FIFTEEN...
*9 am sharp*
At the main campus.
STUDENTS gather around in the main campus to witness the awaited announcement about the incident and upcoming contest that will be held in their main campus field.
The students started to form a line when the principal walk up to the stage.
"My dear lovely students in Enchanted Academy. So in the past few days ay sunod-sunod ang pag atake ng black shadow but as you all know, we are doing our very best to strengthen our securities in this school."
Marami pa ang in-announce ng mga board members at kabilang na doon ang mga rules and regulations sa nalalapit na paligsahan.
"We encourage you to make yourselves ready for this upcoming contest and do your very best to achieve the position you wanted to be in a fair way. Thank you and have a nice day everyone. That's all. You may now proceed to your schedule class." Huling wika ni Ma'am Selena.
Halos isang oras din ang ginawang announcement ng mga teacher kaya bagot na bagot na si Sam habang hinahanap kung nasaan si Julia. Di niya pa kasi ito nakikita simula ng magising siya kagabi. Hindi rin naman niya ito napuntahan sa dorm nila dahil medyo nalasing siya kagabi at hindi niya masyadong matandaan ang mga nagyari.
Iniisip niya na mas mabuti na lang iyon dahil baka kung ano na naman ang nagawa niyang kabalastugan kagabi. Ang naaalala lang niya ay iyong hinatid siya ni Liam sa Clinic ni Mrs. Lina.
Papunta na sana siya sa classroom na naka schedule sa kaniya ng biglang may umakbay sa kaniya. Much to her surprise it was Sophia, wearing a big smile on her face.
"Glad you're back Sam. How's your feeling?"
"Much better." Sagot ni Sam habang tumatango.
"Mamaya sabay tayo mag lunch ah! Sabi ni Mrs. Benitez bawal ka na daw mag skip ng pagkain dahil humihina na daw katawan mo dahil sa, alam mo na."
Tinutukoy ni Sophia ay ang black magic.
"Okay, don't worry. I won't skip again." Answered Sam while smiling.
"Bye! I have to go on my class."
Tumango naman si Sam bilang sagot. Naglalakad na siya ngayon na mag-isa sa hallway. Bigla niyang naisip ang babae na nagligtas sa kaniya sa bingit ng kamatayan at inalala ang sinabi nito.
Dahil sa lumilipad ang utak niya ay hindi niya namalayan na nakaabang na pala sa kaniya si Julia sa may unahan at nalagpasan niya ito ng hindi sinasadya.
Bigla nalang siyang napabalik sa ulirat ng may malakas na sumampal ng kaniyang likod. Napadaing pa siya sa dala ng sakit nito.
"Arghh!"
"Gag* ka huh! Nilalagpa-lagpasan mo nalang ako?" Halit na wika ni Julia.
Masamang napatingin si Sam kay Julia ngunit na narealize niya na si Julia pala ang sumapak sa kaniya. Nagningning ang mga mata ni Sam na animo'y nakakita ng magandang bituin. Mabilis pa sa alas kwatro niyang niyakap si Julia ng napaka-higpit to the point na hindi na makahinga si Julia.
"Thank god you're okay!"
"S-am di ako makahinga 'no ka ba!"
Kaagad na kumalas si Sam dahil sa sinabi ni Julia.
"Sorry! Na excite lang.." biglang sinampal ni Sam si Julia sa balikat.
"Ikaw? Bakit wala ka pag gising ko?"
"Ouch! Lumipat na po ako sa dorm natin. Tsaka sabi ni Mrs. Lina utos daw ni supremo na hindi ka distorbuhin sa pagtulog mo. Kaya no choice ako kundi ang iwan ka doon." Paliwanag ni Julia.
"Maya na tayo mag-usap pasok muna ako sa klase ko. Late na'ko." Reklamo ni Sam.
Aalis na sana siya ng pagtalikod niya ay humarang sa kaniya, si Marco kasama si Lucas na nakatingin lang kay Julia.
"Cancel klase mo ngayun. Its time to train dahil 3 days nalang before ang paligsahan." Wika ni Marco na ikinalingon ni Sam sa kaniya na hindi makapaniwala.
"What? 'Kala ko ba 10 days pa?" Takang tanong ni Sam.
"Well the King insist to make it faster. And the reason? We don't exactly know." Said Marco.
"Yes, ngayon palang dumating ang mensahe ng hari." Dugtong naman ni Lucas.
"Well that's great! 3 whole days akong magpapalakas nito" Sarkastikong wika ni Julia.
"Don't worry tutulungan kita!" Lucas answered.
"Wag na kamahalan nakakahiya naman sa'yo." Magalang na wika ni Julia.
