Kabanata 67: Ang natuklasan ni Guzma

1631 Words
(Sa kagubatan) Mag-isang naglalakad si Guzma habang kasunod ang ilan sa mga batang dragon na kaniyang tinuturuan upang manghuli at maghanap ng makakain kapag madilim ang paligid. Sadyang malilikot ang mga nilalang kaya nabubugnot itong si Guzma dahil hindi agad sinusunod ang nais niyang ipagawa, panay laro pa ng mga ito at madalas ay hindi siya sinusundan. "Haaaahh! Mga pasaway!" daing ng apram nang lingunin ang nagkukulitang mga dragon. Minabuti nalang tuloy niya na iwan ang mga ito at nauna na siyang lumakad. Habang humahakbang ay nakarinig s'ya ng kakaibang tunog at kinilabutan s'ya rito! — Nilingon-lingon niya ang paligid dahil baka mamaya ay may kung ano nang nilalang ang nasa kaniyang likuran ngunit wala naman. "May iba pa bang nilalang rito?!" pasigaw niyang tanong. "Sino ka?! Lumantad ka sa akin, hindi ako natatakot sa 'yo!" pagyayabang niya at agad na hinugot ang espada sa likuran. Maya-maya lang narinig na naman niya ang tunog at naramdaman n'ya kung saan ito nanggagaling! Agad s'yang kumilos nang dahan-dahan at tiniyak na mahuhuli ang kung ano mang nilalang na nagpapakaba sa kaniya. Hanggang sa matunton na niya ang pinagmumulan ng kakaibang tunog — nakita lang naman niya ang majezan na hunyango na mag-isang nagsasanay sa ilalim ng sinag ng buwan! "HAGGGHHH!!" pagsisi-sigaw nito habang mabilis na kumikilos at animo'y may kalaban. Si Guzma na gulat ay nagtaka dahil mukhang may kakaiba sa nilalang na ito at minabuti niyang ito'y bantayan— Ilang sandali pa ay tila napagod na ang hunyango at binitiwan nito ang hawak na espada, dito ay nandilat ang mga mata ni Guzma nang makita ang sandata nito! Hanggang sa magpalit ng anyo ang nilalang at magbalik sa tunay nitong wangis — BILANG SI BALRAK! Mas bumilog ang mga mata ni Guzma at hindi na niya napigilan pa ang lumantad mula sa pinagku-kublihang puno!! "P-panginoon!?" pagtakbo niya palapit dito at si Balrak ay napalingon agad sa kaniya — na gulat rin. "I-ikaw ang hunyango!?" tanong niya. "Apmevento Guzma!" galit na sambit ng hari, "tinitiktikan mo ba ako!?" "H-hindi panginoon! Hindi!" mariing sagot ni apram, "naparito ako dahil inaaral ko ang mga bagong dragon hanggang sa — sa makarinig ako ng kakaibang huni na — m-mula pala sa iyo!?" pagpapaliwanag nito na may tono ng pagpapakumbaba. "Ikaw pala ang hunyango panginoon?!" Hindi muna sumagot si Balrak at dinampot lang ang espada sa d**o saka ito sinuksok... "Kung gano'n ay — ikaw pala ang hinahanap na s-salarin ng mga regium? I-ikaw ang pumaslang kay Roman?" pag-uusisa pa ni Guzma. "Masyado kang maraming nalalaman ukol sa akin Guzma, mas makabubuti kung ititikom mo 'yang bunganga mo!" sagot ni Balrak na halatang galit. "Wala kang pagsasabihan ng mga bagay na nakita mo ngayong gabi, naintindihan mo!?" bulyaw nito at nasindak naman ang apram. "Oo! — Oo panginoon! M-makakaasa ka!" sagot nito at napatungo. "Avenila, aking panginoon... U-umasa kang hindi makakalabas sa — sa ating dalawa ang mga kaganapang ito!" pangako pa nito. "Hindi maaaring malaman ni Lerzia na ako ang pumaslang sa kanilang ama dahil tiyak na magkakagulo kaming dalawa — at iyon ang iniiwasan kong mangyari!" dagdag pa ni Balrak. "Ngunit, kamangha-manghang kapangyarihan!? May taglay ka palang — ganiyang kakayahan, haring Balrak?" tanong ni Guzma. "Nakipag-kasundo ako sa isang bantay... at s'ya ang nagbigay sa akin ng ganitong kapangyarihan!" salaysay ng hari. "Tandaan mo Guzma — HINDI MAAARING MALAMAN NG NAKARARAMI ANG GANITO KONG KAPANGYARIHAN! Maliwanag!?" pag-uulit nito. "Makakaasa ka panginoon! Ligtas ang iyong lihim sa akin!" tugon ni Guzma at tumungo sa harap ni Balrak. ... Kinaumagahan... (Sa Goltus) "Kumusta ang gising ng aking ykam?" nakangiting tanong ni Xelcis kay Kahlim habang nasa tabi ito ni Axus at sila'y nag-aagahan. "Ayos naman po, avun! Mahimbing ang aking naging pagtulog dahil tinabihan ako ni ama!" nakangiti namang sagot ng paslit at tinignan ang amang hari. "Ahh... Kahlim, pagkatapos natin dito ay maghanda ka na — dahil magsisimula na iyong pagaaral at pagsasanay." utos ni Axus. "Kami ng iyong mga avun ang s'yang magtuturo sa 'yo ng mga dapat mong matuntunan!" dagdag nito. "Nang sa gano'n ay maging karapat-dapat kang hahalili sa iyong ama pagdating ng panahon!" sabi naman ni Verdem na my kasamang napaka-tamis na ngiti. "Gusto mo ba iyon?" tanong ni Xelcis at ngumiti sa kanila si Kahlim. "Gustong gusto po, avun!" sagot nito. At napatawa ang magkakapatid dahil bibo itong munting regium. "Ahh, hora?" pagtawag ni Axus sa isa sa mga nakatayo sa kaniyang likuran. "Kamahalan?" "Nasaan si Sype? Bakit hindi s'ya sumabay sa aming agahan?" tanong ng hari. "Ahm, kamahalan, ang inyong kapatid ay hindi pa rin bumabangon. Nasa kaniya pa rin siyang silid at hindi lumalabas." sagot ng hora. "Gano'n ba?" sambit ni Axus na kitang nabahala na naman. "Hindi ko na gusto itong ipinakikita ni Sype, Axus..." saloobin ni Verdem sa hari, "...masyado na siyang nagiging maarte!" "Umaasa pa rin s'ya sa mandirigma." sabat ni Adro at tumingin kay Axus. "Isang beses ay nakausap ko s'ya at hindi man niya ipagtapat ay batid kong ipinapahanap n'ya sa mga ibon ang mandirigmang kinaugnayan niya." salaysay nito. "Ipinahahanap?" pag-uulit ni Axus at agad napaisip, "sa anong kadahilanan kaya?" tanong pa nito at hindi na lang umimik ang kaniyang mga kapatid dahil wala naman silang ibang nalalaman pa. ... (Sa Derrohny) Dumating sa punong bulwagan si Lerzia at nakita ang lolo na may binabasang kasulatan. "Ano iyan?!" tanong niya. "Ang hinihintay mo." sagot ng hari at iniabot ang binabasa. "Pagsang-ayon mula sa Goltus!?" may ngiting sambit ni Lerzia at na-pa-tingin kay Balrak. "Pumayag na si Axus, may bisa na mula sa araw na ito ang kasunduan na tigil-digmaan sa pagitan ng Goltus at ng Derrohny." tugon ni Balrak. "Magandang balilta ito kung gano'n! HAHAHAHA!" ani ni Lerzia na may napakasayang ngiti. "Talagang umaayon rin sa akin ang mga pagkakataon, ang tadhana na mismo ang tumutulong sa akin!" sabi pa nito. "Ano ba talagang mga balak mo? Sa iyong mga kapatid? Kay Axus?" nahihiwagaan nang tanong ni Balrak. "Nais mo talagang malaman, flaio?" tanong ni Lerzia, "makinig at aking hihimayin!" at sinimulan na nga nitong isalaysay ang kaniyang mga gagawin laban sa mga kapatid! ... Nasa Ogsimer si Axus at kasama pa rin ang anak, kasalukuyan naman silang may binabasang aklat dahil tinuturuan na n'ya itong si Kahlim ng mga kaalaman sa salamangka. Masaya silang nag-aaral nang dumating si Capaste. "Salutem, haring Axus!" pagbibigay-galang nito. "Nasa punong bulwagan ang mga pinuno ng kahariang Solmyr at hinihintay na kayo." "Ngayon nga pala ang araw ng aming pagpupulong!?" biglang nakaalala itong si Axus. "Ahhh, Grayda... Halika, ikaw na muna ang magbantay kay Kahlim, may kakausapin lang ako sandali." utos nito at agad na tumayo. "Masusunod, kamahalan!" agad na pagtabi ni Grayda sa paslit. "Si Grayda na muna ang makakasama mo, anak. Babalik rin ako agad." paalam ng hari at lumabas na. Si Kahlim naman ay nagbato ng kakaibang tingin kay Grayda at tila naunawan rin ito ng hora. Tinapik nito ang ulo ng bata at mukhang nagkakaintindihan sila sa kanilang mga mata. ... Samantala, si Sype ay nasa kaniyang silid at nakaupo sa gilid ng kama. Patuloy pa rin s'yang nagluluksa sa pag-ibig na nawala na sa kaniya, tila namanhid na ang kabuuan niya at wala na siyang ginawa kundi ang tumangis at manatili sa dilim ng kaniyang nararamdaman. Kasalukuyan niyang katabi sa kama ang mga kasuotan niyang gaya ng gayak pampalasyo at baluting pang digma, at iba pa. Habang hinihimas niya ang mangas ng isa sa kaniyang damit ay may kumatok sa kaniyang pintuan. "Sype?!" tinig ni Xelcis. Napalingon si Sype sa pintuan at nakita niyang na-kandado niya ito upang walang makapasok. "Sype?! Sype, gising ka na ba?" "Sype?!" patuloy na pagtawag ni Xelcis. Pinunasan ni Sype ang mga luha sa kaniyang pisngi at saka nagsalita... "Oo, Xelcis. Gising na ako!" "May dala akong makakain para sa 'yo. Maaari ba akong pumasok?" tanong ni Xelcis. "Ahhh — m-may ginagawa ako Xelcis... M-maaari bang dalhin mo nalang iyan sa hapag... at susunod rin ako." pagtanggi ni Sype, "May tinatapos l-lang akong gawain." "Ayos ka lang ba? Kailangan mo ng tulong?" pagbubukas-palad pa ni Xelcis. "Ahm, hindi na — hindi na... Kaya ko na ito. Matatapos na rin naman i-ito." pagtanggi muli ni Sype. Nabahala si Xelcis habang nakatayo sa labas ng silid ng kapatid, dama niya ang lungkot sa tinig nito pero ayaw lang aminin. "Sige Sype... Mauna na ako, ngunit — hihintayin kita ha? Magsabay na tayo sa hapag." tugon niya, pero si Sype ay hindi na sumagot pa kaya lumisan nalang s'ya. "Patawad, aking mga kapatid... Tiyak na naapektuhan na kayo sa nangyayaring ito sa akin." sambit ni Sype na pumatak na naman ang mga luha. "Lubha na akong nahihiya sa inyo dahil may kanya-kanya rin naman kayong suliranin — at hindi n'yo na saklaw ang sa akin." "Patawarin n'yo ako mga kapatid!" Muli niyang hinaplos ang mga kasuotan niya saka ito itinago, kasama na ang talaarawan. Pagkatapos ay nagpalit na siya ng gayak, isinuot ang panglakbay niya pati ang roba. Humarap s'ya sa salamin at pinagmasdan ang sarili. "Kailan ba matatapos ang sakit na ito?" tanong niya sa sarili saka s'ya lumakad sa may pintuan at tinanggal ang kandado nito. Lumabas na siya at saka naglakad sa pasilyo. Napadaan siya sa punong bulwagan kung saan nakita niya si Axus na may kinakausap na mga panauhin. Napangiti s'ya nang makita ang mahusay na pakikipag-talastasan ng kapatid na hari sa kahit na ibang mga nilalang. "Kamahalan?!" pagtabi na naman ni Tomzo. "Saan ka patutungo?" tanong nito na may kasama pang ngiti. "Magtutungo lang ako sa hardin — ikaw na ang magsabi sa aking kapatid na hari." bahagyang yamot na tugon ni Sype saka agad ring lumakad. Itong si Tomzo ay ngumisi at tinignan ang isang kwago na nakadapo mula sa mataas na bahagi ng bintana, tumango ito at saka mabilis na lumipad papalayo ang ibon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD