Kabanata 29: Muling pagtatagpo nina Axus at Balrak

1825 Words
Si Axus ay nasa hardin, sa labas lang ng Goltus at kasama na niya si Lawag at naglilibot lang sila upang tignan ang iba pang hiwaga at ganda ng bagong mundo na kinabibilangan nila. Nauuna sa paglalakad si Axus habang si Lawag ay tumitigil sa bawat bagay na makita n'ya, di tuloy nila namalayan na nagkalayo na sila sa isa't isa. "Ang ganda talaga dito 'no?" sambit ni Axus pero walang nasagot sa kaniya, kaya lumingon s'ya at nakitang wala pala sa likuran n'ya si Lawag! "Ahhh, Axus? Hindi kaya pagalitan tayo ng tatay mo kasi lumabas tayo nang hindi nagpa-paalam?" tanong ni Lawag at maging s'ya ay walang narinig na sagot dahil wala rin sa tabi n'ya ang kaibigan. Magkalayo na sila. "Huh? Nasa'n na 'yun?" taka n'yang sabi at nilingon-lingon ang paligid. "Bata! Hindi ba't ikaw ang anak ni Urio?" dumating ang maraming kawal sa pangunguna ni Capaste. "Ahh, opo, ako nga po." sagot ni Lawag. "Nakita mo ba si Axus? Magkasama ba kayo?" tanong ng apram. "'Yun na nga po eh, magkasama kami kanina pero bigla po s'yang nawala!" kinakabahang sagot ni Lawag. "Sundarava! Halika, sumama ka na sa amin, hanapin natin ang prinsipe." aya ni Capaste sa paslit at nagmamadali na silang umalis upang galugarin ang hardin. ------------------------------- SUNDARAVA - Kamalasan ------------------------------- "Lawag?! Lawag?!! Nasaan ka, hoy?!" pagtawag ni Axus habang tinatahak ang pinanggalingan niya kanina. Hanggang sa bigla nalang sumulpot ang mga nilalang na may nakakatakot na wangis! Ang mga Derronian at s'ya'y hinarang! "AAAHHHHHH!!!" sigaw ni Axus at napa-atras, tangka s'yang tatakbo sa kabilang dako pero may dumating rin na iba pang Derronian at pinalubutan na s'ya! "Apmevento, buhay ka pa nga!" pagdating ni Balrak. "—ikaw?!" gulat na sabi ni Axus dahil natandaan n'ya kung sino ang umatake sa kanila noon. "Ikaw nga! Pinaslang mo ang aye ko!" "At akala ko rin ay napaslang na kita — hindi pa pala?!" ngitngit ni Balrak. "Hawakan s'ya!" Dadakmain na ng mga Derronian si Axus nang bigla itong umatake ng malakas na enerhiya sa magkabilang kamay! "Sundarava!" si Guzma na ang kumilos at nang huhulihin n'ya ang bata ay mabilis naman itong naglaho at lumitaw sa likod niya at inatake rin s'ya gamit ang mahika! "Apmevento!" galit na sambit ni Balrak at hinugot na agad ang espada n'ya. Tangka na niyang tatagain si Axus pero ginamitan naman s'ya nito ng kapangyarihan upang patalsikin! Sa isang malaking puno s'ya tumama kaya lubha s'yang nasaktan. Kumilos naman ang mga kawal upang sugurin ang bata pero nang palapit na sila ay dumating naman ang isang sandata at pinangalagaan nito ang prinsipe! "Isang payong?—" takang sabi ni Axus dahil tila may buhay ang sandatang nag-ligtas sa kaniya laban sa mga Derronian, pagkatapos nitong atakihin ng salamangka ang mga kalaban ay pumunta naman ito sa kan'ya at waring nagpapahawak! Dahan-dahan n'yang hinawakan ang hawakan ng sandata at nagliwanag ito na may kasama pang mga pag-kislap! "WOW!" manghang sabi ng bata dahil sa ganda ng "payong" na iyon, na hindi n'ya alam ay ang Raejin pala; ang sandata ng kaniyang ama. "Paslangin ang bata!!" utos ni Balrak nang makalapit muli. Walang ano-ano ay inatake sila ni Axus ng nagliliwanag na salamangka mula sa sandatang hawak nito! Sa gulat ay mabilis na umilag sina Balrak upang hindi matamaan!— "Kakaibang pwersa ang pinapakita n'ya!" ani ng Derronian. "Paano natin s'ya mapapaslang panginoon!" kinakabahang tanong ni Guzma. Nang makita ni Axus na naka-taob na ang mga humarang sa kaniya ay binuksan niya kaagad ang payong na hawak at unti-unti siya nitong inilutang! "Halzu'i fanta!!!" bigkas ni Balrak at nakapag-labas s'ya ng itim na salamangka sa kaniyang kamay. Umikot ito sa katawan ni Axus at ito ang pumigil upang ito'y makatakas! ------------------------------------------- Halzu'i fanta - "Pigilan ang pagtakas!" ------------------------------------------- "AGHHHH!!" daing ng paslit na nananatiling nakalutang sa hangin at nababalot ng itim na kapangyarihan! "AXUS!!" at natunton na nina Lawag si Axus. "Apmevento — pakawalan mo ang anak ng hari!" utos ni Capaste sa kalaban. "Hahahaha, inuutusan mo ako kawal?" nakangising tanong ni Balrak. At sinugod ng mga Derronian sina Capaste, napalaban tuloy ang mga ito at si Lawag ang siyang kumilos upang iligtas ang kaibigan. Dinampot n'ya ang isang malaking bato at inihampas ito sa balikat ni Balrak! "AGHHH!" daing ng hari at nabitawan na si Axus. "Apmeventong bata!!" "Umalis na kayo, mga Derronian! Kung ayaw n'yong makarating pa ito sa amang hari... ALIS!" sigaw ni apram at sa takot ay umatras ngang muli ang panig ni Balrak! "Axus! — Axus! Tiyak na mananagot tayo nito sa kamahalan." nag-aalalang sabi ni Capaste habang tinatapik sa mukha ang hindi magising na prinsipe. Binuhat na niya ito at saka sila nagmadaling bumalik sa palasyo upang ipaalam sa hari ang mga nangyari. Naiuwi nila ng ligtas si Axus at nalaman na rin ng hari ang mga bagay, pinadala nalang niya sa kaniyang silid ang anak at doon ito pinagaling gamit ang mga hiyas. Pero wala pa rin itong malay kaya minabuti muna ni Roman na iwan ito upang makapagpahinga at makabawi rin ng lakas. ... Kinahapunan ay nagmulat ang mga mata ni Axus, nagising na s'ya at nakita ang kinalalagyan. Dito na bumukas ang pinto at pumasok naman si Lerzia. "Axus! Mabuti at malay ka na!" natutuwa nitong sabi at agad na lumapit sa kaniya. "Narinig ko ang nangyari, tinambangan ka raw ng mga Derronian?" tanong ni Lerzia. "Hay! Ikaw naman kasi, 'wag kang sumasama sa mga mababang uri ng nilalang. Mapapahamak ka lang!" "Hindi naman kasalanan ni Lawag 'yon 'no! Saka naiwan ko s'ya eh, nauna ako sa kaniya kaya ako nakita nung pangit na kalaban." paliwanag ni Axus at napatawa silang magkapatid. "Mag-iingat ka, tignan mo tuloy ang nangyari sa 'yo! Hindi mo kakayanin si Balrak, Axus." bilin ng nakatatanda. "Balrak pala pangalan n'ya?" saad ni Axus, "s'ya ang pumatay sa nanay ko at kay aye... Gagantihan ko s'ya, gaganti ako!" sumpa nito. "Aye? Sinong aye?!" naguguluhang tanong nitong si Lerzia. "Hindi pagganti ang palaging sagot, Axus..." pagdating ng amang hari. "Ama?!" bati ni Lerzia. "Wag mong hayaang kainin ka ng galit Axus. Hindi ang talim ng iyong sandata ang papawi sa lahat ng sakit na nariyan sa kalooban mo." wika ng amang hari at tumabi sa kaniyang bunsong anak. "Kung papaslangin mo s'ya ay wala ka ring pinagka-iba sa kaniya, tandaan mo palagi ang mabuti — at TAMA." dadag nito. Napaisip bigla si Axus dahil tama na naman ang kaniyang ama at may kabuluhan nga ang sinabi nito. Paano mo nga naman mapapaslang ang isang halimaw nang hindi ka nagiging katulad nito? "Okay po, tatandaan ko po 'yan." malambing na bigkas ni Axus. Ngumiti si Roman at agad na ipinatong ang ulo ng anak sa kaniyang balikat. "Ngunit humahanga ako... Dahil nagawa mong ipagtanggol ang iyong sarili. Magaling, Axus! Walang duda na anak nga kita!" sambit niya at tumawa ng mahina  ang paslit. "Sali naman ako!" paglalambing rin ni Lerzia at tumabi kay Axus at silang mag-aama ang nag-yakap. "Napaka saya kong buo na kayong anim, buo na ang aking buhay dahil sa inyo!" sambit ng amang hari sa kaniyang mga anak. Matapos ng kanilang yakapan ay bumitiw na sila sa isa't isa... "Ngayon, nasaan ang iba mo pang kapatid Lerzia? Hanapin at ipatawag mo sila ngayon din—" sabi ni Roman at tumayo na, "—'pagkat mayroon akong mahalagang sasabihin sa inyo..." "Ngayon din, ama!" tumayo na rin si Lerzia at agad na lumabas ng silid. ... (Derrohny) "Sa pangalawang pagkakataon ay natakasan na