"Cut the kamahalan. You can just call me with my name." Nakangiti na wika ni Lucas.
"Yes Kam- Lucas. Well if you insist, I'll not dare to say no." Natatawang sagot naman ni Julia.
And here, Sam and Marco are stunned sa ginagawa ng dalawa. Like what's happening right now.
' Are they flirting with each other?' tanong ni Sam kay Marco through telepathy.
' Hahaha Yeah, probably? Lucas is really... Pff! Funny!" Natatawang sagot naman ni Marcos habang pinigilan ang sarili niya na matawa.
Napansin naman ni Lucas na he's acting like a stupid kaya naman bigla siyang napabalik sa usual bare face niya.
"Yeah looks like we have lovebird here. Let's go Sam , I think they don't need us here." Malokong wika ni Marco
Sabay hila ni Marco kay Sam. Ngumiti naman si Sam ng nakakaloko kay Julia.
Nanlaki naman ang mata ni Julia while answering Marco.
"Uyy! pinagsasabi mo diyan?"
Mabilis na nakarating sina Marco at Samantha sa training room. Matagal tagal na din nong huli silang mag training dahil sa sunod-sunod na pangyayari sa kanilang paaralan.
Pagpasok na pagpasok pa lamang nila ay kaagad na kinuha ni Marco ang katana at inihagis ni Sam ng walang pasabi. Si Sam naman na nakatalikod ay biglang naalerto ng ma-sense niya na may kung anong papalapit sa kaniya.
Luckily nasalo naman niya ito. Pero mababakas ang gulat sa mukha niya habang si Marco ay naka smirk lang sa kaniya.
"Good reflexes Samantha. But not careful enough!" Sabi ni Marco sa kaniya.
Tiningnan ni Sam ang kamay niya na nakahawak sa matalim na katana. Ngayon lang niya na realize na hindi ang hawakan nito ang nahawakan niya kundi ang matalim nitong katawan. Mabilis niyang binitawan ang katana at doon pa lang niya naramdaman ang hapdi at sakit. But much to her surprise ay nakita niya ang sugat niya sa palad ng kamay niya na sumara.
Kumbaga nag heal ito mag-isa. Mabilis niyang ikinoyom ang kamay niya para hindi makita ni Marco ang nagyari sa sugat niya.
Tiningnan niya ng seryoso si Marco. Mabilis niyang kinuha ang katana.
"You ain't playing nice Marco. Well I like that, pero next time na gagawin mo iyon magsabi ka naman." Reklamo niya.
"Hahaha! Did you ever see a hue warning you that he will attack you? Training is not just a training without real demonstration Sam."
"But it's you you're not--"
"Sam, even the closest person can be you're hue someday. So you must learn to control your own feelings. If you can't control that then you're in highly risk of being lose."
Napaisip si Sam sa sinabi ni Marco and she hate the thought seeing one of her closest person to be her hue someday. Humigpit ang hawak niya sa katana.
Napansin naman iyon ni Marco.
" I know it is hard but we can't avoid that, especially this world is not that normal as what other think it is. So now I'm going to train you like you are a mere human. No using powers or any ability. Just that katana on your hand and your own reflexes and knowledge in fighting."
"How do you know using katana? I thought enhancing powers and abilities lang ang tinuturo ng paaralan na'to?"
"As you can see, there's so many half human in this world. At minsan di gumagana yung kapangyarihan nila or hindi kaya ng kapangyarihan nila ang pabagsakin ang mga ibang bagay kaya we, this school, practice the students to be trained without using any of their powers and abilities."
"Oh I see." Maikling sagot ni Sam habang tumatango.
Tumatango pa si Sam ng biglang umatake sa kaniya si Marco. She immediately block it with her Katana.
"Gag* ka talaga Marco!"
Ngumiti naman sa kaniya si Marco ng nakakaloko habang idinidiin nito ang katana sa kaniya.
"I told you already the--f*ck!" Napaatras si Marco ng buong lakas siyang tinulak ni Sam.
Ngayon si Sam na naman ang nakangiti sa kaniya.
"I don't listen repetition of advice Marco. And better remember that."
"Good. I like how you learned fast."
"So first thing first. I will explain to you what katana is."
" A katana is a style of Japanese sword known for its long curved blade that's able to easily cut through a variety of materials. While it may seem simple to swing a katana, cutting and striking with one properly takes time and practice."
"First, position your hands at the top and bottom of the handle. Like this."
Marco demonstrate the position. Tumango naman si Sam while she imitate the position of Marco.
"Like this?" Tanong ni Sam.
Lumapit naman si Marco sa kaniya and correct her position.
"Don't touch your hands together or else you'll cut with a hacking motion and you won't be as accurate. Keep at least 3-4 inches between them."
"And also avoid keeping your thumbs on top of the handle since you won't get a proper grip on the sword." Dugtong pa ni Marco.
"Okay. Like this? Did I get it right?" Nakataas ang dalawang kilay niya habang naghihintay ng sagot ni Marco.
"Perfect! " Sagot ni Marco.
"I knew it!" Masayang wika ni Sam.
Nagpatuloy pa sila sa kanilang pag e-ensayo hanggang sa lumipas ang tatlong araw. Iyon lang ang itinuro ni Marco kay Sam sa tatlong magkakasunod na araw.
Focus na din ang iba pang mga estudyante sa pagpapalakas. Paminsan-minsan ay nag-eensayo naman mag-isa si Sam sa kaniyang kapangyarihan. Hindi nalang niya ininda ang iba pang bumabagabag sa kaniyang isipan katulad nalang ng hindi pagpapakita ni Grey sa kaniya.
Labis siyang nagtaka sapagkat alam niya na hindi pa tapos si Grey sa mga katanungan nito sa kaniya. Hindi na rin naman niya iyon inabala dahil hindi naman iyon matino kausap kapag siya ang kaharap nito.
Minsan naman sa tatlong araw na lumipas ay nakikisabay siya ng lunch kila Sophia at Scarlet. Sumasabay na din sa kaniya si Julia na palaging nakadikit kay Lucas. Halatang may namamagitan sa dalawa ngunit in denial stage pa silang dalawa. May time na nakakasalubong niya si Diana but she doesn't gave a dumb or any attention on it.
Napabuti na ang pamamalagi niya sa paaralan but there are times na naiisip niya sa sarili niya na ,what if na sunod niya ang utos ng kaniyang lola? Maiiba ba ang kapalaran niya at sitwasyon niya ngayon?. Maraming katanungan ang bumabagabag sa kaniya but as what the beautiful lady said on her,
"The past will haunt, the present will change, thus your future are already planned. You are bound to shine and can bring peace in this vicious world."
Naputol ang ala-alang iyon ni Sam ng matamaan siya sa balikat niya ng isang damit na naka plastic pa. Tiningnan niya kung sino ang naghagis sa kaniya at nakita niya si Scarlet.
Masungit itong naglakad papunta sa kaniya habang nakasuot na sa uniform nila na required para sa tournament na gaganapin.
Huminto lang si Scarlet sa harap niya at tinitigan siya. Nakaupo kasi si Sam sa isang bench sa field nila.
"Care to sit? Malaki pa naman ang upuan." Sabi ni Sam habang pinupulot ang inihagis na damit.
Tiningnan ito ni Sam. Ito na siguro ang isusuot niya mamaya sa laban.
Sumagot naman si Scarlet.
"No thanks. Nandito lang naman ako para sabihin sa'yo na maghanda ka na kasi anytime magsisimula na ang labanan."
Hindi naman sumagot si Sam, bagkus binuksan niya ang plastic at tiningnan ang desenyo ng damit.
It is a tournament suit that is color black and may nakalagay sa kanan na 'Class 2' sa bandang itaas nito. Napansin din ni Sam na golden brown ang suot ni Scarlet na may nakalagay din sa bandang kanan na 'Class 3'.
Napansin din ni Sam na may suot si Scarlet na isang Gold Necklace na umiilaw kapag na e-e-expose sa liwanag. 'Di na niya nabasa ang nakasulat doon ng magsalita si Scarlet sa harapan niya.
"Well good luck nalang sa'yo. Remember that I won't go easy on you kung sakali mang magkaharap tayo sa arena."
Ngumiti si Sam ng napakalapad.
"Sure. Thank you for saying that."
Naisip ni Sam na kahit ganon ang ipinapakita ni Scarlet sa kaniya ay sure siya na napalapit na din ito sa kaniya at kaibigan na ang turing niya dito. By spilling those words on Scarlet's mouth ay napatunayan niya na may pakialam din pala sa kaniya si Scarlet.
Na weirduhan man si Scarlet sa sagot ni Sam pero hindi na niya ito ininda pa. Nakita nalang niya na nag paalam si Sam habang nakangiti sa kaniya. Naiinis naman siya dahil ayaw na ayaw niya na wino-walk out-an siya kapag nag-uusap. Dapat siya yung nag wa-walk out at hindi sila. Napa-irap nalang siya sa ginawa ni Sam sa kaniya at nag walk out na din papunta sa main arena.
She even said 'tskk' and then flipped her hair bago mag walk out.
To be continued...