Chapter 4 Belle's POV "Ano naman sasabihin nating kuwento sa kanila?" tanong ko Kay Peter habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse niya habang siya naman ay nagmamaneho. "'Yong totoo na lang na dahilan kung bakit tayo nagkakilala." Napatingin ako sa kaniya dahil sa sagot niya. "Na ano? Niligawan mo 'yong best friend ko?" Tumingin siya saglit sa akin at ibinalik kaagad ang atensyon sa daan. Papunta kami ngayon sa bahay nila Peter. Balak niya na akong ipakilala sa pamilya niya bilang girlfriend niya. Noong una ay ayoko sa plano niya. Dahil alam kong mahirap magpanggap na hindi ko siya mahal. Pagnagkataon ay kailangan kong itago sa kaniya ang nararamdaman ko. Dahil siguradong susukuan niya 'kong tulungan kapag nagkataon. Alam kong ginagawa niya lang ito para tulungan ako, pero