naman ako ng bunsong anak ni Roman." ngitngit ni Balrak na halata ang pagkatalo sa mukha. "Nabigo kang paslangin si Axus, panginoon... Buhay pa rin s'ya hanggang ngayon!" ani ni Guzma. "Batid ko iyan, Guzma." malamig na sagot ng hari, "sa mga oras na ito ay naka-titiyak akong inihahanda na ang mga regium upang turuan at hahasain sa paghawak ng sandata at sa pakikidigma!" "Nangangahulugang mahihirapan ka lalo na paslangin ang sinasabing bata sa propesiya." sabi naman ni Sebani. "Heh — d'yan ka nagkakamali. Baka nakakalimutan mong may alas pa ako sa Goltus." nakangising sambit ni Balrak. Tumayo ito sa trono at tinanaw ang papalubog na araw. "Marahil ay panahon na upang magkakilala kami..." sabi nito. At sa punong bulwagan ng Goltus... Hawak ni Roman ang kamay ni Axus nang sila'y pumasok sa bulwagan kung saan naghihintay na ang kaniyang mga ipinatawag. Naka-hanay na sa tapat ng trono sina Lerzia, Xelcis, Adro, Verdem at Sype, ang iba pang regium. Nang makalapit sa kanila ang hari ay binitawan na nito si Axus at tumabi naman ito sa pagitan nina Sype at Verdem. --------------------------------------------------------------------------------------------------------- Ang salitang "regium" ay nangangahulugang sorsero na may dugong bughaw, maaaring prinsipe o prinsesa. Isinasama ito sa pangalan ng sorsero na may mataas na katayuan sa palasyo o anak ng pinuno ng Goltus. Pagkilala at pag-galang ang dahilan kaya ginagamit lamang ang salitang ito sa mga may dugong bughaw na sorsero. --------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Ikintutuwa kong makita kang muli, salve!" mahinang sabi ni Sype kay Axus na sinamahan n'ya pa ng napakatamis na ngiti. "Gano'n din ako, Sype. Tama?" Axus "Oo! Sype nga ang aking ngalan." --------------------------------------- SALVE - nangangahulugang "kapatid" --------------------------------------- "Makinig, mga regium!" utos ng amang hari at humarap agad sa kaniya ang anim na paslit. "Nakarating na kayo sa naangkop na gulang upang simulan ang inyong pagsasanay. Panahon na upang kayo'y turuan, sanayin at pagalingin hindi lang sa paghawak ng sandata, kundi sa pagpapalakas na rin ng inyong mga taal na kapangyarihan at gawin kayong mahusay sa larangan ng pakikidigma; mga laban at digmaan na maaari n'yong kasangkutan sa oras na kayo'y maging mga ganap na pinunong sorsero na." paunang pahayag ni Roman. "Hindi ko na ito pahahabain pa. Si apram Capaste ang aatasan kong magturo sa inyo ng paghawak ng mga sandata, habang si Emprido naman ang sasanay sa inyo upang mapag-aralan ninyo ang salamangka ng ating daigdig, at ganu'n din sa inyong mga sariling kakayahan." lathala ng hari at nagsimula nang kabahan ang anim na regium. Nagka-tinginan ang mga ito at mga halatang nangangamba. "Nawa'y maging masunurin kayong lahat sa kanila at wag n'yong pasasakitin ang kanilang mga ulo, nagkakaintidhan ba tayo aking mga prinisipe?!" tanong ni Roman sa anim. "Masusunod, amang hari!" sagot ng lima, at itong si Axus ay hindi gaanong naka-sabay. "Magaling! Magpahinga na kayo dahil bukas na bukas ay magsisimula na kayong mag-sanay." utos muli ng amang hari. Nagbigay galang na ang mga prinsipe at si Axus ay hindi na naman kaagad nakasabay, mabuti nalang at pinapanood n'ya ang mga kilos at galaw ng mga kapatid kaya kahit paano ay hindi s'ya napag-iiwanan. "Nasasabik na ako, Emprido." nakangiting sabi ni Roman nang bumaba s'ya sa trono at tabihan ang mga inatasan n'yang magturo sa mga anak, "nawa'y bumilis na ang panahon 'pagkat nais ko na silang makita na lumaki!" "Sino kaya sa kanilang anim ang magiging pinaka mahusay?" nasasabik ring sabi ni Emprido. "S'yempre ay silang anim! Natitiyak ko na iyan!" sagot naman ni Capaste at nagtawanan silang tatlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD