Kabanata 28: Si Axus sa kaniyang tunay na mundo

2646 Words
Nasa punong bulwagan na ang lahat, ang napaslang na reyna ay naka-lagak na sa gitnang bahagi kung saan s'ya bibigyan ng pagkilala ng lahat ng kahariang pinamumunuan niya sa ilalim ng Goltus. "Kanina lamang ay si Naeso ang ating pinaglaanan ng pamamaalam. Heto ngayon si Kaxandra naman ang ating pinagluluksaan." malungkot at matamlay na sabi ni amang hari habang pinagmamasdan ang tila natutulog lang na reyna. "Sinabi kong wag s'yang kikilos laban sa mga kaaway ngunit hindi s'ya nakinig sa akin." "Kamahalan, kung ito ang kaloob ng ating mahal na bantay ay wala tayong magagawa. Nagampanan na ni reyna Kaxandra ang kaniyang tungkulin at masaya naman s'yang nakapag lingkod sa ating lahat." saad ni Maro. "Tama ka, tanda. Ngunit hindi ko lang talaga matanggap na maging si Kaxandra ay kukunin rin pala ng langit — na isa rin si Axus sa mga anak ko na lalaking walang kinikilalang ina." at muli ay tumangis na naman si Roman, mabuti nalang dahil nasa tabi niya si Emprido upang tapikin ang kaniyang balikat. "Mahal na hari — may malay na po si regium Axus." pagdating ni Capaste. Agad na nagpunas ng luha si Roman at kahit papaano ay nabawasan ang sakit na dinaramdam niya. "Papasukin mo s'ya." utos agad nito sa apram. Ang batang si Axus ay ginabayan ng mga hora sa pagpasok sa bulwagan. Nakasuot na ito ng damit pang prinsipe at labis na namangha sa ganda ng paligid! Habang naglalakad patungo sa gitna ay nililingon nito ang lahat, ang mga kawal sa paligid, ang mga bintana, pati ang mga kakaibang nilalang o ang mga Saghar. "WOW!" sambit ni Axus hanggang sa makarating na s'ya sa tapat ng hindi n'ya pa batid, ngunit kaniya palang ama. "Salutem, aking prinsipe!" nakangiting bati ni Roman sa anak. "H-hello po?!" nahihiyang sagot ni Axus dahil lahat ay nakatingin sa kanya, "ay mali — sa-sa-salutem! Salutem po!" pagtatama nito sa sarili. Napangiti ang hari at ang mga kasama nito... "Ahmm, s-sino po kayo?" nauutal na tanong ng bata sa mga kaharap n'ya, "saka nasa'n po ako? Anong lugar p-po ito?" "Pakinggan mo ang iyong puso, regium. Tiyak na makikilala mo kung sino iyang nasa harapan mo!" sagot ni Maro at lumapit sa bata. "WOW! Ang cute mo naman! D-duwende ka ba?" nakangiting tanong ni Axus sa matanda. "Oo, regium. Tama ka riyan! Ang pangalan ko ay Maro, at isa akong Saghar!" pagpapakilala ni Maro. "Saghar? Teka, naalala ko ang mga kwento ni aye sa 'kin! 'Di ba kayo 'yung — iba ibang mga nilalang? Yung mga diwata? Dwende?!" tanong muli ng paslit. "Ahahaha, oo Axus! Kami nga iyon!" natutuwang sagot ni Maro. "Nakatutuwa itong si regium Axus, kamahalan. Hindi s'ya matatakutin at madaldal pa!" natutuwa ring bulong ni Emprido kay Roman, "tignan niyo't kita na tuwang tuwa s'ya kay tandang Maro." "Tama ka d'yan, marahil ay hindi nakalimutan ni Naeso ang bilin ko na turuan n'ya si Axus sa sandaling lumaki na ito." nakangiting pag-sang-ayon ng hari at pinagmamasdang haplusin ng kaniyang anak ang mga bahagi ng katawan ni tandang Maro. "Pero teka — sino nga po ulit kayo?" pagbaling ni Axus ng tingin sa kaniyang ama at biglang tumibok ng kakaiba ang puso niya, wari bang nakikilala na niya ang lalaking iyon. "Ako si Roman — at ako ang iyong ama!" nakangiting pagpapakilala ng hari. "P-po? Hala — bakit ganito ang nararamdaman ko?" tanong ni Axus sa sarili n'ya. "Tunay ang sinasabi niya. S'ya ang iyong amang hari, regium Axus!" pag-uulit ni Maro at dito na napangiti ang bagong prinsipe. "Maaari ka bang lumapit sa akin at nang mayakap ko ang aking bunsong anak?" tanong ni Roman at ngumiti ng napaka tamis si Axus. Tumango ito, saka tumakbo palapit sa ama at niyakap ito nang napaka higpit! "Kayo po pala ang tatay ko!!" masayang sabi ng paslit. Hinawakan ni Roman ang kamay ng anak at saka lumuhod upang makaharap ito... "Masaya akong narito ka na, Axus! Hindi mo alam kung gaano ako ka-tagal na nangulila sa 'yo!" naluluhang sabi nito sa prinsipe at hinagkan ito sa noo. Ngumiti namang muli si Axus at napansin n'ya ang bagay sa likuran n'ya... "Wow?! Ang gandang babae!" pagka-mangha niya nang makita si Kaxandra sa higaan. "Teka lang — nakikilala ko s'ya ah?" "S'ya nga! S'ya po yung dumadalaw palagi sa panaginip ko! S'ya po 'yon!" gulat at masayang sabi ni Axus sa kaniyang ama. Nagtaka naman si Roman kaya napatingin s'ya kina Maro... "Axus — s-s'ya ang iyong ina." nauutal na bigkas nito at dahan-dahang niyakap muli ang anak. "Pumanaw na s'ya at ngayon ay bibigyan na natin s'ya ng huling pamamaalam." Natulalang bigla si Axus at may bahagyang kumirot sa puso niya dahil bigla na nga lang naroon sa higaang iyon ang kaniya palang ina. Naiisip niya'y "sayang" dahil hindi n'ya ito nakilala, ngunit ang hindi n'ya batid ay maraming pagkakataon na rin naman silang nagsama — sa mundo ng mga mortal. "Magpaalam ka na sa inyong ina." malungkot na sabi ni Roman sa anak. Tumingin muna sa kan'ya si Axus at saka muling lumapit kay Kaxandra, tumingkayad pa ito para maabot ang ina sa higaan at upang mahagkan ito. "Paalam, 'nay..." bulong ni Axus at bumalik na agad sa kaniyang amang hari. Hinagkan na rin ni Roman sa labi ang asawa at saka rin bumulong... "Mag-iingat ka sa iyong paglalakbay patungo sa panibagong buhay, aking reyna. Nawa ay patuloy mong gabayan si Axus. Magkakasama rin tayo — darating din ang panahon na magkikita tayong muli. Eroam inconvanse, pinakamamahal kong Kaxandra." ----------------------------------- Eroam inconvanse - "Mahal kita!" ----------------------------------- Inilabas na ng hari ang mga hiyas at itinapat ito sa katawan ng reyna, maya-maya pa ay unti-unti na itong napulbos hanggang sa naging abo na at lumutang paitaas. Dito na napabuhos ang luha ni Roman at napaluhod s'ya sa sahig habang nakatingala sa makukulay na abo na patungo na sa kaitaasan. Kasama ng kaniyang panlulumo ay ang pagpapaingay ng mga kawal sa kani-kanilang sandata bilang pagkilala sa yumaong reyna. ... Matapos ng paglisan ni Kaxandra ay hinayaan muna ng amang hari ang kaniyang bunsong anak na maglibot sa buong palasyo, kasama ng mga hora, sa pangunguna ni Talya na siya nang mag-aalaga sa prinsipe. "WOW!" manghang mangha si Axus sa kaniyang mga nakikita; ang mga kasuotan ng mga majezan, ng mga kawal at ang disensyo ng paligid. "Salutem, regium Axus!" pagbati ng mga sinse. "Wow!! Ang cute n'yo naman! Salutem din sa inyo!" magiliw na bati ni Axus sa mga nilalang. Nakasalubong nila ang isa sa mga lobo na alaga ng Goltus, si Furra. Isang dambuhalang asong lobo na kulay kahel at may naglalagablab na buntot. Kauri rin ito ni Vappo, iyong lobo na ang elemento naman ay tubig at sa guhong Saghara matatagpuan. "WOWWW!" napahabol tingin si Axus sa lobong ito na mas malaki pa sa kaniya, at mas mahaba kung ikukumpara sa lobong nakikita n'ya lang sa libro noon. "S'ya si Furra, isa sa mga makapangyarihang cerapal dito sa Majezenty." kwento ni Talya, "at alam mo ba — s'ya ay alaga ng iyong amang hari!" "Wow?! Totoo po?!" pagka-mangha ni Axus. "Oo, regium. Apat sila, ngunit dalawa lamang ang nananahan dito sa atin sa Goltus, hayaan mo't  makikilala mo rin ang isa pa sa lobong alaga ng ating kaharian." nakangiting sabi ni Talya. Sa tapat ng dispensaryo sila napatigil at nang palakad na sila ay nakita ni Axus si Lawag na nakahiga sa isa sa mga kama. "Lawag?!!" sa tuwa ng bata ay dali-dali s'yang tumakbo papasok sa silid at agad na tinungo ang kaibigan. "LAWAG IKAW NGA?!" masayang sabi ni Axus nang makalapit sa higaan at sumampa rito. "AXUS?!" gulat rin na sabi ni Lawag at mabilis silang nagyakap na dalawa. "Axus ikaw nga?! Hahahaha!" tuwang tuwa sabi ni Lawag, "ang ganda ng suot mo ah! Iba ka na!" puri nito. "Ikaw, ano bang ginagawa mo d'yan? Tumayo ka mga para magkasama tayong maglibot dito! Alam mo ba may nakita akong malaking wolf ngayon lang!?" kwento ni Axus sa kaibigan at pilit n'ya itong pinapatayo. Si Talya na nasa malapit lang ay natutuwa dahil madaldal pala itong si Axus at nakakatuwa silang pagmasdan ni Lawag. "Tumayo ka na d'yan, dali!!" sambit ni Axus at pilit na ibinabangon si Lawag. "Regium!!" dali-daling nakialam si Emprido at inawat si Axus, "paumanhin regium, ngunit hindi mo pa s'ya maaaring galawin, nagpapahinga pa ang iyong kaibigan." sabi nito. "Ahh — hehe! P-pasensya na po." nahiya bigla si Axus at bumaba sa kama. "Wag kang mag-alala, regium. Magkakaroon rin kayo ng sandali ni Lawag upang magkasama, ngunit sa ngayon ay hayaan mo muna s'yang magpagaling dahil maluhba ang sugat na natamo n'ya." pagngiti ni Emprido. Biglang bumalik sa isip ni Axus ang nangyari bago s'ya nawalan ng ulirat, naalala n'ya si Naeso, ang kaniyang aye! "Magpagaling ka ha! Bilisan mo!" bumulong na s'ya kay Lawag at saka nagpaalam. Matapos ang nakakapagod na paglilibot ay nagtungo naman si Axus sa balkonahe, sa taas na bahagi ng Goltus kung saan nakita n'ya ang ganda ng lupain at ng himpapawid. Naka-tingkayad siya upang matanaw ang mga lumilipad na nilalang at mga nagmamandong kawal sa ibabang palasyo. "Axus?!" tinig ni Roman. Nang lumingon ang bata ay nakita n'ya ang kaniyang ama at ngumiti s'ya. Lumapit ang amang hari sa kaniya at magkasama nilang tinanaw na kalupaan ng Goltus. "A-ama... Si aye..." nahihiyang sabi ni Axus sa kay Roman. "A-aye?" tanong ng hari. "Si Naeso po..." malungkot na sagot ni Axus at napatungo. Dito s'ya hinimas-himas ni Roman sa balikat. "Patawarin mo ako 'pagkat wala na s'ya, hindi ko nailigtas si Naeso. Wala na ang iyong aye." saad nito at narinig ang paghikbi ng anak. Pinaharap ni Roman si Axus sa kaniya at saka s'ya lumuhod upang magkaharap silang dalawa. "Magkasama na sila ngayon ng iyong ina, doon sa Estova" at itinuro n'ya ang langit na punong puno ng mga bituin. "Ngunit kang mag-alala. Dahil magkasama nila tayong babantayan, lalo ka na! Tiyak na hindi ka babayaan ni Naeso, s'ya higit sa sinuman ang nag-aruga sa 'yo at kahit wala na s'ya ay umasa ka na palagi s'yang narito... D'yan sa puso mo." Napatigil agad sa pagtangis si Axus at tumitig sa mga mata ng kaniyang ama. "Hindi s'ya mawawala, anak. Dahil habang buhay s'yang nariyan sa puso't isip mo. Tandaan mo na hinding hindi mamamatay ang isang nilalang hangga't siya'y patuloy mong minamahal!" "Si Naeso at ang iyong ina ay nabubuhay riyan sa dibdib mo — sila ang magsisilbi mong lakas upang magpatuloy na mabuhay." Ngumiti ng may kasamang luha si Axus at niyakap na niya ang ama. "Salamat po, 'tay! Salamat dahil nand'yan kayo!" mahigpit na yakap ni Axus kay Roman. Kumawala si Roman sa kaniya at hinawakan ang kaniyang mukha... "Ikaw na lamang ang natitirang alaala sa akin si Kaxandra, anak. Kaya paka-mamahalin kita — at iingatan ng lubos! Eroam inconvanse, Axus!" at hinagkan nito sa noo ang paslit. Habang sila ay masinsing nag-uusap ay pinapanood pala sila ni Bella, na natangis rin sapagkat narinig n'ya ang mga winika ng amang hari. "Tunay na bukod tangi ka Kaxandra." may ngiting sabi nito. "Katangi-tangi kang minamahal ni Roman! Nakakainggit." "Avenila, esme Bella. Sino ang batang kinakausap ng kamahalan?" napadaan si Tomzo at tumabi sa tumatangis. "Ahh — gire, ikaw pala?" mabilis na nag-punas ng luha si Bella, "s'ya ang bunsong anak ni Roman, si Axus." sagot nito. Nanlaki ang mga mata ni Tomzo at nagulat s'ya, pero hindi niya ito pinahalata sa kausap— "A-Axus?!" "Oo, bakit?" tanong ni Bella. "Wala, kamahalan. Wala—" balisang sagot ni Tomzo at dali-daling umalis. ... Matapos ang pag-uusap nina Roman at Axus sa balkonahe ay magkasama naman silang nagbalik sa punong bulwagan kung saan may surpresang naghihintay para sa bagong prinsipe! Magkahawak kamay na pumasok sa bulwagan ang mag-ama at nakita ni Axus ang limang bata na nakahanay malapit sa trono ng hari. Nakangiti ang mga ito at tila sabik na sabik s'yang makilala. "S-sino po sila, ama?" takang tanong ni Axus ngunit ngiti lang ang isinagot sa kaniya ni Roman. Maya-maya pa ay nagtakbuhan na palapit sa kinatatayuan nila ang lima pang paslit at kinausap s'ya! "Salutem, Axus! Maligayang pagdating sa ating kaharian!" masayang bati ng isa sa mga bata na kulay luntian ang damit. "S-salutem din? Hehe!" nahihiyang bati ni Axus. Masayang niyakap ng limang ito si Axus at natutuwa lang silang pinagmasdan ni Roman. "Ako si Lerzia, Axus. Ikinagagalak kong makilala ka!" pagpapakilala ng naka-kulay lila na kasuotan. "Ako naman si Verdem!" pakilala ng naka-berde. "Ako si Sype!" sambit ng naka-asul at agad na niyakap ng napaka higpit si Axus. "Adro naman ang aking ngalan!" pakilala ng naka-kulay kayumangging damit. "At Xelcis naman ang itawag mo sa akin!" pagpapakilala ng nasa huli at naka-kulay pula namang kasuotan. "Ahmm, ako si Axus — at ikinatutuwa — kong makilala kayo!" nauutal na bigkas ni Axus sa mga kaharap niya. "Nakakatuwa namang magkakasundo na agad kayo?" paglapit ni Roman sa kanila at napatingin muli si Axus sa kaniya na may nagtatanong na mga mata. "Sila ang iyong mga kapatid, Axus!" pakilala ng hari at labis na natuwa ang bagong paslit at muling tinignan ang mga kaharap n'ya. "Totoo po ba?!" "Oo, mahal ko. Ito ang panganay, si Lerzia. Sumunod naman si Verdem, tapos ay si Xelcis, si Sype, si Adro — at ikaw! Ikaw ang bunso!" at pinagsunod-sunod ni Roman ang mga anak batay sa kanilang tanda. Labis na tuwa ang nakita sa mga mukha ni Axus dahil sa pagkakaalam na mayroon pala s'yang mga kapatid, dahil d'yan kaya muli niyang niyakap ang mga ito at bagamat magkakaiba iba sila ng gulang ay magkakakasing taas lang naman sila. Hanggang sa dumating ang mga nilalang na sina Yula at Yulo. Agad na tuloy na kumawala sa kaniyang mga kapatid si Axus upang tignan kung anong nilalang naman ang dumating. "Wow! Ang cu-cute n'yo naman!" tuwang tuwang sabi nito at agad na nilapitan ang mga Saghar upang sila naman ang mayakap. "C-cute?" takang sabi ni Lerzia. ... (Sa Derrohny) Dumating sa Derrohny si Tomzo at naabutan n'ya na tila may munting kasiyahan sa kanilang bagsak na sa kaharian. Nakita n'ya sa di kalayuan ang haring Balrak at minabuti niyang lapitan ito upang alamin kung bakit nagkakasiyahan sa kanila. "Salutem, panginoon!" pagbibigay galang ni Tomzo, "tila masaya rito ah? Anong mayroon?!" Tumingin sa kaniya si Balrak at iniabot ang isang diyaryo... "Balita na buong Puslevar at iba pang karatig na bayan ang pagpanaw ng reyna ng Majezenty, HAHAHAHA!" nakangising sabi ni Balrak. --------------------------------------------------------------------------------------------------------- Ang Puslevar ay pangalan ng isang bayan na nasasakop ng mga Derronian. Sa kabuuan ay maraming pang ibang bayan sa buong Majezenty, dito nagaganap ang mga kalakalan, bentahan ng iba't ibang kagamitan, pagkain at kung ano-ano pa. Sa mga bayan ring ito nagtitipon at nag talastasan ang napakarami at iba't ibang majezan na mula pa sa iba't ibang panig ng Majezenty. Maaaring makasalamuha rito ang pinuno ng mga kaharian na sila ring naglilibot upang tignan ang kabuhayan ng kanilang mga nasasakupan, ngunit maging ang mga mapagsamantala at may malilikot na kamay na mga mandirigma ay maaari rin makasalamuha ng sinuman dahil talamak sila sa bayan upang sumalisi sa mga namimili. --------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Wala na akong aalalahanin pa, napaslang ko na si Kaxandra, maging si Axus. Ngayon ay wala nang aasahan ang mga sorsero dahil wala na ang pag-asang sinasabi ni Fellian." nakangisi pa ring sambit ng hari at lumagok ng alak. "Avenila, ngunit sino kung ganoon ang bagong prinsipe na nasa Goltus?" pagputol ni Tomzo sa sandali ni Balrak. ------------------------- AVENILA - Paumanhin ------------------------- Napatingin agad ito sa kaniya na may nanlalaking mga mata— "Anong sinabi mo?!" "Nakita ko kanina lamang na may bagong dating na prinsipe si haring Roman — at ayon sa aking nakausap, ang batang ito raw di umano ang BUNSONG ANAK ng amang hari." may diing lahad ni Tomzo. Bumilis bigla ang t***k ng puso ni Balrak at halo halong kaiisipan ang umikot sa kaniyang ulo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD