Kabanata I: Ang Mahiwagang Libro
"For the graduation next month, naisip ng Student Government na magtayo ng memory wall sa araw mismo ng graduation kung saan ididikit ang mga pictures niyo noong bata kayo with your parents at picture niyo ngayong present."
"Noooo," malungkot na pagtanggi ng mga classmates ko.
"Dugyutin ako noong bata ako. Nakakahiyang i-post," sabi ni Stephen, kaklase ko.
"Dugyutin ka pa rin naman ngayon, Stephen. Okay lang yan," sagot naman ni Aly, Vice President ng SG at kaklase rin namin.
"Enough,” matigas na wika ni Timothee, SG President at best friend ko rin. “Wala na rin naman kayong magagawa dahil sumang-ayon na rin ang principal sa project na ito. Ipinapaalam lang namin sa inyo para makapagdala kayo ng mga pictures bukas."
Hindi na nagreklamo pa ang mga kaklase ko dahil bukod sa crush ng halos lahat ng babae dito si Tim, nirerespeto rin siya ng kalalakihan.
"Kung wala ng tanong, lilipat na kami sa kabilang section para mag-announce. Thank you," sabi pa nito saka kumindat sakin bago umalis kasama ng iba pang miyembro ng SG.
Automatic naman na lumingon sakin ang mga kaklase kong babae at tumingin ng masama.
"Ayan na naman kayo, eh."
Hindi na bago sakin ang tingnan ng masama ng mga kababaihan kapag magkasama kami ni Tim o sinusundo niya ko sa classroom. Eh, anong magagawa ko? Best friend ko yun, eh.
"Aminin mo na kasi Rouge na may something kayo ni Pres," sabi ni Abby na kaklase ko rin.
"Wala nga. Saka imposibleng mangyari yun. Para na kaming magkapatid ni Tim."
Totoo naman, para na talaga kaming magkapatid ni Timothee. Mag-best friend ang mama ko at ang parents ni Tim kahit noong mga bata palang sila. Hanggang sa paglaki, ayaw pa rin nilang maghiwalay kaya napagpasiyahan nilang bumili ng bahay na magkatabi lang. Then halos sabay din kaming pinagbuntis ni Tim, 1 month nga lang ang tanda niya sakin. Sa sobrang close rin ng family ko at family ni Tim, walang araw na lumipas na hindi sabay kumain ang pamilya namin. Wala ring bakasyon na hindi kami magkakasama. Hindi ko na nga naramdaman na wala akong ama dahil parang tatlo na ang parents ko at may isa pa akong kapatid.
"Eh, ano yun? Bakit may pagkindat?" tanong naman ni Maurene.
"Nang-aasar lang iyon. Alam niya kasing ganyan yung magiging reaksyon niyo."
Ilang tanong pa ang sinagot ko mula sa mga kaklase ko bago nila ko tigilan. Phew! Humanda ka talaga sakin mamaya, Timothee!
***
"Class dismiss," sabi ng teacher namin kasabay ng pagtunog ng bell.
Hay, sa wakas! Huling subject na namin 'to ngayong araw kaya pwede na kaming umuwi.
Oo nga pala, I forgot to introduce myself. I am Rouge Eulalie Escande, 17, your future doctor or veterinarian. Grade 12 na ako at isang buwan nalang graduation na namin. Excited na ako!
Anyway, naisipan ko munang mag-ayos habang hinihintay si Tim dumating. Hindi kasi kami magkaklase ni Tim. HUMSS ang strand na kinuha niya dahil gusto niyang magpulis at STEM naman ako dahil gusto kong maging doktor kagaya ng mama ko.
Kinuha ko ang make-up kit ko at nagsimulang mag-retouch. Tinignan ko rin sa salamin kung maayos pa ang pagkakalagay ng contact lens ko dahil naramdaman ko na medyo gumalaw ito kanina.
I'm wearing brown contact lenses but my natural eye color is green. Sabi ng Mama ko, namana ko daw ito mula kay Papa. Green-eyed din kasi siya pero hindi ko na ito nakita ng personal. He died before I was born. Sabi ni mama naaksidente daw si Papa habang pauwi galing trabaho noong pinagbubuntis palang ako. Tanging isang litrato at isang kwintas lang ang iniwan niya sakin.
"Sabi sayo tanggalin mo na yang contacts mo, eh. Mas maganda pa rin yung natural eye color mo."
Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala si Tim dahil sa lalim ng iniisip ko.
"At ano? Pagtinginan ng mga tao dahil iba ang kulay ng mata ko kumpara sa majority ng mga Pilipino?" sabi ko rito habang binabalik ang mga gamit ko sa loob ng bag. "Saka hindi pa ba sapat na putaktihin ako ng tanong ng mga tao dahil sayo? Ayoko ng putaktihin din nila ko ng tanong dahil sa mga mata ko, no."
"Ano na namang dahil sakin?" natawawa nitong tanong kahit halata naman na alam niya kung ano ang sinasabi ko kaya tinignan ko siya ng masama. "Okay, okay. Sorry na. Hahahaha! Libre nalang kita. Anong gusto mo?"
Agad akong ngumiti at nagsalita, "Fried chicken!"
"Sabi na nga ba, eh. Tara na."
Kinuha nito ang bag ko at lumakad palabas kaya sumunod na rin ako. Dumiretso kami sa parking lot ng school para puntahan ang motor niya. Timothee owns a Ducati. It was a gift from Tito Tom, his father, for his 16th birthday. So ito na rin ang sinasakyan namin papasok at pauwi.
Inabot muli sakin ni Tim ang bag ko saka niya ako sinuotan ng helmet. Napangiti ako. Hindi ko rin talaga masisisi yung mga classmates ko kung bakit iniisip nilang may relationship kami nitong si Tim. He’s never been this sweet to other girls. Well, I think it’s because he’s more comfortable with me.
"Hindi ka pa ba sasakay?"
Bumalik ako sa realidad nang magsalita si Tim.
"Ay, sorry," sabi ko at agad umangkas sa motor saka yumakap sa kanya patalikod.
Nang masigurong maayos na akong nakaupo, pinatakbo na ni Timothee ang motor.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa mall kung saan namin matatagpuan ang kinakainan naming Unli-chicken Restaurant. Actually, kilala na nga kami ng mga crew sa lugar na iyon dahil hindi lilipas ang isang linggo na hindi kami kakain doon. I just love fried chicken so much!
Nang makapwesto ay umorder na agad kami. Hindi rin nagtagal ay dumating na ang order namin at nagsimula na kaming kumain.
"After nito, bili tayo ng contact lens solution, ah? Paubos na kasi yung akin," sabi ko kay Tim.
"Sure."
"Then bili na rin tayo ng dress," sabi ko ulit.
"Hmm? For what? For graduation?"
"Nope. Debut ni Molly sa Saturday, diba? Invited tayo." Molly is our friend from Arnis Club.
"Ah. Okay," sabi nito na parang hindi interesado.
"Anong 'Ah. Okay'? Hindi ka pupunta?"
"Paano ba naman, ang corny ng theme ng debut niya. Fairytale?" nakabusangot na sagot nito.
"Anong corny doon? Ang cute nga, eh. I'm gonna dress up like a princess," confident na sabi ko.
Bahagya itong ngumiti.
"Pangarap mo talaga 'yan, no? Kaso nga lang kapag pumunta ka, baka sabihin nila ikaw ang debutante cause you really look like a princess."
Now it's my turn to smile.
"Then I won't overdo it. Let's pick a simple dress later." Tumango naman ito. "Anyway, ano na naman yung pakulo niyong memory wall? Maghahanap pa tuloy ako ng picture mamaya sa basement," reklamo ko dito.
"Pakulo yun ng Vice President namin. Sinang-ayunan nalang ng lahat. Isa pa, ayaw mo nu’n? Makikita nila kung gaano ka ka-chubby nung bata ka?"
Tinaasan ko siya ng kilay. Parang kakasabi mo lang na mukha akong prinsesa, ah?
"Atleast sexy na ngayon. Eh ikaw? Makikita nila kung gaano ka kauhugin noon," ganti ko naman.
"Atleast pogi na ngayon," sagot nito habang ginagaya ang tono ko kaya naman natawa nalang din ako.
Ilang minuto pa ang nakalipas bago kami natapos kumain. Kagaya ng nagpag-usapan, siya ang nagbayad ng bill. Bumili na rin kami ng contact lens solution at dress kagaya ng sinabi ko kanina kaya naman inabot na kami ng alas-otso ng gabi bago nakauwi.
"Night shift si Tita?" tanong ni Tim habang tinatanggal ang helmet ko.
"Yep."
"Kung gusto mo sa bahay ka nalang muna matulog."
Hindi na bago sa akin na matulog sa bahay nila Timothee. Bilang doctor si mama, may mga days talaga na night shift siya at doon niya ako pinapatulog sa bahay nila Tim. Pero ngayong malaki na ako, hindi na gaano dahil kaya ko naman na ang sarili ko.
"Hindi na. Isa pa kailangan ko ring maghanap ng picture na ipapasa ko sa inyo bukas," sabi ko saka umirap.
Ngumiti naman ito.
"Isang picture lang, ah? Baka naman isang photo album dalhin mo. Ayoko makakita ng maraming baboy sa memory wall."
"Okay lang, atleast hindi uhugin."
Tumawa na naman ito.
"Oo na, oo na. Ayaw talaga magpatalo. Pumasok ka na nga doon, baboy."
"Okay. Thank you, uhog! Bye!" ganti ko ulit dito bago pumasok ng bahay. Siya naman ay dumiretso na sa kabilang bahay.
Umakyat na ako agad sa kwarto para sana maligo kaso bigla akong may narinig na nahulog habang nasa hagdan ako. Pagtingin ko sa bag ko, bukas pala ito. Hahanapin ko sana kung ano ang nahulog kaso bigla kong nakaramdam na kailangan ko ng umihi kaya nagmadali ako papuntang cr ng kwarto ko.
Nang matapos umihi, nagpasya na akong pumunta sa basement pero bigla kong nakita ang dress na binili ko kanina kaya naisipan ko muna itong sukatin.
Dahil naniwala ako sa sinabi ni Tim kanina na baka mag-stand out ako - paniwalain ako kay Tim - pumili ako ng dress na simple lang pero sumusunod pa rin sa theme.
Isang plain pastel pink cotton dress ang napili ko. Although, hindi masyadong pang-Cinderella yung dress dahil hindi gaanong marami ang details niya, mukha pa rin siyang isusuot ng normal na babae sa fairytale. Besides, I love the fitting. At ang best part pa sa dress na 'to at naging deciding factor din ng pagbili ko dito ay ang bulsa niya sa magkabilang gilid. Perfect!
Umikot-ikot pa ako sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ang sarili ko.
Ang sarap sigurong maging prinsesa, no? Yung tipong lahat ng tao rerespetuhin ka. Tapos ang trabaho mo lang bukod sa pagiging supportive sa pamilya mo ay maging maganda. Ang lastly, may prince charming ka pa.
Habang nag-iimagine ng sarili ko bilang isang fairytale princess, pumasok na naman sa isip ko ang kailangan kong gawin pero dahil feel na feel ko ang damit, naisipan kong suotin na siya hanggang mamaya. Isa pa, ipapalaundry ko rin naman 'to bukas dahil ayoko mangamoy mall sa party.
Lumabas na ako mula sa kwarto habang suot pa rin ang damit. Nang makarating ako sa ibaba ng hagdan, nakita ko na rin kung ano ang nahulog ko kanina-- ang bagong bili kong contact lens solution. Agad ko itong nilagay sa bulsa ng dress para hindi ko na makalimutan mamaya saka dumiretso na sa basement. Binuksan ko ang ilaw at doon nakita ko ang tambak na mga kahon na pinaglalagyan namin ng mga bagay na hindi na namin ginagamit.
Isa-isa kong tinignan ang mga label ng kahon at nakita agad ang 'Rouge's Childhood' kaya naman agad ko itong binuksan.
"Omg, Ayesha!"
Hindi ko mapigilang makaramdam ng excitement nang makita ko ang luma kong manika na pinangalanan kong Ayesha. Hindi ko na maalala ang huling gamit ko sa manikang ito pero naalala ko pa ang pakiramdam ko habang nilalaro ko siya.
Nakakita pa ako ng ilang mga laruan at damit na ginamit ko dati at hindi ko maiwasang balutin ng saya habang binabalikan ko ang mga panahong gamit ko pa ang mga ito. Nahanap ko rin agad ang photo album ko noong bata pa ako at agad na itinabi iyon para madali ko nalang kunin mamaya saka ipinagpatuloy ang paghahalungkat sa iba ko pang mga gamit.
Binuksan ko rin ang kahon ng mga libro at nakita ang mga fairytale books na laging binabasa sa akin ni Mama noon bago ako matulog.
Alam niyo ba, akala ko talaga dati prinsesa si Mama. Kasi yung mga features and characteristics niya parang sa isang prinsesa-- mahabang buhok, maamong mukha, maganda at mahinahong boses. Kay Mama nga rin yata nagsimula yung kagustuhan kong maging isang prinsesa sa fairytale.
"Nasaan na kaya yung Cinderella?" tanong ko sa sarili ko habang nilalabas lahat ng mga libro mula sa kahon. As a child, yun kasi ang paborito kong binabasa sa akin ni Mama.
Imbis na libro ng Cinderella, isang hindi pamilyar na libro ang nakita ko.
"What's this?" tanong ko muli habang pinapagpagan ang mga alikabok na nakadikit sa libro.
Isa itong kulay itim na libro na may mga kulay gintong disenyo. Mukhang lumang luma na rin pero hindi pa makikitaan ng punit at sira.
"Ang Kaharian ng Zavidro," mahina kong basa sa nakasulat sa cover ng libro saka ito dahan-dahang binuksan.
"s**t!"
Agad kong inihagis palayo ang libro nang may maliit na liwanag akong nakita nang bahagya kong itaas ang cover nito. Sakto namang nagsara ulit ito nang ihagis ko.
Sobrang bilis ng t***k ng puso ko habang nakatingin sa libro. Totoo ba iyong nakita ko? O baka naghahallucinate lang ako? Pero imposibleng hallucination lang iyon, eh. O baka naman may ganoon talagang effect yung libro?
Unti-unti, napapalitan ng kuryosidad ang takot ko kaya namang dahan-dahan ulit akong lumapit sa libro. Itinaas ko ang cover nito at ngayon, sigurado na akong hindi ako naghahallucinate. Totoo ngang may liwanag sa loob ng libro!
Humugot ako ng isang malalim na hininga saka mabilis na binuksan ng buo ang libro. Nang maitaas ko na ang cover ng libro, agad akong lumayo nang hindi tinatanggal ang tingin ko sa dito. Maya-maya pa ay napuno ng nakakasilaw na liwanag ang buong basement kasabay ng libo-libong letra na pumalibot sa akin.
Muli, nakaramdam na naman ako ng maatinding takot kaya nanginginig akong lumapit muli sa libro para isara sana ito ngunit hindi ko na ito mahawakan. Para bang lumulusot lang ang kamay ko sa liwanang na nagmumula sa libro. Maya-maya pa ay isang kamay ang lumabas sa libro at hinila ako. Sinubukan kong hilain ang kamay ko palayo rito ngunit may kung anong pwersa na nagtutulak pa sa akin paloob.
"AAAAAAH! TULOOONG!" sigaw ko, umaasang may makakarinig sakin at tulungan ako sa nakakatakot na sitwasyon ko ngayon.
Hindi ko mapigilang umiyak habang buong lakas kong pinipigilan ang sarili kong magpahila sa loob ng libro pero habang tumatagal, mas lumalakas ang pwersang nagtutulak sakin sa loob hanggang sa naubos na ang pwersa ko at hindi ko na kinayang pumalag pa. Pinikit ko nalang ang mga mata ko kasabay ng pagpatak ng luha ko.
Naramdaman kong dahan-dahan akong itinutulak sa kawalan ng isang pwersang hindi nakikita hanggang sa hindi ko na alam kung anong nangyayari.
"Ma…” tanging iyan na lang ang nausad ko bago mawalan ng malay.
***