Chapter 5 Peter's POV Kakatapos lang namin mag-dinner nina Mom, Dad, and Belle. Mabuti na lang at naging mabait sila kay Belle despite of our family and her father's issue. Pero nag-aalala ko na baka deep inside ay ayaw naman talaga nila kay Belle, na baka nakikisama lang kumbaga. Wala naman kasi talaga akong balak tulungan si Belle, pero nang maalala ko kung gaano siya kabait sa akin nang magkaproblema kami ni Shin ay nakonsensiya ako. Hindi niya ako iniwan ng mga panahon na iyon. Kaya heto ako gumawa ng plano na magpanggap kami sa harap nila Dad na may relasyon para magkaroon ng dahilan kung bakit kailangan nilang iurong ang kaso ng papa ni Belle. Sumeniyas sa akin si Dad para umupo sa couch na katapat ng inuupuan niya. Pagkatapos kasi naming kumain ay sinama ako ni Dad sa sala k

