Kabanata 69: Ang kapalaran ng mga sorsero

2481 Words
Muling nagbalik sa kinaroroonan ni Sype si Lerzia at doon ay naabutan niya si Fellian at kinakausap na ang kaniyang kapatid! "APMEVENTO!" agad na itong inatake ng enerhiya! "Layuan mo si Sype kung hindi mo ibig na muli na naman tayong magkasakitan!" pagbabanta niya. "Talagang gagawin mo ang lahat para sa iyong katawan sa kapangyarihan ha Lerzia?" tanong ni Fellian na halatang niyayamot ang regium. "Napaka pakielamero mo talaga, ano kaya kung burahin din kita sa Majezenty!?" bulyaw ni Lerzia at itinayo na ang kapatid. "S-sino ka?" tanong ni Sype na wala nang nakikilala. "Huwag mo nang ituloy ito Lerzia, lalo mo lamang hahatiin ang inyong pagkakapatiran!" pakiusap na naman ni Fellian. "Wala kang magagawa laban sa akin! Hindi mo ako kaya, Fellian!" palalo namang tugon ni Lerzia. "Sige — kung kinakailangang kalabanin kitang muli upang mapigilan ko ang iyong tuluyang pagyakap sa kasamaan ay humanda ka na!" saad ni Fellian at agad na tinawag ang sandata niyang Ybaz na nasa anyong espada na agad! "Tumabi ka muna!" utos ni Lerzia kay Sype at nang layuan s'ya nito ay binigyan n'ya ng panangga upang hindi pa rin makuha ni Fellian kapag nagkataon. "Umpisahan na natin ito!" aya ni Fellian at s'ya nang naunang sumugod! Nag-espadahan kaagad sila ng napaka bilis at pagalingan sa paglaban ng atake ng bawat isa! Pataas na iginalaw ni Lerzia ang kaniyang malaking espada pero na-salag ito ni Fellian, tapos ay pakaliwa naman siyang umatake pero nahawi naman din ito ng kaniyang katapat at siya'y dinibdiban at sinipa! "AGHH!" pag-atras niya. "Huwag ka na kasing makipag-matigasan. Ibalik mo nalang si Sype sa Goltus!" pagngisi ni Fellian. "MANIGAS KA!" at sumugod nang muli si Lerzia! Nag-espadahan silang muli. Magkabilang gilid ang iginalaw ni Lerzia pero pareho itong nakontra na naman ni Fellian, nang ito naman ang kumilos ay pababa ang mga atake at nagawa ring malabanan ng regium! Sasaksakin na nga sana ni Lerzia si Fellian pero na-salag na naman nito ang kaniyang sandata at umikot saka siya sinugatan sa braso! "Aagghh! Aghhh!" daing na naman niya. "Isisiwalat ko sa iyong mga kapatid ang iyong labis na kasamaan! Hindi ako papayag na magtagumpay ka sa iyong mga masasamang harangin!" bulyaw ni Fellian. "Paano mo gagawin 'yan eh hindi ka nga nakaka-apak ng Goltus?! HAHAHAHA!" tugon ni Lerzia nang makatayo. "Hindi pa rin ikaw ang panalo... AKO!!" sigaw nito at agad na inatake ng pinaghalong itim at hangin na salamangka ang sinaunang sorsero! "AGGGHHH!" At itinulak na ni Lerzia ang pwersa kaya bumagsak na sa damuhan si Fellian!— "Paalam sa ngayon, Fellian!" pagngisi ni Lerzia, "magtatapat tayong muli ngunit hindi muna ikaw ang pangunahin kong pakay!" at hinawakan nito si Sype saka mabilis na naglaho! "Aghhhh, apmevento!" ngitngit ni Fellian at nang tatayo ay nakitang tumabi sa kaniya ang may malay nang si Vappo. "Hay... Nakuha na ni Lerzia ang iyong kaibigan." sabi niya sa cerapal at hinimas ito sa ulo. Nakarating agad sa kagubatan ng Goltus sina Lerzia at Sype, pagkalitaw nila ay agad na napa-hiyaw itong si Lerzia dahil sa hapdi ng sugat na natamo n'ya kay Fellian, habang si Sype ay tulala nalang, palingon-lingon at naninibago sa kaniyang mga nakikita. "Tss... Saka na muna ito..." sabi ni Lerzia. "Halika Sype, sumunod ka sa akin! Mayroon tayong pupuntahan!" aya nito sa kapatid ay agad na rin silang kumilos. ... (Sa Goltus) Magkasamang naglalakad sa pasilyo sina Axus at Lawag habang kasunod ang ilan sa mga hora. "Nitong mga nakaraang araw ay pansin ko na abala ka, kamahalan. May bumabagabag ba sa iyo?" tanong ni Lawag. "Hay Lawag... Si Sype — s'ya ang aking pinaka inaalala." sagot ng hari. "Kakaiba ang inilayo niya sa dating siya matapos ang — ang pagkawala nila ng mandirigma." "Kaya ka ba madalas na abala? Nalilimutan mo na ang iyong sarili mahal na hari. Nabubuhay ka nalang sa pagdadala sa mga hindi mo naman suliranin." tugon ni Lawag. "Kapatid ko sila Lawag... At ang suliranin nila ay suliranin ko rin." pagngiti ni Axus sa kawal at tinapik ito sa balikat. "Huwag kang mag-alala sa 'kin, kaya ko naman ang aking sarili!" At napangiti rin ni Lawag... "Ikaw? Ano'ng balita sa iyo?! Wala ka ba'ng gagawin?" tanong naman ni Axus. "Mayroon ka na ba'ng sinusuyo?! Sabihin mo naman!" pangangantyaw nito. "Hahahah, wala Axus! Ano ka ba baman." sagot ni Lawag na bahagyang nahiya. "Sa totoo nga'y magpapaalam sana ako sa 'yo?—" pagkamot nito sa ulo. "Ano iyon?" tanong ni Axus at tumigil sila sa paglalakad. "—nais ko munang iwan pansamantala ang aking tungkulin rito upang makapagpahinga. Hindi maganda ang aking pakiramdam eh." pagpapaalam ni Lawag at dagli s'yang hinaplos ng hari. "Mainit ka nga! — may nararamdaman ka na pala pero tumuloy ka pa rin dito?" pag-aalala nito. "Wala naman ito kanina eh — bigla ko lang naramdaman ngayon." pagngiti ni Lawag. "Hay Lawag... Simula paslit pa lamang tayo ay sakitin ka na!" pabirong sabi ni Axus, "Ngunit sige, pinapayagan na kita. Magpahinga ka ha! Kailangan mo'ng palakasin ang iyong kalusugan!" pagbibigay-pahintulot nito. "Maraming salamat, kamahalan!" pagngiti ni Lawag at saka tumungo. "Halika, hayaan mong samahan na kita palabas, may dadaanan rin ako sa silid ng konseho." aya ni Axus at masaya na nga silang tumuloy sa paglalakad habang nagku-kwentuhan pa rin ng ilang mga bagay. ... Nakarating na sa bukana ng lagusan ng Ayralum sina Lerzia at Sype. Bago pumuwesto ay tinignan muna ni Lerzia ang paligid upang makita kung may iba bang nilalang sa paligid. Nang matiyak na wala ay inilabas na niya mula sa roba ang nakatagong susi ng lagusan! "Ayralum emalayde!" bigkas niya at mabilis na nagliwanag ang susi! ------------------------------------------------ Ayralum emalayde - "Buksan ang lagusan!" ------------------------------------------------ Hanggang sa mabuo na nga ang salamangka ng lagusan at magtagumpay si Lerzia na buksan ito! "Mahal kong kapatid — tayo na!" aya niya at inabot ang kamay sa kapatid. Nang hahawakan na ito ni Sype ay biglang may nagwawalang halimaw ang sa kanilang dalawa'y nanggulo! "AGGHHH!" daing ni Lerzia nang mapatalsik s'ya matapos suwagin ng nilalang! "APMEVENTO!" Isang kakaibang halimaw ang umatake sa kanila. Maihahalintulad ito sa isang toro na may napakaraming mata sa mukha at labis ang laki! Kulay pula ang balat nito at may hindi karaniwang tubo ng mga sungay — bukod ba naman sa magkabila nitong sungay sa noo ay mayroon pa itong mga sungay sa ibang bahagi ng katawan! Si Sype ay napa-dapa sa lupa at muntikan pang humataw ang mukha sa bato, buti nalang at naikalang nito ang kamay. "Sundarava! Saan ka nangmula, dambuhalang halimaw!" gulat na tanong ni Lerzia nang makabangon. Umungol ang halimaw at pinagpapadyak ang paa nito sa lupa — wari bang naghahanda upang suwagin na naman ang regium! "Sype!?" pagtanaw ni Lerzia sa kapatid at nakita n'ya itong tumayo na! "GRRRRR!" pag-atungal ng halimaw. "Sundarava... ABALA KA!" may kabang sigaw ni Lerzia. Dahil naninibago itong si Sype sa kaniyang mga nakikita ay lumakad s'ya papasok sa lagusan!— Sa kagubatan ring iyon ay naroroon si Lawag! Hinahanap nito ang iminungkahing halamang gamot ni Axus na siyang makakapag-pabuti ng kaniyang nararamdaman. Nang sa pagtingin-tingin nito sa kalupaan ay bigla niyang nakita ang bukas na lagusan — AT NATANAW SI SYPE NA PUMASOK NA RITO! "Sype!?" sambit niya at saka naman natanaw rin ang isang dambuhalang nilalang at may aatakahin na isang majezan — hindi n'ya nakilala na isa rin itong regium, si Lerzia. "SYPEEE!!" sigaw naman nitong Lerzia nang makita rin ang pagpasok ng kapatid sa Ayralum! Dali-dali nang tumakbo si Lawag patungo sa lagusan at humarap dito. "Regium Sype!?" kinakabahan niyang sambit dahil hindi na niya alam ang gagawin. AT DITO NA MULING SINALAKAY NG DAMBUHALANG HALIMAW SI LERZIA! "AGGGHHHH!!' "Sype... Sype..." paulit-ulit na sambit ni Lawag at hinugot na ang espada niya. Nilingon n'ya ang nilalang na inaatake ng halimaw at saka niya ibinalik ang paningin sa Ayralum. HANGGANG SA TINAWID NA RIN NIYA ANG LAGUSAN! "HAGGGHHH!" buong pwersang inatake ni Lerzia ng itim na enerhiya ang halimaw at napaurong n'ya lang ito. "Sype? Sype!?" paglabas ni Lawag sa lagusan ay nasa esknita na siya at nakita niya si Sype — na naglalakad na patungo sa kalsada! "Sype! Sype!!" dali-dali siyang tumakbo at hinabol ang regium. "Sype, sandali!" pag-awat niya. "S-sino ka?!" tanong sa kaniya ni Sype. "Ako si Lawag, Sype. H-hindi mo ako nakikilala?" nagtatakang tugon ni Lawag. "P-patawad, ginoo — ngunit hindi kita kilala... Bitiwan mo ako." tugon ni Sype at dito na nahiwagaan sa kaniya ang kawal. "Hindi mo ba ako nakikilala?" tanong muli nito, "—may hindi tama... Halika, sumama kayo sa akin, babalik na tayo sa ating mundo!" aya nito at inakay agad si Sype pabalik sa lagusan. "Lubayan mo ako pranar na halimaw — wala akong panahon sa iyo!" sigaw naman ni Lerzia at nang ilabas na ang hiyas ng dilim ay dito na lang natakot ang nilalang. Dali-dali itong umatras hanggang sa kumaripas na ng takbo palayo! "HAGGHHH!" sigaw muli ng regium at naramdaman na ang hapdi sa katawan. Napaka rami ba naman niyang natamong sugat mula sa sungay ng halimaw. May tama siya sa mga balikat, sa hita, pati na sa mukha. Tapos ay agad rin niyang binalikan ang lagusan at ito'y tinapatan... "Nakatawid nang mag-isa si Sype..." sabi niya na may halong pag-aalala. "...Ang tadhana nalang marahil ang bahala sa iyo." dagdag niya at mabilis na inilabas ang hiyas ng hangin. "Hiyas ng hangin, inuutusan kita — pangalagaan mo ang aking kapatid sa mundo ng mga mortal!" utos niya at nagliwanag nang mas malakas ang hiyas! "Nawa, kahit siya'y wala sa Majezenty ay maabot pa rin siya ng iyong kapangyarihan upang magawa niyang makasabay sa ibang mundo na kaniyang kinahantungan... h-huwag mong hayaang may mangyaring masama sa kaniya." At naglabas ng asul na liwanag ang hiyas at tumagos ito sa lagusan! Sina Lawag at Sype na papabalik na sa pinanggalingan nila ay natigil dahil sa sila ang nilapitan ng liwanag, inikutan sila nito at saka sila binalot na dalawa! "A-ano ang liwanag na ito?!" tanong ni Lawag at tiningala ang liwanag. Matapos maubos ng liwanag ay agad nang itinago ni Lerzia ang hiyas. Inilabas niyang muli ang susi ng Ayralum at ito'y itinaas— "Ayralum zubala!" ----------------------------------------- Ayralum zubala - "Isara ang lagusan!" ----------------------------------------- "Tayo na, regium!" saad ni Lawag at lumakad na silang muli. Ngunit wala na ang lagusan! NAG-SARA NA ITO! "Hindi — hindi, hindi!!" pagkagulat ni Lawag nang wala na siyang makitang anumang salamangka sa kanilang kinaroroonan! "Nasaan na — nasaan na ang lagusan!??" tanong niya sa sarili. "APMEVENTO!" at sinuntok niya ang pader. "WALA! Wala na!" "Naiwan na tayo rito!" Napahawak nalang siya sa kaniyang batok at saka tinignan si Sype. Malaki talaga ang pagtataka niya rito, palibhasa'y 'di alam ang nangyari sa mga kamay ng mismong kapatid. "Hoahhh... Kailangan kong mag-isip..." sabi niya at saka muling tinanaw ang kalsada. Nakaligtaan niyang namangha nga pala siya nang muli makita ang mundong kinalakhan. Ang ginawa n'ya ay lumakad s'ya at lumabas ng eskinita, saka niya namalas ang mga dumadaang sasakyan at unti-unting nang nagbalik ang masasaya niyang alaala at kabataan sa mundong ito ng mga mortal! Napangiti na siya nang maramdaman ang hangin sa kaniyang balat. "Narito na akong muli!" sambit niya na bahagya ring pumatak ang mga luha dahil naalala ang yumaong ina, si Mildred. Nang matapos ang kaniyang pag-alala ay binalikan niya agad si Sype nang may kaba pa rin sa dibdib... "Hindi ko batid kung ano nang aabutin natin sa mundong ito — hindi mo ito kabisado at hindi na rin ako ganoong ka-sanay dito... Ngunit halika na, kailangan pa rin nating magpatuloy! Hahanap pa rin tayo ng paraan kung paano tayo makakabalik sa ating mundo, sa ngayon ay — maghanap na muna tayo ng makakanlungan." aya niya sa regium at nakatitig lang ito sa kaniya. Hindi nalang niya ito inusisang muli, bagkus ay lumakad na sila upang humanap na nga mapupuntahan. ... Samantala... Gumabi na sa Majezenty at si Lerzia ay nagbalik na sa Goltus at nakipagkitang muli kay Grayda upang utusan itong ibalik na ang susi sa taguan. "Kumusta ang iyong naging gawain?" tanong ni Grayda. "Tagumpay! Naalis ko na si Sype sa hanay—" sagot ni Lerzia at tumigil sa paglalakad, "—at nakuha ko pa ang kaniyang hiyas!" At inilabas nito ang mga hiyas na kaniyang hawak! Ang hiyas ng dilim at hangin! "Binabati kita, aking regium!" tanging nasambit ni Grayda nang mamasdan ang kaniyang alaga. "Walang kahirap-hirap Grayda, kung katulad lang ni Sype ang iba ko pang kapatid ay tiyak na magiging madali na ang susunod kong hakbang!" saloobin ni Lerzia at itinago na ang mga hiyas. "Ngunit hindi, ngayon na wala na si Sype ay may natitira pang apat na mauutak at hindi madadaling malokong mga kapatid. Hindi na ako maaaring makipaglaro lang, Grayda. Kakailanganin ko nang mag-ingat! — at pag-isipan ang mga susunod kong gagawin dahil tiyak na hindi magiging madali ang pag-agaw ko sa natitira pang hiyas ng aking mga alibughang kapatid!" tuso nitong sabi habang naglakakad na sila patungo sa pagdadalhan ng susi. Kumpyansa s'ya sa kaniyang pagraos kay Sype, ngunit lingid sa kaniyang kaalaman ay may kasama ito sa mundo ng mortal, iyon nga si Lawag na hindi niya batid ay nakatawid rin pala sa lagusan! (Sa ibang dako ng kaharian) Kasalukuyang inaamo at kinukwentuhan ni Axus ang kaniyang matalik na kaibigan, si Yanni, isa ring dambuhalang lobo na alaga ng Goltus. Kulay puti naman ang mga balahibo nito at may napakaraming buntot. Matatandaang nasabi noon ni Talya na may apat na malaking asong lobo ang Majezenty at dalawa sa mga ito ang alaga ng palasyo, iyon nga sina Yanni at Furra, na nauna nang makikala ni Axus noong bata pa lamang s'ya. Ngayon ay si Yanni na ang kaniyang alaga at hilig amuin, ngunit pareho naman silang matalik na kaibigan sa hari, lalo't ang mga ito pa ay hilig matulog sa tabi ng trono niya. Madalas nga lang din mag-away ang mga ito dahil kay Yanni na may kakulitan at hilig laging makipaglaro, eh si Furra naman ay madaling bugnutin. "Axus!?" humahangos na pagdating ni Xelcis kaya't nagising si Yanni. "Xelcis, bakit ka humahangos?" pagtataka ng hari. "Axus, nakita mo ba si Sype?" tanong ni Xelcis, "n-nakita mo ba s'ya?" "Ahm... Hindi, bakit? Ano'ng nagaganap?" tugon ni Axus. "Kanina ko pa s'ya hindi nakikita. Nagtungo ako sa kaniyang silid upang ayain siyang kumain ngunit sinabi n'yang maghintay nalang ako sa hapag at susunod s'ya — ngunit inabot na ako ng ganitong oras sa kakahintay roon pero hindi s'ya nagpakita!" salaysay ni Xelcis. "Oh? Ano'ng ibig mong ipakahulugan?" tanong ni Axus na ayaw aminin ngunit tila iisa sila ng iniisip ng kapatid. Lumakad s'ya at tumanaw mula sa balkonahe. "May duda akong may nangyayari nang masama sa kaniya... Nawawala na s'ya!" tahasang sagot ni Xelcis at sinundan ang hari. Napalingon agad sa kaniya si Axus at sa kanilang titigan palang ay halatang sumasang-ayon na ito sa kaniya!—
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD