Kabanata 65: Ang kapahamakan

2371 Words
(Derrohny) Lumabas ng kaniyang silid si Lerzia at lumapit sa isang Derronian na nagbabantay sa paligid. "Kawal — nagbalik na ba sila Sebani?" tanong niya. "Hindi pa, regium. Hindi ko pa sila nakikita." sagot ng Derronian. Tumango nalang si Lerzia at saka naglakad habang may ngiti sa mga mukha. Kinita niya sa punong bulwagan si Grayda at isinama ito pabalik sa kaniyang silid. "Kung wala pa sila Sebani ay marahil binabantayan pa rin nila sina Neroz at tiyak nga na bihag na nila ang mga ito!?" sabi ni Lerzia na tila tuwang tuwa. "Ano ba talagang pakay mo sa pagharang kina Neroz na magbalik dito, Lerzia? Hindi mo ba s'ya kakailanganin para sa ginagawa mong hakbang kay Sype?" tanong ni Grayda habang inaayos ang hihigaan ng kaniyang regium. "Ginagamit ko na s'ya Grayda! Lubha ngang nakakaaliw eh HAHAHA!" sagot ni Lerzia na humalakhak pa na parang nasisiraan ng pag-iisip. "A-ano? Hindi ko maunawaan Lerzia?" tanong pa ni Grayda na kitang naguguluhan. "Malalaman mo rin Grayda... Pero sa ngayon ay hayaan mo muna akong magpahinga!" sagot ni Lerzia at biglang humiga sa kakaayos palang na kama. ... (Sa kweba) Nakapiit pa rin ang mga mandirigmang bihag. Lubha na silang naiinip at nangangalay dahil nakagapos pa rin ang kanilang mga kamay. Nagpa-plano na silang tumakas pero ang daming nakapaligid na Derronian sa kanila!— "Hindi ko na gusto ito... Ano bang gagawin nila sa atin!" galit na daing ni Adan. Si Neroz ay palingon-lingon sa paligid upang humanap ng maaari nilang magamit upang mapalaya ang kanilang mga sarili. Sa patuloy niyang paghahanap ay nakita ng kaniyang mga mata ang isang maliit na patalim sa balikat ng Derronian na malapit lang na nakatayo kay Pando. "Psst! Pando!" mahina niyang tawag. "Pandooo!!" At nagising ang bansot... "Bakit ba sutsot ka nang sutsot d'yan Neroz!?" yamot nitong tanong. Hindi sumagot si Neroz at ngumuso lang upang ituro ang nakita niyang bagay. Sa una'y hindi pa ito maintindihan ni Pando pero mabuti nalang dahil nalaman nito ang nais niyang ipa-kahulugan. "AHHH!" sabi nito at napalingon ang Derronian sa kanila. "Tamihimik!!" biglang sigaw ni Sebani. "Ang sungit mo naman!" sabi ni Pando at nilingon muli ang Derronian na pakay niya. "Kaibigan — kaibigan!" pagtawag n'ya dito at nilingon s'ya ng tila galit na kawal. "Nyeee! Huwag ka namang ganiyan, kaibigan. May — may nais lang akong sabihin sa iyo!" pagpapatawa ni Pando pero mukhang hindi naaaliw sa kaniya ang Derronian. "Hoy! May sasabihin nga ako sa 'yo! Halika!" sabi pa niya. Nang lalakad na palapit sa kaniya ang Derronian ay ikinalang n'ya ang kaniyang paa kaya nang madali ito ay napadapa sa lupa ang kawal!— Napalingon muli sila Sebabi pero mabuti nalang dahil hindi na nila pinuntahan pa ang kasama. "Ahhh, hehe pasensya ka na kaibigan. Nakalimutan ko na pala ang sasabihin ko, hehehe!" pang-aasar ni Pando. "GRAAGGHHH!" at galit na tumayo ang Derronian na inambaan pa ang bansot. "Biro lang! Biro lang! — Ito naman, napaka hirap biruin!" sabi ni Pando. At ang galit na Derronian ay lumayo na at pumuwesto sa mas malayo kung saan hindi na siya matatapilok ng mandirigma. Ngunit — hindi niya alam ay nalaglag na sa balikat niya ang maliit na patalim! Dali-dali itong sinungkit ni Pando gamit ang isang paa at saka ipinasa kay Neroz! Nang mapalapit kay Neroz ay agad naman itong naghubad ng suot na sapatos, palihim lang at dahan-dahan upang hindi makita ng mga nakasamid sa kanila. Matapos nitong makapag-yapak ay agad nitong ginamit ang mga daliri sa paa upang kuhanin naman ang patalim at ipasa ito sa kamay niya na nasa likuran. Mabuti at pulido ang mga galaw nitong si Neroz kaya hindi nalaglag ang patalim at nagamit na niya agad upang kalagan ang sarili. Hindi muna ito kumawala agad, bagkus ay ipinagawa rin sa mga kasamahan ang ginawa niya upang sa gano'n ay hindi makakutob ang mga Derronian na sila ay nakakawala na. Sa kabutihang palad rin ay mabilis nilang naisagawa ang pagkilos, nagawa nilang mapakawalan ang mga sarili nang hindi natutunugan ng mga nagbabantay. Palihim nilang isinuot ang kani-kanilang mga sapatos at nang makahanap ng sandali ay sabay-sabay na silang muli na kumilos! "HAGGHHHH!" TALAGANG NAGULAT SILA SEBANI NANG BIGLANG MAKALAYA SILA NEROZ AT HINDI NILA NAPAGHANDAAN ANG MGA ITO! "ANG MGA BIHAG!" sigaw nito at agad na kumilos upang pigilang makaalis ang mga mandirigma! ... (Sa Websa'a) Tahimik na naggagawa ang mga mandirigma nang biglang lumitaw si Sype na nakasuot ng roba. "Regium!!" sigaw ng isa at dali-daling naki-usyoso ang lahat. "Nasaan si Neroz?" malungkot na tanong ni Sype. At isang mandirigma ang lumapit sa kaniya... "Avenila, mahal na regium. Ngunit wala rito ang hinahanap ninyo. Wala pa rito sila Neroz." sagot nito at napapikit nalang si Sype. -------------------------- AVENILA - Paumanhin -------------------------- "Sinasabi na nga ba..." mahinang sambit ni Sype at napapikit. "Hmm... Nagkamali si Axus — wala na talaga kaming pag-asa ni Neroz..." "Hindi pa nagbabalik sila Neroz mula—" mandrigma "Sancte!" pag-awat na ni Sype, "maraming salamat nalang, mandirigma. Ngunit wala na akong iba pang kailangan. Salamat sa pagtugon mo sa akin!" at tumalikod na agad ito saka naglaho! ----------------- SANCTE - Tigil ----------------- "Hindi ba't si regium Sype iyon?!" paglapit agad ng isang nakiki-usyoso. "Oo, at hinahanap si Neroz!" sagot ng naka-usap ni Sype. "Bakit daw?!" "Nakita kong — may lungkot sa mga mata ng regium, kaya... bakit nga kaya?" tanong din ng mandirigma. ... "Matamlay pa rin si Sype... Lubha siyang nagdadamdam sa ginawa ni Neroz." saad ni Axus habang kausap si Verdem sa kaniyang tanggapan. "Kanina'y kung ano-ano ang kaniyang sinasabi at lubha akong nag-aalala sa mga maaari niyang gawin!" "Ayoko mang sabihin ito Axus, pero — naiinis na ako, dahil lang sa isang lalaki ay nagkakaganiyan na si Sype." saloobin ni Verdem. "Para siyang babae na nagmumukmok dahil lang sa iniwan ng kaniyang nobyo!?" "Intindihin mo nalang Verdem... Mga bata pa tayo ay batid na naman nating lahat hindi ba?" tugon naman ni Axus. "Baka kaya nagkakaganiyan si Sype ay dahil sa kinokonsinte mo?" tahasang tanong ni Verdem, "batid kong — sa ating magkakapatid ay sa 'yo s'ya malapit kaya tiyak akong ikaw ang pinagsasabihan niya ng kaniyang mga suliranin." dagdag nito. "Oo ngunit — hindi ko naman s'ya binabayaan. Maging ako ay — ay tutol rin sa kanila ng mandirigma noon!" katuwiran ni Axus na bahagyang nahiya. "Hay, kapatid. Huwag mong mamasamain ang aking tinanong, ako ang higit na mas nakatatanda sa inyong apat kaya tungkulin kong gabayan kayo. Hindi ko pinagdududahan ang iyong pamumuno, batid ko namang mahusay ka at pantas!" tugon ni Verdem at hinawakan ang kamay ng hari. "Oo naman Verdem... Batid ko iyon at salamat!" sagot ni Axus na hinawakan rin ang kamay ng kapatid. "Ahmm, mahal na hari? Regium Verdem?" pagpasok ni Bella sa silid. "Ohh, gelliu, anong sa atin?" malugod na pagpapatuloy ni Verdem. "Ahh, magtatanong lang ako kung nakita n'yo ba si Adro? Kaninang umaga ko pa kasi s'ya hindi nakikita." tanong ng prinsesa at nagkatinginan ang magkapatid. "Oo nga, nasaan nga si Adro!?" tanong din ni Axus. ... (Sa mga mandirigma) Nagawang mapagtulungan ng walong nakalaya ang laksang mga kawal-Derronian. Sama-sama silang nakalabas ng kweba pero laking gulat naman nila nang makitang napakatarik pala ng kinalalagyan nila! "Sundarava!!" sambit ni Adan at napatigil sila. "Saan tayo, pinuno?!" tanong ni Elessar. "Hindi ko tiyak! Hindi ko kabisado ang kabundukang ito!" sagot "Ayon ang mga mandirigma, HULIHIN SILA!!" tinig ni Sebani at napalingon na naman sila Neroz. "Kailangan na nating kumilos! Hindi na nila tayo pwedeng mabihag!" saad ni Adan at nang kikilos na sila ay biglang may nag-aapoy na balang dumaan sa kanila! Sa gulat ay muli silang napalingon at nakita na naman si Sebani na may hawak nang baril! "Apmevento!" sambit ni Neroz. "Anak! Ang iyong mga paa?! Bakit hindi ka pa nagsusuot ng saplot riyan?!" nagmamadaling tanong ni Adan. "Hindi na mahalaga 'yan ama, kumilos na tayo!" sagot ni Neroz at dali-dali na nga silang nagsipag-unahan upang iligtas ang kani-kanilang mga sarili! "HUWAG SILANG HAYAANG MAKATAKAS!" sigaw pa ni Sebani habang inaasinta ang bawat Jezam na tumatakbo! Pagkalabit n'ya sa gatilyo ay mabilis na naglakbay ang bala patungo kina Adan! BIGLANG NAGKAROON NG PAGSABOG SA PUNONG NADAANAN NI PANDO! S'YA ANG DAPAT AY TATAMAAN! "Apmevento!" sambit ni Sebani at muling inasinta ang mga tumatakas. Sa pagkakataong ito ay si Almer na ang kaniyang tinamaan! "AGHHH!" daing ni Almer at muntikan pang madulas ang mga paa dahil sa hita ito tinamaan at pababa na ang kanilang kinalalagayan! "Almer! May tama ka!" saad ni Adan na agad nilapitan ang binata. "A-ayos lang ito pinuno — hindi gaanong m-masakit!" may hingal na tugon ni Almer. "Bilisan na natin! Nariyan na sila!" aya ni Adan at inakay na si Almer! Hindi pa man sila nakakalayo ay may mga naghagis na kanila ng maraming garnamen! ------------------------ GARNAMEN - Granada ------------------------ Nagputukan ang mga ito nang pagkalakas-lakas kaya naantala ang pagkilos ng mga mandirigma! "Apmevento!" tinig ni Neroz na hindi makita ang mga kasama dahil sa kapal ng usok. "Pinuno!! Nasaan kayo?!" tinig rin ni Pando. Nang mahawi ang mga usok ay muling nagkita ang magkakasama at naglapit-lapit agad sila!— "Talagang hindi tayo pakakawalan ng mga cerapal na ito!" inis na sambit ni Adan. At nagsimula na naman silang kumilos — HABANG HINAHAGISAN PA RIN NG MGA GARNAMEN AT BINABARIL! Patuloy lang na tumatakas ang mga mandirigma... ...nang sa kasamaang palad ay TINAMAAN SI NEROZ! "AGGGGH!" natigil ito sa pagtakbo at laking gulat ng kaniyang mga kasama! "N-Neroz?!" kinakabahang sambit ni Elessar at NAKITA NILANG LAHAT ANG DUGO SA KASUOTAN NI NEROZ! Tumagos ang bala sa likuran nito at lumabas sa dibdib!— "A-ama..." sambit ng binata at nang itataas ang kamay ay may pumutok muling garnamen! "NEEEEEROZZZZ!!" sigaw ni Adan nang makita ang anak na tumilapon na at gumulong-gulong pababa! "NEROOOOZZZ!!" "Neroz!???" tulalang sambit ni Pando at gulat sa napakabilis na tagpong iyon. Hindi nila nakita pa kung saan napadpad si Neroz dahil sa kapal ng usok— Hanggang sa binato na naman silang muli ng isa pang granada! "MGA HAYOP!!" sa galit ni Adan ay mabilis nitong dinampot ang pampasabog at BUONG LAKAS ITONG IBINATO PABALIK KINA SEBANI! "MAGSASAMA-SAMA KAYO SA HEFRU!!" sumpa nito habang may luha rin. Sumabog na ang garnamen at hindi din nila nakita kung ano ang nangyari sa mga Derronian... "W-wala na si Neroz?!" tanong ni Pando na hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. "Pinuno... Wala na s-si Neroz... T-tayo na." aya ni Istalam sa kanilang pinuno na napaluhod na sa pagtangis. "Neroz, anak!!! HAGGGHHH!!" sigaw nito. Si Neroz ay napadpad na sa ibaba at masukal na bahagi ng kagubatan, nakadapa siya at mukhang wala na ngang buhay... ...nang biglang lumitaw ang isang nilalang! "Kaawa-awang Neroz... Tsk tsk!" sabi nito at hinaplos ang ulo ng binata. "May buhay ka pa — napaka palad mo!" pag ngiti nito at biglang naglaho kasama na rin si Neroz! ... Nagbalik na sa Goltus si Sype at dumaretsoito sa balkonaheng hilig niyang pamalagian. "Hindi ako naniniwalang wala ka sa inyong kuta, Neroz..." may pagdududa nitong sabi at kitang naluluha. "Marahil ay ayaw mo na nga akong makita kaya nagpapanggap kang wala." At inilabas naman ang hiyas ng hangin... "Ngunit — may kakaiba rin sa aking nararamdaman... at hindi ako matatamihik hangga't hindi ko alam kung tinataguan mo lang ako o kung nasaan ka talaga." sabi nito sa sarili. "Hiyas... Inuutusan kitang hanapin ang kinaroroonan ng mandirigmang si Neroz... Hanapin at tuntunin mo ang tunay niyang kinaroroonan... Upang malaman ko naman kung — dapat na ba akong tumigil." malungkot nitong pagsamo sa asul na hiyas. Nagliwanag ang hiyas at maya-maya lang ay biglang nagdatingan ang napakaraming ibon na s'yang sugo ng hiyas ng hangin at gagawa na inuutos ng regium. "Libutin n'yo ang buong Majezenty at hanapin ninyo ni Neroz!" utos ni Sype sa mga ibon at dali-dali nang lumipad ang mga ito palayo! "Kapag nagbalik kayo nang alam na ang kinaroroonan niya... ay tatanggapin ko itong isang tanda na dapat ko pa siyang ipaglaban!" sambit pa ni Sype na kitang may kaunti pang pag-asa sa mga mata. "Regium?!" pagdating ni Tomzo at tinabihan siya, "mag-isa kang narito?" tanong nito. Pero si Sype at hindi namansin at dali-dali nalang umalis na akala mong walang kumakausap sa kaniya. "Hay Sype... Tama nga ang aking regium... Masyado kang mahuna!" pagngisi nitong si Tomzo at napatingin sa kalangitan. Natanaw pa rin niya ang mga kakaalis lang na ibon at napaisip s'ya kung anong mayroon sa mga ito — lalo't  nakita n'ya si Sype na kinakausap ang mga ito pero hindi niya ganap na narinig ang mga bagay-bagay. ... Samantala, si Adro na may kasamang ilang kawal Goltian ay nasa kabundukang pinagganapan ng trahedya kina Neroz. Nag-aabang sila ng pupuntiryahing halimaw nang bigla niyang natanaw ang mga nakaligtas na mandirigma na bumababa na ng kabundukan. Natigilan siya nang kilalanin si Pando, natatandaan kasi niya ang laban nila noon sa mga berberoka kung saan dumating ang mga kilalang wangis na ito. Napalingon sa kaniya si Pando pero hindi na ito kumibo pa dahil sa pighati pa rin na nalagas sa kanila si Neroz. "Bakit regium? Kilala mo sila?" tanong ng isang kawal, "nais mo bang pabalikin namin sila?" "Sancte!" sagot ni Adro, "naalala ko lamang sila... Tila sila ang mga nilalang na kapanalig ng mandirigmang kinaugnayan ni Sype." sabi nito. "Mukhang may kakaibang nangyari sa kanila ah?" dagdag pa ni Adro. Ang mga mandirigma ay payapa namang nakabalik sa kanilang lupain at doon ay masaya silang sinalubong ng kanilang mga kasa-pangkat. Lahat pa ng mga ito ay nakangiti habang sila Adan ay tila pinagsakluban ng langit at lupa ang mga mukha. "Narito na sila!!" sigaw ng isa at agad na naglabasan ang lahat. "Maligayang pagbabalik, pinuno, mga kasama!!" pagbati ng lahat ngunit di naimik ang mga dumating. "A-anong nangyari? Bakit ka'y lalamig ng iyong bungad?" tanong ng isang nakatatandang mandirigma. "Sandali — N-nasaan si Neroz?" tanong pa. Tinaas ni Adan ang kaniyang ulo at umiling-iling lang saka na lumisan agad at nagtungo sa kaniyang kubol. Naiwan tuloy na nagtataka ang lahat ng Jezam dahil wala ni isa sa kanila ang naglahad sa tunay na naganap, mga hindi sila umiimik ito at nagkanya-kanya nalang matapos magbalik. "Anong nangyari sa mga iyon?!" tanong ng isang mandirigma.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD