“Paano mo 'yon nagawa sa'kin?!"
Gigil na nakakuyom ang parehong palad ni Ruthie habang binabatuhan ng nakamamatay na tingin ang lalaking inakala niyang tunay na kaibigan niya. Nakaupo ito sa tabi niya na halatang nagulat sa biglaan niyang pag-iyak.
“Sagutin mo ko! Paano mo 'yon nagawa sa'kin, Dyrroth?"
Ang mga kamay niya ay nanginginig sa sobrang galit. Natatapon ang kape sa mga daliri niya pero hindi niya imda ang nakapapaso nitong init. Kahit pa siguro mabuhos ang lahat ng kape sa buong katawan niya ay hindi niya ito papansinin. Ang buong atensyon niya ay nakatuon kay Dyrroth na namantala sa kaniya kagabi.
Hindi ito agad sumagot na tumingin sa hawak niyang tasa ng kape na natatapon sa kamay niya. Kinuha nito iyon mula sa kaniya at ipinatong sa maliit na lamesa sa gilid ng kama. Pagkatapos ay bumuntong-hininga ito at humarap sa kaniya.
“I don't understand, Ruthie. Why are you mad?"
Hindi makapaniwalang umawang ang labi niya rito.
“Bakit ako galit?! Dyrroth, pinagsamantalahan mo yung kahinaan ko kagabi! Alam mong lasing ako at wala sa sarili kahapon pero ginamit mo 'yon para gawin sa'kin yung mga bagay na 'yon!"
“Anong mga bagay?"
“Magmamaang-maangan ka talaga? Gusto mo isa-isahin ko pa?!"
Bumuntong-hininga ito na tila minamaliit ang sinabi niya.
“As far as I'm concerned, hinayaan mo kong gawin 'yon at nag-enjoy ka. Pareho nating ginusto 'yon."
“Hibang ka ba?! Lasing ako! Pinagkatiwalaan kita, Dyrroth. Hindi ako nagdalawang-isip na makipag-inuman sa'yo at lumusong ng halos nakahubad sa jacuzzi sa tabi mo dahil may tiwala ako sa'yo! Pero anong ginawa mo? Kung anu-anong kabastusan yung pinaggagawa mo sa'kin!"
“As I said, you wanted it too. So don't blame it all on me," anitong walang bahid ng pagsisisi.
Wala itong emosyon na nakatitig sa mukha niya na lalong nagpakulo sa dugo niya. Mas nalukot ang mukha niyang pulang-pula na sa galit.
“Kung alam ko lang na may binabalak ka palang ganoon sa'kin, hindi na sana ako nagpauto sa'yo!"
“I'm sorry... Pero wala akong pinagsisisihan kagabi," anitong taas pa ang noo. “And I would do it all over again if given an—"
Hindi na nito natapos ang sasabihin nang malakas niya itong nasampal.
“Hindi na ulit ako magtitiwala sa'yo!" Humahagulgol niyang sigaw. “Tama si mama, hindi dapat kita kinaibigan."
Nagpunas siya ng luha saka luminga-linga sa paligid na tila may hinahanap.
“Nasaan yung mga damit ko? Gusto ko nang umalis dito."
Gumagalaw ang panga nitong diretsong tumingin sa kaniya.
“I love you, Ruthie... I loved you for a long time... You have no idea."
Malakas siyang suminghal. “Kung mahal mo ko, hindi mo ako ite-take advantage ng ganoon, Dy. Hindi mo man lang ako kinonsidera. Paano kung umabot tayo sa s*x? Tapos nabuntis ako. Hindi mo ba 'yon naisip?"
“I did think about that. And I'm going to take responsibility for you if that happens."
Tumaas ang pareho niyang kilay dito.
“A-ano kamo?" Malakas niyang iniling ang ulo at tumuro sa dibdib. “Paano naman yung nararamdaman ko?! Hindi mo ba ako tatanungin kong gusto kong magka-anak ng ganito kaaga?"
Her face is glowering in anger. Her hands and her teeth are clenching.
“Ngayon alam ko na ang tunay na kulay mo... Kung anong klaseng lalaki ka! Ang selfish mo!"
Hindi sumagot ang binata na mariing nakatitig lang sa kaniya.
“Akin na yung mga damit ko!" she screamed.
Tahimik itong tumayo at lumakad para kuhanin ang mga damit niya. Pagkabihis niya ay hindi na siya nag-aksaya ng oras na manatili sa kama nito. Agad siyang bumangon at naglakad papuntang pinto.
“I'll let you go for now. But we are not over," sabi ng binata bago niya abutin ang hawakan ng pinto.
Kunot ang kaniyang noo na lumingon dito. Nagpatuloy ito sa sinasabi.
“If you walk out of that door right now, I won't bother you anymore. Hindi na ako magpapakita sa'yo. Hindi ako magpaparamdam. Hindi na rin kita kakausapin. Pero nasisiguro ko sa'yo, hindi 'yon magtatagal kasi alam kong hahanapin mo rin ako sa huli."
Her head shook slowly. “Hindi ako makapaniwalang nasasabi mo pa rin 'yan."
Pumamulsa ito sa pambahay nitong shorts at nagkibit-balikat.
“I'm the only person you have in this entire world, Ruthie, whether you like it or not. I'm the only one who will stay by your side when everyone turns their back on you. I am the only being in this world who will accept you. Someday, you will realize that, and I will be standing here waiting for you. You will come back knocking on my door. When that time comes, I will never let you go like this today..."
Unti-unti itong lumakad papunta sa kaniya hanggang sa isang hakbang na lang ang pagitan nila. Madilim ang mukha nitong nakatingin sa kaniya.
“Kapag dumating ang araw na 'yon, maniningil ako sa'yo. You will surrender everything to me, Ruthie."
Nagpatuloy itong umabante sa kaniya habang siya ay lumalayo hanggang sa tumama ang likod niya sa pinto at wala na siyang maatrasan. Inangat nito ang braso at itinukod sa pader sa magkabilang gilid niya. Ikinulong siya nito sa pagitan ng mga braso nito habang mapanindak na nakatingin sa kaniya.
“I will have your everything," may diin nitong bigkas. “Your heart... your mind... your body... and even your soul... You will be mine, Ruthie... as I am yours."
Lalong namula ang mukha niya sa galit sa narinig. Wala na nga itong kahit kaunting pagsisisi sa ginawa, nakuha pa nitong ipagyabang ang sarili sa kaniya at magbanta. Tinipon niya ang lahat ng kaniyang lakas at itinulak ito na bahagyang nagpaatras dito.
“Hindi kita kailangan sa buhay ko kaya h'wag kang mangarap na ibibigay ko ang sarili ko sa'yo!" galit na galit niyang sigaw. “Over my dead body!"
Nginisian lang siya nito. “We already went through that."
Hindi niya naintindihan ang ibig nitong sabihin ngunit ayaw na niya itong pag-aksayahan pa ng oras. Padabog niyang binuksan ang pinto saka nagmartsa na lumabas ng kwarto nito.
“You don't belong with them, Ruthie! You belong with me!" pahabol nitong sigaw bago siya makalayo.
Pakiramdam ni Ruthie ay pinipilipit ang puso niya sa sobrang sakit ng ginawa ni Dyrroth sa kaniya. Sa lahat ng taong pwedeng trumaydor sa kaniya, bakit ito pa? He is her only friend. But he, too, is gone, like everyone else.
Walang tigil ang pagtangis niya habang nagmamadaling lumakad papuntang silid niya nang makasalubong niya ang ina sa pasilyo ng mansyon. Natigilan siya sa paghakbang at namumutla na nakatingin dito.
“M-ma—"
“Nasalubong ko si Sir Dyrroth kanina," walang emosyon nitong sabi. “Nag-inuman daw kayo kagabi kaya hindi ka nakabalik sa kwarto mo."
Napalunok siya sa kaba at yumakap sa sarili. Nahihiya siyang yumuko dahil hindi siya makatingin ng diretso rito.
“O-opo... Sorry kung hindi ako nagpaalam sa'yo na iinom kami. A-alam ko kasing hindi ka papayag. Kaso kasi, yu-yung nangyari kay Carlos... masyadong mabigat 'yon para sa'kin... Gu-gusto ko lang sanang makalimot kahit saglit," pagdadahilan niya.
Umilang hakbang ito palapit tapos ay tinignan siya mula ulo hanggang paa na may madilim na ekspresyon.
“May nangyari ba sa inyo?" diretso nitong tanong.
Nanlalaki ang mga mata niyang nag-angat ng tingin dito, tapos ay marahas na iniling ang ulo.
“Walang nangyari sa'min! Hindi kami umabot doon!"
“Hindi kayo umabot doon?"
Nagsalubong ang kilay nito at inilapit ang mukha sa kaniya.
“Kung ganoon, hanggang saan ang ginawa n'yo?"
Nagbaba siya ng tingin at naghintay ng ilang segundo bago sumagot.
“N-naghalikan lang kami," she lied.
“E bakit ka umiiyak?"
Sinapo nito ang mukha niya gamit ang pareho nitong kamay at pinagtama ang tingin nila.
“Ruthie, nanay mo ako kaya magsabi ka ng totoo sa'kin. Anong ginawa ng demonyong iyon sa'yo?"
Demonyo?
Puno ng pagtataka siyang tumitig sa mga mata ng ina. Ito ang unang beses na narinig niya itong tawagin nang ganoon ang amo nila.
“Ma, may dapat ba akong malaman tungkol kay Dyrroth?"