Kabanata 8: Joviana laban kay Balrak

3264 Words
"Dumagat — nasaan si Sabrina? Kanina lamang ay nag-kita kami." mahinang tanong ni reyna Joviana sa katabing n'yang kawal. "Hindi ko rin batid mahal na reyna, ngunit wala tayong panahon upang hanapin s'ya sa ngayon — lalo't nariyan na ang mga kalaban." Napatingin si Joviana sa pintuang papasok sa bulwagan kung saan sila nakahanay, AT NARIYAN NA NGA SINA BALRAK! Kasunod nito ang iba pang kawal tulad nina Guzma at Sebani. "Salutem, Joviana! Inasahan mo ba aking pag-bisita?" tanong ni Balrak nang magkaharap na ang kanilang panig, lila laban sa asul. "Hindi kayo bisita rito, mga apmevento!" sagot ni Joviana na may nanlilisik na paningin sa mga heneral ni Balrak. "Paano mo nais simulan ang labang ito, Joviana? Sa madugong bakbakan o sa payak at napaka daling paraan — ang isuko ang iyong sarili gano'n din ang hiyas na nasa pangangalaga mo." panimula ni Balrak. "Suko? Bakit ako susuko? May pagkakasala ba ako sa inyong mga Derronian? Nagpapatawa ka ata, Balrak!" tahasang saad ng reyna at kita agad ang pagka-insulto sa mukha ni Balrak. "Hindi ko gawain ang lumalaban sa babae, Joviana. Kaya't hinihimok kita na sumang-ayon nalang sa akin dahil kung hindi ay agad kitang ipapapaslang!" pagbabanta ng hari ng Derrohny. "At ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon? Kung TUNAY kang hari at lalaki ay alam mong hindi tama ang lumaban sa babae, ngunit — tila hindi ka lalaki... pagkat ang kinakalaban mo lang ay ang mga mahihina!" panunuya ni Joviana at may kasama pang pagngisi. "Panginoon, wag mong hayaang lapastangin ka ng reynang iyan." bulong ni Guzma. "Alam ko Guzma — walanghiya..." malamig na sambit ni Balrak lalo't kita na sa mukha nya ang pagka-insulto. "Kung gano'n, tapusin na natin ang walang saysay na labanang ito, mga Derronian, JUVALIZA!" galit na utos ng hari at pinasugod na nga n'ya ang mga kawal niya upang lipulin ang mga Falco. "Maghanda!!" sigaw ni Joviana at nag-simula na silang makipaglaban sa mga kaaway. Kahit reyna ay hindi n'ya inasa ang kaniyang kaligtasan sa mga kawal, bagkus ay isa s'ya sa mga lumaban at lalapit ngayon kay Balrak upang talunin ito! Pinapanood lang siya nina Balrak at Guzma, hindi man ipakita ng mga ito ay halatang namamangha sila sa husay ng reyna sa paghawak ng espada. Pulido ang mga kilos at galaw nito, kahit babae ay hasa sa pakikipag digma. "Walang dudang mahusay na reyna itong si Joviana, Panginoong Balrak." puna ni Guzma. "Reynang malapit nang bumagsak." saad naman ng kaniyang hari. Hanggang na sa nadaig na nga ni Joviana ang mga nakalaban n'ya at malapit na rin s'ya kay Balrak! Itinutok n'ya ang espada nya rito— "Ako ang labanan mo—" hamon ng reyna. "Nag-papatawa ka ba, Joviana? Sa akala mo'y kakayanin mo ang HARI ng Derrohny?" tanong ni Balrak. "Hindi lang kita kakayanin — papaslangin pa kita!" sagot ni Joviana at muli na naman n'yang nainsulto si Balrak. "Hayaan mong ako ang humarap—" akma nang lulusob si Guzma nang pigilan s'ya ni Balrak. Hinugot nito ang kaniyang espada at pumuwesto. "Laban ko 'to." saad ni Balrak at napangisi na si Joviana. At walang ano-ano ay kumilos na kaagad ang reyna at nag-tagisan sila ng galing sa pag-gamit ng sandata ni Balrak. Mga pinuno na ang nagtapat habang ang kanilang mga kawal ay naglalaban din! Mabilis na nakayuko si Joviana at tinamaan n'ya sa mukha si Balrak nang sya'y sumipa, sunod ay umatake s'yang muli gamit ang kaniyang espada ngunit naharangan ito ng kaniyang kalaban. "Sa akala mo'y gano'n-gano'n mo akong masasaktan?" nakangising tanong ni Balrak at s'ya naman ang nakaungos sa laban. Nagawang makaiwas ni Joviana sa atake ni Balrak ngunit nang umikot s'ya ay dito na s'ya nagawang sugatan ng kalaban sa tagiliran!—  "Aghh!" daing ng reyna at nagulat s'ya nang makita may tumalsik na dugo mula sa kan'ya. Dahan-dahan n'yang ibinaba ang kaniyang panginin at nakitang may tama na s'ya! "Haha — haha! Ano Joviana, nasaan ang tapang mo? Kaunting sugat pa lang ay hindi ka na agad gumagalaw?" pangiinsulto ni Balrak. "Walanghiya ka—" daing ni Joviana at hinawakan ang kaniyang sugat. Pero hindi s'ya nagpatinag, s'ya na ang naunang umatake at muli na naman silang nag-espadahan hanggang sa magka-gitgitnan ang kanilang mga sandata. "Ano Joviana, kaya mo pa ba?" tanong ni Balrak. AT DUMATING SI HANZE! Sa likuran ni Joviana s'ya pumuwesto at sinugatan ito sa likod! "AAGGHH!" napahiyaw na si Joviana at inatake ulit s'ya ni Hanze gamit naman ang enerhiya mula sa pamaypay na sandata nito — dahilan upang tuluyan nang mapasubsob sa sahig ang reyna! "DUMAGAT, ANG MAHAL NA REYNA!" sigaw ng isang kawal nang makita ang nangyari. "Tamang tama pala ang dating ko, ama!" bungad ni Hanze at pinaikot pa ang hawak n'yang punyal na may dugo ni Joviana. "Mahusay, aking anak. Mahusay!" pagbati ni Balrak na may kasama pang ngiti. "Ano pang hinihintay natin? Tapusin na natin ang walang kwentang ito!" mungkahi ni Hanze. "Sancte, baka nakakalimutan mo, hawak n'ya pa ang hiyas ng hangin?" pag-awat ni Balrak. "Nagkakamali ka, ama. 'Pagkat nakita ko na ang hiyas — AT NASA PANGANGALAGA ITO NG ISANG SANGGOL NA SA WARI KO AY ANAK NITONG SI JOVIANA!" paliwanag ni Hanze habang iniikutan ang reyna at tinitignan ang sugat nito. "Totoo ba?" pagkagulat ni Balrak. "Oo, at sa kakatwang dahilan ay hindi ko magawang lapitan ang bata." salaysaly ni Hanze, "ngunit hindi na iyon mahalaga, sigurado naman ako na magagawan ng paraan ng mga hiyas na hawak mo na tanggalin ang kung anumang basbas ang ibinigay ni Joviana sa kaniyang anak." "Hindi n'yo masasaktan ang aking anak, WAAAAHHHHH!!!" galit na sumigaw si Joviana at nag-labas s'ya ng malakas na enerhiya na lumikha ng mga pagsabog sa lahat ng sulok ng bulwagan kung saan sila naroon! Napaataras sina Balrak at nakita nilang nag-kakaroon ng nag-ngangalit na hangin sa buong bulwagan at kasabay no'n ay ang pagpapakita ng hiyas ng hangin! Lumapag ito sa palad ni Joviana at nag-liwanag sa galit ng tagapangalaga, itinaas ito ni reyna at muli syang lumikha ng mga pagsabog! "Tulungan mo ako — dalhin mo ako sa aking anak ngayon din!" nagmamadaling utos ni Joviana sa hiyas at agad s'yang naglaho. "Nakatakas s'ya, panginoon!" gulat na sabi ni Guzma nang makitang dugo nalang ni Joviana ang nasa sahig. "Ngayon ay hawak na niya ang hiyas — HANAPIN SI JOVIANA!" galit na utos ni Balrak at nilisan kaagad nila ang bulwagan upang hanapin ang nakatakas na reyna. Nakarating agad sa kaniyang silid si Joviana at nakita doon ang gising na niyang anak, agad n'ya itong nilapitan at binuhat. "Gising ka na pala, mahal ko?" naluluha n'yang sambit, "marahil ay ito na ang una at huling pagkakataon na ako'y iyong masisilayan." At nagpasukan sa silid sina Helad, kasunod na naman ang napakaraming Derronian. "Joviana, nagkita na naman tayo?! Bakit may sanggol ka'ng dala? Kanino 'yan?! Anak mo?!" pagkagulat ni Helad. "Ikaw na naman—" Joviana at ibinaba ang sanggol, "—hindi mo ba talaga ako lulubayan?" "Sagutin mo ang aking tanong!" Hindi na nag-atubiling atakihin ng reyna sina Helad, lumikha s'ya ng malakas na enerhiyang hangin at unti-unting nabalot ng yelo ang mga kalaban n'ya, dahilan upang hindi na makakilos pa ang mga ito. "Tayo na, anak, kailangan kitang iligtas!" nanghihinang sambit ni Joviana at kinalong ang sanggol niya saka muling naglaho. "WALANGHIYA KA JOVIANA! AKO TALAGA ANG PAPASLANG SAYO ORAS NA MAHANAP KITANG MULI!" ngitngit ni Helad habang mag-kakadikit sila ng mga pangit n'yang kawal. ... (Sa Goltus) Masaya sa palasyo ng mga sorsero dahil nalaman na ng lahat ang magandang balita ng kanilang hari, iyon ay ang pagda-dalang-sorsero ni Kaxandra. May paparating na naman na bagong prinsipe! Nasa punong bulwagan si Roman at kasalukuyang kinakausap si Emprido, pati na ang ilan sa mga kawal nang biglang dumating si Joviana. Napabagsak ito dahil sa panghihina dulot ng maraming sugat... "Ang reyna!!" sigaw ni Emprido at agad nilang nilapitan ang dumating. "Joviana? Ano'ng nangyayari? Bakit—" pagka-habag ni Roman at s'ya ang agad na umalalay kay Joviana para makatayo ito. Napansin n'ya kaagad ang dalang sanggol ng reyna— "S'ya ang ating anak, Roman — alagaan mo s'ya..." nanghihinang pakiusap ni Joviana at ipinapasa kay Roman ang hawak n'yang sanggol. "Kamahalan, ang dami n'yang sugat!" saad ni Emprido na umaalalay rin kay Joviana. "Anong tunay na nagaganap, Joviana?! Bakit sugatan ka? Sinong may gawa nito?" nag-aalalang tanong ng hari at binuhat ang kaniyang anak sa reyna. "Ang mga Derronian — sinasalakay nila ang Falcodep at kailangan ko nang magbalik doon!" hinahapong sagot naman ni Joviana at hinaplos sa huling pagkakataon ang kaniyang anak, "ingatan mo s'ya Roman, wag na wag mo s'yang pababayaan... wag mo ring kalimutang ipakilala ako sa kan'ya." pakiusap nito. Labis na nahabag si Roman sa mga winika ni Joviana, tila ba namamaalam na ito?—   "Tandaan mo ang aking wangis, mahal ko... Ako — ako ang iyong ina, si Joviana!" malambing na hinaplos ni Joviana ang kaniyang anak at kasabay no'n ay ang kaniyang pag-tangis. "Hangad ko ang mas maganda mong kinabukasan sa kamay ng iyong ama... Eroam incovanse, anak ko! Mahal na mahal kita." bigkas niya at hinalikan na ang anak sa ulo nito. ----------------------------------- Eroam inconvanse - "Mahal kita!" ----------------------------------- Hindi na rin namalayan ni Roman ang pag-patak ng kaniyang luha sa napakaikling sandali na iyon, tila ba mawawalan na naman ng ina ang isa sa kaniyang mga anak— "Wag n'yo s'yang pababayaan, Roman!" pakiusap ng reyna Joviana at nag-punas na ng luha saka tumalikod at pumuwesto. "Sancte!" pag-pigil sa kaniya ni Roman, "—hindi ka babalik nang mag-isa, hayaan mong — samahan kita!" saad ng hari at bumilis na ang t***k ng puso nilang dalawa. Mabilis na ipinasa ni Roman ang kaniyang anak sa isang hora na nasa likuran n'ya at tinabihan n'ya si Joviana. "Ikaw na muna ang bahala rito sa Goltus, Maro." pakiusap niya sa matandang dwende. "Makakaasa ka, haring Roman. Nawa'y pagpalain kayo ng ating mga bantay — upang magawa n'yong maitaboy ang mga mananakop sa Falcodep." pag-bibigay basbas ni Maro sa dalawang papaalis. "Kailangan ka pa ng ating anak — kaya't mag-babalik tayo ng magkasama dito sa Goltus." pabulong na saad ni  Roman kay Joviana at inabot na n'ya ang kaniyang kamay. Nang hawakan ito ni Joviana ay nagliwanag ang kanilang mga palad at maging ang kaniyang katawan, at unti-unting natatanggal ang kaniyang mga sugat, at saka na sila tuluyang naglaho. "Ano bang sinapit ng Majezenty — bakit ito pinahihintulungang maganap ng ating bantay?! Hay..." pagkahabag ni Maro. ... Mabilis na nakarating sa bukana ng Falcodep sina Roman at Joviana, ang hari ay nakasuot na rin ng baluting pandigma at may hawak na espada. Sa paligid ay kita ang dami ng mga napaslang at wala nang buhay na mga kawal ng Falcodep, tila nag-tatagumpay na si Balrak. "Kasumpa-sumpang Balrak — pag-babayarin ko s'ya sa kaniyang mga buhay na inutang!" napopoot na saad ni Joviana. "Mahal na hari — maaari bang tulungan mo nalang ang iba pang mga Falco na tumakas? Batid kong marami pa rin sa aking mga kalahi ang naririto sa loob at marahil ay bihag na sila ng mga Derronian. Nais kong ikaw na ang mamahala sa paglikas nila!" mungkahi ng reyna. "Ngunit nais kitang samahan, tayo ang hahanap kay Balrak!" pagtutol ni Roman. "Nakikiusap ako, kamahalan. Mas mahalaga ang buhay ng aking mga mamamayan!" Joviana "—sige, ngunit mag-iingat ka! Sasaklolohan kita sa oras na makalap ko na ang mga nasasakupan mo." pag-bibigay pahintulot ni Roman at naghiwalay na nga sila ng daan, si Joviana ay sa kaliwang pasilyo nag-tungo habang si Roman naman sa kanang bahagi. Mabuti nalang at may mga kawal-sorserong pinapunta si Roman sa Falcodep upang tumulong na maitaboy ang mga Derronian, kaya tiyak na magagawa nilang sagipin ang mga mamamayan nito. Muling tinungo ni Joviana ang kinaroroonan nina Balrak, sa trono parin ng Falcodep at ngayon ay napaka rami nang Derronian ang naroroon sa bulwagan, kasama pa sina Hanze at Helad — ang mga malulupit na anak ng hari. Mag-isang tinahak ni Joviana ang gitna ng bulwagan habang nakataas ang kaniyang noo at hindi nag-papakita ng takot sa mga kalaban. "At narito na ang reynang tumakas!" pag-salubong sa kaniya ni Helad na nasa tabi ng trono. "Lubayan n'yo ang aking trono, mga lapastangan!" nag-ngangalit na utos ni Joviana dahil nakaupo pa sa kaniyang upuan si Balrak. "Ipinapaalala ko lang sa'yo na mag-isa ka lang Joviana. Ka'y lakas pa ng loob mong magtungo rito!" saad ni Balrak na walang ekspresyon ang mukha. "Mas malakas ang loob n'yong angkinin ang teritoryong hindi naman sa inyo!" bulyaw ng reyna at nagsimula nang humangin sa paligid. "Sadyang malakas ang hiyas na kaniyang hawak, tiyak na malaki ang mahihita natin sa sandaling mapasakamay ko ito!" bulong ni Helad sa kaniyang ama. "Batid ko..." Balrak at tumayo, "sige, ipagkaloob ang nararapat sa hambog na reyna ng mga Falco — PASLANGIN SI JOVIANA!" utos nito sa mga kawal na agad na pinalibutan ang nag-iisang reyna. "JUVALIZA!" hudyat ni Sebani at kumilos na nga ang kanilang mga kawal para gapiin si Joviana. Mabilis na naka-ilag ang reyna sa palapit na espada sa kan'ya at hinarang ang isa pa, sunod ay tinadyakan n'ya ang isang Derronian at yumuko saka muling umatake. Bagamat nanghihina ay hindi n'ya inurungan ang laksang mga kawal ng Derrohny, kahit nasusugatan ay tuloy lang s'ya sa pagpaslang kaya nauubos n'ya ang mga kalaban. "Hindi ko na gusto itong ipinapakita mo Joviana, dapat ka nang mamatay." nag-titimping saad ni Balrak at napatingin sa kaniya ang mga kasama n'ya. "Marahil ay oras na upang tayo naman ang kumilos." saad ni Hanze at nag-katinginan sila ng kaniyang kapatid. Bumaba sila sa trono at nakisali na sa laban! Tangkang sasaksakin ni Hanze si Joviana ngunit nakaiwas na naman ito at sa kanilang apat nina Helad, Sebani at Guzma nakipagtunggali! "Apat laban sa isa, tignan natin kung hanggang saan ka tatagal, mahinang reyna!" pag-mamayabang ni Hanze na nainsulto dahil hindi s'ya nakapuntos kay Joviana. At sabay sabay na nilang inatake ang reyna!— Nakayuko agad si Joviana nang malapit na s'yang matamaan ni Helad at saka sinapak si Sebani, sunod ay nakipagtagisan sya ng galing sa espadahan kay Guzma habang si Hanze ay naghahanap lang ng sandali upang s'ya ay maisahan. Nang mapa-atras si Guzma ay agad na nag-hagis ng latigo si Helad at pumulupot ito sa leeg ni Joviana! "AGH!" natigil ang reyna at nagliwanag na ang kaniyang katawan, tanda na labis na syang nanghihina. "HARGH!" hinila ni Helad ang latigo kaya't napasubsob na sa lupa si Joviana, dito na kumilos si Hanze at sinunggaban siya! Nadampot kaagad ni Joviana ang kaniyang espada at hinarangan si Hanze, nag-laban pa sila hanggang sa tinuhod na n'ya ang kalaban sa dibdib nito. "Aghhh!!" daing ni Hanze na napaatras muli. "HAGHHH!" si Sebani na ang kumilos at tinarak n'ya sa likod ni Joviana ang isang patalim! "AGHH — AGHH!" daing ng reyna na lalo pang nanlambot, nasasakal na rin s'ya kung kaya't nahihirapan s'yang huminga. "Ano Joviana, kaya mo pa ba?!" nakangising tanong ni Balrak na may kasama pang tuwa. "Kahit anong gawin n'yo, hinding hindi ko isusuko ang Falcodep!" pagmamatigas ni Joviana at pinulot ulit ang espada n'ya, "MAGKAMATAYAN NALANG TAYO!" Tangka s'yang tatakbo upang lapitan si Balrak pero hinarangan s'ya ni Guzma at sila ang nagtapat! "AGHHH LAPASTANGAN!!" galit na galit si Joviana kung kaya't walang nagawa si Guzma at pati s'ya ay napaatras na! Mabilis na inatake ng enerhiya ni Balrak si Joviana kaya napasubsob na ito sa sahig! Sugatan at nanghihina— "Bakit kayong mga Falco ay tulad din mg mga sorsero? Matitigas! Ngunit wala namang panama sa mga kalaban!" takang sabi ni Balrak habang si Joviana ay lumuluha na. "HAAAGHHH!!" nanggulat si Joviana nang atakihin n'ya ng enerhiya si Balrak gamit ang hiyas ng hangin! "AMA!" sigaw ng magkapatid "Hayop ka!" sinampa; kaagad ni Helad si Joviana at inalalayan naman ni Hanze ang kanilang ama. "KAYO ANG HAYOP! Mga salot ng Majezenty!" patuloy na paglaban ni Joviana. "SANCTE!!!" at hinawakan na ni Hanze sa leeg si Joviana at sinakal ito! "Ibigay mo sa akin ang iyong hiyas, kung ibig mong hindi kita parusahan!" utos nito. Ngumisi lang si Joviana at kumawala sa kaniya, naghihina na itong tumayo at inilabas ang hiyas ng hangin. "Ayan, tama ang iyong pasya!" pagngisi rin ni Hanze, "ipasa mo na sa'kin ngayon din!" Nakakutob ng iba si Helad kung kaya't tinignan n'ya ang magiging galaw ni Joviana... Hanggang sa magpakita na nga ng buo ang hiyas ng hangin, umiikot ito sa palad ni Joviana at naglalabas pa ng maliliit na simoy. "Matakaw ka rin sa kapangyarihan — tulad ng ama mo!" saad ni Joviana at aatakahin na dapat si Hanze ngunit naitulak ito ni Helad at silang dalawa ang nagharap! Bago pa makapaglabas ng enerhiya ang hiyas ay sinaksak na ni Helad si Joviana! Tumagos ang punyal n'ya sa tiyan nito kung kaya't labis na naging duguan ang reyna— "HAGGHH!" at hinugot ni Helad ang kaniyang punyal. Nawalan na ng balanse si Joviana at tuluyang napaluhod— Muli s'yang sinasaksak ni Helad at sa dibdib naman! Lumabas na sa bibig ni Joviana ang napakaraming dugo... "Yan ang napapala ang mga umaagaw sa aking minamahal!" nakangising saad ni Helad. Tinignan ni Joviana ang kaniyang mga sugat at ang hiyas... "Ngayon, akin na ang hiyas..." mahinang utos ni Helad. Ngumiti ng matamis si Joviana at itinaas ang kamay n'ya kung nasaan ang hiyas ng hangin— AT PINALIPAD NA N'YA ANG HIYAS PALAYO SA MGA DERRONIAN! "—hahhh..." panghihinayang ni Helad at silang lahat ay nakatingala "Hindi — hindi!!" at binabaan n'ya ang paningin kay Joviana. "Walanghiya ka, wala ka talagang silbi!" at tiniluyan na niya ito! Sinasaksak na niya sa puso sang reyna at ito ang tuluyang nagpataob dito! Naglaho na ang liwanag at pinagmasdan nina Balrak ang wala nang hiningang si Joviana, duguan at nakahandusay. "Sayang na hiyas, saan kaya ito patutungo?" pagkahiwaga ni Hanze. "Magaling anak, magaling!" papuri naman ni Balrak kay Helad. ... Samantala, mag-isang sinagupa ni Roman ang mga sumalubong sa kaniyang kalaban, agad n'yang nalupig ang mga ito at isa-isang naglaho. Dito na dumating ang mga kawal n'ya at ang marami pang mga Falco. "Narito na ba ang natitira?" tanong n'ya. "Sila na ang kabubuan ng mga Falco na aming nasagip, kamahalan." sagot ni Capaste na galing rin sa isang laban. "Magaling! Ngayon umalis na kayo at magtungo na kayo sa Goltius, madali!" utos ni Roman. "At kayo, kamahalan?" tanong ng apram. "Hahanapin ko pa ang kanilang reyna, s'ya naman ang aking tutulungan!" sagot ng hari, "sige na, lumisan na kayo! Mag-iingat kayo!" "Ngayon din! Tayo na mga kasama, dito ang daan!" aya ni Capaste sa mga kasama n'ya at may ilang kawal ang naiwan upang samahan ang kanilang hari sa paghahanap kay Joviana. Palakad na sana sila Roman nang bigla silang daanan ng kakaibang hangin! Natigilan s'ya at nilanghap ang halimuyak nito... Hanggang sa magpakita sa kaniya ang hiyas ng hangin, bumaba ito mula sa himpapawid at tila s'ya ang pakay! "Ang hiyas ng hangin?!" pagkagulat n'ya nang mamasdan ang hiyas. Maya maya ay lumapit pa ang hiyas sa kan'ya at waring nagpapaangkin. "Anong?—" naguguluhang sabi ni Roman at bigla n'yang naalala ang mga sandaling nagkakasama sila ni Joviana. Bumilog ang mga mata n'ya at agad nyang ibinuka ang kaniyang palad... ...at sa kakatwang pangyayari ay lumapag nga dito ang hiyas ng hangin! At biglang humaplos ang isang malamig na hangin sa kaniya, bumulong ito sa waring boses ni Joviana. "Eroam inconvanse!" Biglang pumatak ang luha ni Roman at nilingon n'ya ang kaniyang mga kasama, "narinig n'yo ba iyon?" tanong n'ya sa mga ito, ngunit umiling lang ang mga kawal. "Ano bang nangyayari sa'yo, Joviana..." nababahalang tanong ni Roman sa hiyas at saka na s'ya nagpatuloy sa paglalakad. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD