mga matang bati ni Lerzia. "Nakita ko kanina si Sype na tila may ipinag-uutos sa mga ibon ng Goltus, hindi kaya pinahahanap niya ang tunay na Neroz?!" saloobin ni Tomzo. "Paano naman mangyayari iyon — ang alam ni Sype ay nakabalik na sa paglalakbay ang mandirigmang ito!?" pagsalungat ng regium. "Hindi ko alam sa 'yo — pero isa lang ang masasabi ko. Kailangan ay maunahan mo ang mga isinugo ng iyong kapatid kundi ay mawawalan na agad ng saysay ang nagsisimula mo pa lang na mga hakbang!" Tomzo Kitang nabahala nga si Lerzia nang harapin muli sina Sebani... "Saan kayo nagkaharap?!" tanong nito na mukhang may balak na ngang gawin! ... (Goltus) Nagbalik na si Adro mula sa mahabang araw nilang pamamalagi sa labas, sabik siyang sinalubong ng ina at agad silang nag-yakap. "Natagalan ka na naman ah?" tanong ni Bella. "Si ina naman, di na nasanay?!" pabirong sagot ni Adro. "Hay nako Adro! Paano ba kita mapapanatili dito?" tanong pa ni Bella at kumapit sa anak saka sila naglakad. Napadaan sila sa balkonahe at nakita nila si Sype na kausap ang maraming ibon. "Huwag kayong tumigil, hanapin n'yo s'ya!" pa-sigaw nitong sabi at nagka-tinginan ang mag-ina. Maya-maya pa ay naisipan na ni Adro na lapitan itong kapatid. "Hindi mahanap ng mga cerapal si Neroz... Marahil ay ayaw na talaga niyang magpakita pa sa akin." malungkot na sabi ni Sype. "Sype? — Ayos ka lang?" tanong ni Adro nang tabihan ang kapatid. "Adro? I-ikaw pala?" bahagyang gulat na bati ni Sype, "huwag mo akong alalahanin, Adro. Ayos lang ako." saad nito. "Anong pinagagawa mo sa... mga emrio?" tanong pa ni Adro at tinanaw ang mga kakaalis lang na ibon. "Wala naman... May — pinahahanap lang ako." sagot ni Sype at dito na siya inakbayan ng kapatid. "Hay Sype... Kung may nais kang sabihin ay 'wag kang mahiya sa akin. Hindi kita mamatahin, pangako!" matamis nitong sabi at natamaan sa puso si Sype. "Ahm... Naisip ko lang na — na mahirap hanapin ang isang ayaw naman magpahanap!?" tugon nito at napatingin sa kaniya si Adro. "Kung gano'n ay huwag mo nang hanapin, gano'n lang kadali iyon kapatid!" Hindi umimik si Sype at tinignan lang si Adro, nang sandaling iyon ay bahagyang gumaan ang nararamdaman n'ya dahil katulad ni Axus ay tila mauunawaan rin siya nito. "Maipapayo ko lang, Sype — huwag kang masyadong magpadala sa mga nangyayari sa 'yo. Hindi mo kailangang maging ganito. Hindi mo nababagay sayo ang sakit na iyan!" payo nitong si Adro at talagang nadama ni Sype ang katapatan ng mga sinasabi niya. "Pakawalan mo na ang sakit na 'yan... Hindi ka naman niyan matutulungan." huling simabit ni Adro at saka tinapik tapik ang balikat ng kapatid bago ito iwan at balikan na ang ina. Naiwang napapaisip si Sype at hindi na muna siya umalis na kinatatayuan dahil hihintayin niyang muli ang pagbabalik ng mga inutusan niya. Hanngang sa lumalim na ang gabi sa buong Majezenty, payapa na at tahimik ang kalangitan, ang mga bituin ang sila nang nagkikinangan sa nahihimbing na mundo ay pinagmamasdan naman ni Axus mula sa kaniyang silid. Iniisip lang niya ang ilang mga bagay na nangyari sa nakalipas na araw, inaalala n'ya si Sype, pati ang paghahanap pa rin sa pumaslang sa kanilang ama. Bahagya s'yang nakaramdam ng pangungulila at pumatak rin ng kaunti ang kaniyang mga luha. "Hay!" sambit n'ya at umalis na sa may bintana upang tabihan na ang nahihimbing na anak sa kaniyang kama. Agad s'yang umakyat sa kama at hinagkan ito sa pisngi saka niyakap... "Ikaw ang nagbibigay ng lakas sa akin upang magpatuloy, anak!" bulong niya habang tinitignan ang bawat piraso ang wangis ni Kahlim hanggang sa hindi na niya namalayan ay nakatulog na rin pala s'ya. "Kamahalan?! Narito po ang—" pagpasok ni Talya na may dalang mainit na maiinom pero nakita n'ya ang mag-ama na nahihimbing na. Napangiti nalang s'ya nang pagmasdan ang mga ito at saka s'ya tahimik na umalis upang hindi na magambala pa ang sandali ng mga ito. Ngunit sa labasan ng silid ng hari — ay biglang may dumaang anino. ANINO NG HUNYANGO! Lumakad ito at sinilip sila na wari bang may binabalak gawin—
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD